The Rainbow Connection

Malamig na ang pagkain, mukhang hindi ka na yata darating. Ang baso ng juice, hindi ko alam kung namasa dahil sa natunaw na yelo o sadyang binalot na ng hamog. Oo nga, nanunuot na ang ginaw at pumapalag na ang katawan ko kaya’t nagpasya na akong tumayo subalit naroon ka sa likod, akmang parating. Isang oras ka pa lang nahuli, kaya kong maghintay ng matagal subalit hindi ngayon.

“Naiinip ka na ata?” tanong mo.

“Okay lang. ”

Sanay na ako maghintay. Ang totoo, limang taon na akong naghihintay, away-bati pa, tampuhan at minsan naman ay parang bagong magkasintahan.

“Mukhang may okasyon? Bakit naman dito pa tayo sa rooftop magdedate?” usisa mo.

Alam kong nararamdaman mo ang plano ko, hindi ako magaling sa surprises kaya buko mo na ang ikinikilos ko, pero kahit na, magtatangka pa rin ako. Alang-alang sa pormalidad at sa alaala na iiwan nito sa’yo.

“Natatandaan mo si kermit, yung birthday gift ko sa’yo last year? Hindi siya bago, regalo sa akin iyon ni Mama noong bata pa ako. Alam mo ba ang favorite song nya? – The Rainbow Connection. Corny ba? hehehehe

Minsan, pakiramdam ko, pareho kami ni Kermit. Nagtatanong kung ano nga ba ang nasa dulo ng rainbow. Simula noon nag-iiba ang pakiramdam ko sa t’wing makakakita ako nito. Ang galing, ang daming kulay, ang ganda ng hugis… para sa akin, iyon ang pinakamagandang bagay na nakikita ng tao. Madalas kong iniisip kung ano ang nasa kabila ng rainbow.

At hindi ko maisip kung ano ang posibleng sagot sa tanong ko. Mysterious.

Ang hindi ko alam, mas nakakahanga pala ang nasa dulo nito.

Natatandaan mo pa ba kung kailan tayo unang nagkita?

Bagsak ako sa Physics, hindi ako gagraduate, umuulan noon, kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko. Akala ko, ako na ang pinakamalungkot na tao, naghihintay ako ng rainbow para tumila ang ulan pero walang lumabas. Pauwi na ako, malalim na nag-iisip at naghahagilap ng sagot kung paano ipapaliwanag kila Papa kung bakit hindi ako gagraduate, hanggang sa nabangga ko ang kotse mo.

Limang taon na mula noon – at mahabang taon na nag-iisip kung ano ang nasa dulo ng bahaghari, ngayon napagtanto ko na at gusto ko sanang irephrase ang question

pwede bang magpapakilala muli,

ako si Kermit, naghahanap ng sagot sa mga tanong,

will you be my lifetime rainbow connection?

Will you marry me?

sumagot ka ng

Yes

at hinalikan mo ako.

ngayon, si Kermit, naging ganap na prinsipe ng buhay mo.

Advertisements

8 comments on “The Rainbow Connection

  1. congrats at nameet mo na ang iyong lifetime rainbow connection.. sana maging masaya kayo….

    special rin sakin yang rainbow connections pero di kasing special ng sayo….

    cheers!!!;p glesy the great

    blue :hey thanks. btw, all literatures lang 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s