Lucky Me

Lumaki ako sa Maggi. Bukod kay Kuya Bodjie at ate Sheena, si Tita Maggi ang pinaniniwalaan ko noon. Minsan may nagtangkang umagaw sa atensyon ko, naglabas sila ng mga noodles na alphabet at iba’t-ibang hugis pero dahil masyadong maalat at mahal, balik ako sa Maggi.

Ewan ko kung paanong nawala si Tita Maggi sa buhay ko. College ako ng mapansin kong Lucky Me na ang sinusunggaban ko pagkauwi sa dorm. No cook kasi. Banlian lang ng tubig, presto! Busog ka na.

Noong high school at college, masyado na akong abala upang subaybayan ang mga bagong kinahuhumalingan na pagkain gaya ng chikadese na may free na laruang lumalaki pag nilagay sa tubig, palabas na pambata at mga larong pambata. Syempre, abalang-abala sa paggawa ng school report kaya nga pati pagpahinga at paglilibang ay sa computer na ginagawa. Palipas oras rin ang mga solitaire, hangman, textwist at iba pa.

Kaya nga wala ng bonding with friends. madalas makikita mo na lang sila sa friendster. Ang dating malapad na kalsadang ginagawang multipurpose court para sa basketball, piko, patintero, tumbang preso at mataya-taya ay nauwi sa internet village. Doon tayo nagkukumustahan at nagbabahaginan ng ating mga buhay.

Salamat naman at may panawagan para sa paglalaro. Hanep ang Lucky Me! Nakakarindi man at wag sanang gawing novelty song pero mahusay ang nakaisip ng awiting tayo’y na’t maglaro, tayo na’t maglaro sa lucky me…

Kailangan pa rin naman ng mga bata na totoong paglalaro at pakikisalamuha.

Nagtatrabaho na ako ng binawasan ko ang pagkain ng instant noodles. Pakiramdam ko kasi nacoconstipate (pasintabi) ako at isa pa, parang delikado sa tiyan. Press release nila na NAPA na sila. No Artificial Preservatives Added – parang ayokong maniwala at alam nilang kaunti lang ang maniniwala kaya nga syempre kumuha ng Endorser na pinaniniwalaan ng marami – Ate Shawie! Kung totoo man, e di mabuti. Para sa isang bansang mas mura ang noodles sa bigas, maganda nga namang hakbangin ito upang gawing busog lusog ang mga pinoy.

Naalala ko noong 2004, nasa Resettlement Area Ako sa Zambales para sa mga batang Ayta, isang workshop ang ginagawa namin para ganahang pumasok ang mga bata. Sabi ko sa kanila, bawat bata ay kailangang magtanim ng isang puno at sa pagbabalik ko, bibisitahin ko ang kani-kanilang puno at yaong may pinakamalaking tanim o yung yumabong ng husto ay may gantimpala. Tinanong ko sila kung ano ang regalong gusto nilang matanggap kapalit ng pagpapatubo ng puno, ang sinagot nila… Lucky Me!

Sadyang mahirap ang buhay doon. Kinilabutan ako ng mas lalo ko itong mapatunayan at mabatid kong ang lucky me na halos ayaw nating kainin dito ay siya namang inaasam-asam nilang makain. Espesyal na pagkain iyon, kaya nga noong bumalik kami nitong nakaraang Nobyembre 2008, ang dami naming dalang Lucky Me. Sayang nga at hindi pa sila NAPA noon.

Kapag ganitong umuulan, namimiss ko pa rin ang Maggi. Naalala ko yung excitement na nararamdaman ko pag nakita kong umuusok na ang kaldero, ilalagay na ang noodles mula sa sachet at ibubudbod na ang pampalasa. Tapos huhulugan ng itlog pamparami at pandagdag daw sustansya. Madalas sa isang mangkok, lalagyan pa namin iyon ng kanin. Kumpleto ang kainan!

Minsan naman, ang maggi, ihahain bilang sabaw sa tuyo na itinambal sa sinangag na kanin. Masarap ang pagkakasangag sa kanin kung niluto ito sa Star Margarine.

Masasabi kong naging lucky me talaga ang buhay ko noong bata ako – nag enjoy ako sa paglalaro at pagkain!

Advertisements

2 comments on “Lucky Me

  1. halu salamat sa pagdaan at pagkomento sa bahay ko! 😀

    pareho tayong napakahilig sa noodles. maggi, lucky me, payless o kung anu pa man yan, favorite ko tlga. nabawasan na lang nung nagpunta ako ng Dubai at pagsabihan ng mga kakilala na wag masyadong magnoodles dahil ndi daw maganda kung palaging instant noodles ang kinakain.

    pero ang pasta favorite ko pa rin, basta kamag-anak ng noodles, hehehe…

    blue : yup, masarap tlga ang pasta. pasta lover din ako.

  2. uy, at least may star margarine pa rin! remember ko din yung commercial na kanin na nilagyan ng star margarine, parang ang sarap sarap, at sempre yung putong mainit na may star margarin, hmmm! minsan crave ko rin ang lucky me, ewan ko kung bakit nawala gana ko sa maggi, dahil siguro kasi biglang tumanda si tita maggi 😀

    blue : in fairness maganda pa rin naman si tita maggi nung tumanda.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s