Ang Balete

Naulinigan ng hardinero ang ingay sa kanyang hardin. Napagtantuhan niya ang pinagmumulan ng ingay – sa bahaging iyon ng hardin sumibol ang balete. Mabilis na yumayabong ang punong ito, bawat araw – napapalaki nito ang kanyang katawan na di gaya ng ilang mga puno. Dahil rito, nagpasya ang mga halaman na ipetisyon siya, isa siyang panganib sa buhay ng maliliit na halaman.

Magandang araw, mukhang may hindi kayo pagkakaunawaan? Tanong ng hardinero.

Nakisiksik po kasi rito ang balete, hinayaan namin siya subalit hindi namin inakala pagmamalabis ang isusukli niya sa kabutihang iyon. Unti-unti ay kinukuha niya ang lahat lupa, hinuhukay ng kanyang mga ugat at kaming mga dati ng nakatira rito ang siyang nananakawan ng lupa. Kung hindi siya aalis rito ay marami sa amin ang mawawalan ng buhay.

Ano ngayon ang suhestiyon ninyo?

Ilipat nyo po siya ng lugar?

Ano naman ang iyong masasabi? Tanong ng hardinero sa balete

Kayo po ang magpapasya, kayo ang nagtanim sa akin sa lugar na ito.

Kung ililipat kita balete, makakabuti kaya ito o makasasama? Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung bakit ko inilagay si balete sa bahaging ito ng hardin?

Hindi po namin alam. Sagot ng maliliit na halaman

Marahil sa kanila po ay makabubuti ang paglipat ko subalit sa nakararami ay mas makabubuti. Sagot naman ng balete

Paano mo nasabi iyan? Tanong ng hardinero

Maaaring nakukuha ko nga ang sustansya ng lupa, totoong naaagawan ko sila ng makakain at nahaharangan ko ang liwanag na sana’y magpapatatag sa kanila, gayunman ang bahaging ito ng hardin ay hindi ligtas sa maraming halaman, kaunting lakas ng ulan ay matitibag ang lupa’t dadausdos ang pisngi, maraming sasamaing halaman at puno. Kinakailangan ang aking ugat upang kapitan ang mga bato’t lupang nagbabantang gumuho. Mabibitak ang hardin at malaking bahagi ang masisira kung walang punong gaya namin.

Kung gayon, mas makabubuti sa marami ang iyong dala?

Iyon po ang tingin ko.

Binungkal ng hardinero ang halaman at inilipat sa ibang bahagi. Batid niyang masama ang loob ng mga halaman sa kanyang pagpanig sa balete.

May dahilan ang lahat, ang mga pagtatalong iyan ay inaasahan, may mga bagay na mahirap maunawaan sapagkat hindi ito abot ng inyong tanaw. Ang paglipat na ito ay makabubuti para sa lahat – paliwanag niya.

Advertisements

2 comments on “Ang Balete

  1. pasensya na ngayon ko lang nalaman na may kapupulutang aral pala ang blog mo.. cheers;p-glesy the great

    blue : hi glesy, musta na. yup paminsan-minsan may sense to hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s