Hindi ako stressed, busy lang.

Suko na ko, ayoko ng magtaxi. Masyadong magastos kaya mag-aaral na lang akong magdrive bago matapos ang taon na ito. Sa susunod na taon ay kailangang may sasakyan na rin ako, balewala ang driving lesson kung wala akong sasakyan. Wala rin pala ako mapaparkingan sa bahay kaya kailangan ko ng lumipat next year, maghahanap ako ng bahay na may parking o siguro condo unit with parking. Medyo magastos pala yun dahil may association dues at mahal ang gasolina, kailangan pala mas malaki ang kita ko sa susunod na taon. Kailangan ko ng pagkakakitaan na magbibigay sa akin ng kahit apat na ulit ng sweldo ko.

Medyo marami pala akong paplanuhin bago matapos ang taon. Kapagod!

Marami akong gustong ikwento pero sadya atang kung kailan ka maraming nais sabihin e umaayaw naman ang isip mo na balangkasin ang mga ito upang mabuo ang ideya.

Nitong nakaraang araw, natuklasan kong  matanda na nga ako. Ang dami ko ng ayaw gawin, iniiwasan, nararamdamang sakit ng katawan at higit sa lahat; mga bagay na nakakalimutan.

Mula sa mga malilit na bagay hanggang sa pangalan ng mga kaibigan, minsan pati taon ay nalilimutan ko. Buti sana kung petsa lang, kaso parang iba na ata kung pati taon ay hindi ko maisip.

Kapag nagsusulat naman ako, napapansin ko na iba ang mga salitang nasusulat ko, kung hindi mali ang ispeling ay talagang malayo ang salita, ang masaklap ay Filipino ang midyum ng pagsusulat ko.

Minsan makakatanggap ako ng text – may pangalan naman ng sender pero hindi ko maisip kung sino ang sender na iyon – saka ko maaalalang katrabaho ko pala.

Sabi sa akin ay magpatingin na daw ako sa neurologist kaso kung babalik naman ako sa Asian Hospital, baka biogesic na naman ang ihatol sa akin.

Sagutin ang serbey sa ibaba:

Hinahanap nga kita, marami sana akong ikukuwento sa’yo. Namiss lang kita bigla, kanina. Pinasabi ko lang na magkita tayo, regroup ulit. Update ng buhay, kain ulit ng isaw, magpabasa sa ulan, tumawa ng tumawa at magpakalunod sa kababawan natin. Pero sa tono ng pananalita niya, parang ayaw mong makipagkita. Oo nga pala, nalimutan ko – hindi na nga pala tayo close. Masyado ka nga palang nasaktan. Anyways, kung mamiss mo ko, im sure oo, sabihin mo lang. “wag mong kipkipin, baka magkasakit ka sa puso. Tapos na ‘yun, sana nakamove on ka na, pero kung ang moving on mo ay papalayo ng tuluyan sa pagkakaibigan natin, ang masasabi ko lang, kung sakaling magkasalubong tayo dahil pihado magbibiro uli ang tadhana at magkikita tayo sa hindi inaasahang lugar – makatingin ka sa akin. Maikli lang ang buhay, totoo iyon, hindi iskrip. Masarap maging malaya – lalo na sa galit at sama ng loob. 😉

Bago ko tuluyang malimutan, ang mundo ay hindi sadyang bilog, maaari nating piliin ang hugis nito. Ang pinili ko, isang mundo na pahaba, walang katapusan. Sapat upang ilapat ang buhay na walang hanggan.

tara, let’s celebrate life!

Advertisements

6 comments on “Hindi ako stressed, busy lang.

  1. Tama ka, Kuya. Masarap maging malaya – lalo na sa galit at sama ng loob. Ang tanong: nakalaya na nga ba ako?

    blue:hmm. mukhang hindi pa. hehehe

  2. hinay hinay lang ang iyong kailangan.
    bawat sandali ay iyong pagtuunan.
    pra di masayang bawat araw na magdadaan.

    🙂

    blue : sinusubukan kong pag-aralan
    huwag linungin ang nakaraan
    damhin ang kasalukuyan
    iguhit ang kapalaran.

    maraming salamat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s