Para kay Potpot na mahilig ng magtanong (part 2)

Walang anu-ano ay nagtanong ka, Where does my father stay? Tatlong taon ka pa lang at ganyan na ang naiisip mo. Kung ako ang tinanong mo, isa lang ang masasagot ko – Malay ko? Ni hindi ko nga nakita ang picture nun, hindi pinakita ng mommy mo.

Okay, bigyan kita ng clue… ang alam ko, nasa America siya, kung saan dun ay hindi ko alam. Amerikano siya kaya nga iba ang kulay ng buhok at balat mo. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit English ang salita mo, masyadong busy ang mga tao sa bahay para i entertain ka kaya madalas ay DVD ang kaharap mo.

Lahat ng lalaking kasama mo sa bahay ay mga tito mo. Hindi kami ang tatay mo pero alam mo, ganun din iyon. Kami rin naman ang madalas mong kasama at kalaro – walang namang pinagkaiba yun.

Pag may tatay ka, madalas nasa trabaho siya, darating siya sa gabi, makikipaglaro sa’yo, kukumustahin ka, makikipagkulitan, minsan mapipikon din, mamalo kung kinakailangan. Ganun ang tatay, gaya ng ginagawa namin.

Maswerte ka na rin dahil kasama mo kami, minsan kasi, may mga tatay na nangingibang bansa para maghanap buhay. Maririnig mo lang sila sa telepono, makakachat at minsan lang umuuwi – e’ kami araw – araw kasama mo.

Siguro kung mag-iiba ang sitwasyon at makikilala mo siya, malamang na hindi mo rin siya makakasama. Malamang ay nasa ibang bansa rin siya. Baka hindi rin sila magkasama ng mommy mo.

Bakit? Hindi ko alam. Tanungin mo ang mommy mo, o baka siya, hindi niya rin masagot.

Ganun talaga, sasabihin niya rin siguro iyon pagdating ng panahon.

Sa ngayon, anuman ang sagot sa tanong mo ay ipagpaliban mo na lang. Hindi mo pa naman maiintindihan ang lahat. Ang totoo, kahit kami ay hindi namin inaalam. May sarili siyang buhay, may sarili siyang desisyon, kapatid ko siya at hanggang dun lang iyon.

Siguro kung nakakapagsalita ka na ng tuwid at nakakapagdahilan, baka sabihin mo sa akin na karapatan mong malaman iyon dahil anak ka niya, siguro nga, pero baka hindi mo siya maintindihan dahil bata ka pa.

O baka naman kahit siya, hindi niya alam ang sagot.

Kung dumating ang araw na nag-aaral ka na at nakakaintindi, kung nakakapanood ka na ng tv na tagalog at nahahawa ka na sa kadramahan ng mga contestant sa mga reality show na naghahahanap ng magulang pangungunahan na kita, kung hindi mo rin naman ikayayaman e wag na lang – joke! Huwag mo nang panghinayangan iyon dahil maganda ang buhay.

Sa halip na magtampo ka at sumama ang loob, isipin mo na lang na napakaswerte mo at dahil sa desisyon ng ina mo ay nabuhay kang maayos, disente at syempre maganda.

Excited nga kami nung ipinagbubuntis ka pa lang, wala ni isa sa amin ang nagalit kay ate, ni hindi na nga rin namin naitanong kung paano nangyari iyon, alam naman namin ang sagot kung paano nabubuo ang bata – basta ang mahalaga sa amin, parating ka na at minsan lang tayo malahian kaya inaabangan ang magiging itsura mo.

Sabi ng doktora, kung hindi nagbuntis ang nanay mo, baka hindi na siya magkaanak ulit. May cyst kasi siya, in short, timing talaga ang pagdating mo. Kung hindi ka dumating, baka habambuhay na siyang hindi magkaanak, hindi siguro mapupuno ng pagkain sa ref, hindi agad uuwi ang mga tao sa bahay, at hindi namin mapapractice ang pag english.

Noong ipinanganak ka, nag-iba ang tingin namin sa mommy mo, napatunayan namin na may ganda rin pala ang mommy mo dahil naging maganda ka – yun nga lang, hindi ko pa mahanap ang anggulo niya. Sabi nga, may maganda siyang kontribusyon sa mundo – at ikaw yun.

Kung dumating ang araw na magtrabaho naman ang mommy mo sa ibang bansa at hindi ka agad maisama, ‘wag sasama ang loob mo dahil marami ka namang mommy dito. May 4 kang tito at 3 tita, 1 lolo at 1lola isama mo na ang tita jenjen at yaya mo. Pasalamat ka at sa malaking pamilya ka napadpad. Hindi ka mauubusan ng gatas at ng toys na lagi mong hinihingi kapalit ng pagligo mo. Buti na lang at 3 beses ka lang sa isang linggo maligo.

Kung may tanong ka pa at hindi pa nasasagot, isipin mo na lang na kahit kami, may mga tanong na hindi pa rin nasasagot. Sadyang hindi yata lahat ng tanong dito ay may kasagutan. Para na rin siguro mag-abang tayo at umasa na may kabilang mundo at doon itutuloy natin ang masayang pamilya.

Para kay Potpot (part 1)

Advertisements

3 comments on “Para kay Potpot na mahilig ng magtanong (part 2)

  1. Napaka swerteng bata…maraming nagmamahal sa kanya. Sana paglaki niya mabasa niya ang mga sinulat mo para sa kanya.

    blue : hehehe, baka paglaki niya, blogger din siya.

  2. Habang binabasa ko ang post na ito ay naala-ala ko tuloy iyong tulang mga Tagubilin ni Lola. It pays to listen to our parents, it pays to be obedient,kung ang lahat nang ito ay nasusunod, wala nang naglalayas pa sa bahay. Pero talagang ganyan ang buhay, kailangang sumunod sa mga patakaran masakit man sa ating kalooban. LOL.

    blue : uy, ikaw ano bang rules ang sinuway mo, share naman.

  3. wow… kung mababasa niya lang toh paglaki niya… hmmm ang swerte tlga ng mga bata ang daming nagmamahal.

    blue :sana nga, ang concern ko lang, sana marunong siyang makaintindi ng tagalog by that time.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s