Alamat ng Bitwin

malawak daw ang entablado, sinlawak ng mundo, lahat ay may ginagampanan, kanya-kanyang papel. May ilan na may malalim na karakter, may ilan na mababaw, mayroong maikli subalit makabuluhan. Ito raw ang buhay; hindi sinusukat sa haba o iksi bagkus sa ginampanan.

Hindi rin pinag-uusapan kung sinong pinalakpakan, kinikilala at kinamuhian. Naiiwan sa manonood ang paghatol. Kung kanino sila nakaugnay.

Tumingala ako sa langit, napansin kong maraming bitwin.

Wala sa entablado, wala sa mundo. Sa langit, may malawak na espasyo sa mga bitwin.

Hinahanap ko ang pinakamasayang lugar sa mundo.

Napadaan ako sa syudad, ang laki ng mga gusali, ang daming ilaw, may musikang nilikha.

Sa tabi ng dagat, may musika ng hangin at tubig, may ibang daigdig sa ilalim ng tubig.

Halos maabot ko ang langit sa tuktok ng bundok, tila langit, waring lumilipad ako sa imahinasyon.

sa disyerto, hinamon ang aking loob, nakilala ko ang buhay sa mga walang katiyakang hugis ng buhangin.

walang sulok ang daigdig, may iba’t-ibang larawan – nasiyahan ako.

Lumitaw at lumubog ang araw, nagsabog ng kulay at binalot ng dilim, may kagalakan, ligalig at pagkabagabag, walang kasiguruhan, maliban sa misteryo ng buhay.

Sa kadiliman ng gabi, may anino ang mga puno, may bahagyang liwanag na tumatanglaw.

Naroon ang buwan, nanghihiram ng liwanag upang may magamit ang gabi.

Nakatingala sa kalawakan, sinisilip, pilit inaalam ang nakakubling langit; ang katotohanan sa pira-pirasong bato, mga tipak ng yelo at usok na mula sa nagbabagang apoy na nakalutang sa kawalan.

Ganito mabuhay ang siyentipiko.

Sa langit, sinusuri’t nagmamasid

nagmamatyag sa bawat kilos o galaw

upang tanghaling siyentipko ng taon, upang kilalanin

habang ang kanyang mga mahal sa buhay;

nakatanaw sa bintana

sa bitwing sinabit, inilawan, tanda ng pag-ibig

na nabuhay at nagbigay kahulugan sa pusong naghahanap ng sagot

sa mundong binalot ng hiwaga.

Ang parol ay ang pag-ibig.

Ang bitwin ang tanda ng buhay

pag-asa. kapayapaan. pag-ibig.

Advertisements

One comment on “Alamat ng Bitwin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s