Parisukat

Wala namang pinagbago,

lumingon ka sa paligid

parehong lugar, parehong silid,

sila-sila pa rin, mga kaopisina

may bago, may luma.

Kailan ka nga ba nagsimula?

Ilan na ang nagdaan at naglaho?

Ang ila’y nangibang bansa

nagsipag-asawa, may nag kanya-kanya

at ikaw, na nasanay sa ingay ng kasama

ngayo’y waring bingi

nababagabag at tinamaan ng kaba

hindi kumukurap, nangingilid

naliligaw sa dati nang opisina

nangingilala sa ngiti ng kakilala

naninibago, nasaan ka?

tulala.

Ngayo’y naghihintay ng pasya

maaaring gaya ng dati

ipagwawalang bahala

at gaya ng dati, sakit ay mawawala

nang panandali

hanggang sa masanay ka’t makulong

sa kapirasong silid

at di na makayang lumaya.

Advertisements

4 comments on “Parisukat

  1. ang bigat ata sa dibdib ano? ganon lang naman ang buhay e…may aalis at may dadating pero sa kanilang paglisan ay may naiiwan na magandang alaala sa atin…

    blue : medyo mabigat ba? hehehe what more sa mga nakararanas nito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s