Enchanting Kingdom

Princess Nice

Pabalik kami mula Paseo de Sta Rosa to Manila, tinext ako ni Kathy para kausapin si Incy, inaantok kasi siya at baka isalpok niya ang kotse. Nagprisinta akong magmaneho kaso ayaw nila, mag-aral daw muna akong magdrive. Oo nga pala, napakahilig ko talagang magvolunteer! Kinausap ko na lang si Incy, sa mga oras na iyon, hindi ako handang mamatay, sabi ko nga, mahal ang mamatay ngayon o kung hindi man, mahal magpaayos ng mukha. Kakukuha ko lang last week ng insurance, hindi pa ata pwedeng magamit. Kung milyon ang kinikita ko tulad ni Pacquio, okay lang na magpabugbog, sa laki ng pera niya, pwedeng pwede siyang bumili ng mukha. Mamili na lang siya kung mukha ni Dela Hoya o ni Morales ang pipiliin niya pero i doubt dahil mukhang galit si Pacman sa mga gwapo. I guess ito ang motivation niya sa pakikipagbasagang ulo.

Balik tayo, mag aalas dos ng umaga at hinahabol ni Incy na makabalik agad upang sunduin ang kaibigan niya at ihatid sa airport – nagmamadali siya sa speed na 60kph! Sa dilim ng South Luzon Expressway, mag-iingat ka sa pagmamaneho at mistulang pumasok ka sa Shake rattle and Roll the Experience ng Enchanted Kingdom na hindi mo alam kung anong mangyayari at lalabas habang pumapasok ka. By the way, hindi ako sure kung Franchise ni Mother Lily ang bagong pang come on na ito ng EK. Balita ko ay mas nakakatakot ito kesa sa pelikula niya na umabot na ng Part 10. Tinalo na ang Panday at pwede ng isali sa Guinness Book of World Records – Philippine Edition, kasama ang Pinakamahabang bibingka, pinakamaraming Platong nahugasan gamit ang Joy, Pinakamaraming namatay sa game show, pinakamaraming CR na panlalaki sa bawat kanto ng daan, pinakamaraming overpass na kulay pink, pinakamaraming aksidente sa dagat, pinakamaraming text na ipinapadala araw-araw, pinakamaraming commercial sa tv pag primetime at soap opera ang palabas at kung anu-ano pang only in the Philippines.

San na nga tayo? Sa SLEX!, parang purgatoryo ang lalakbayin mo habang binabagtas mo ito, ni hindi mo alam kung nakasayad ka pa sa lupa dahil wala kang makitang mga marker, at dahil tila walang kasiguruhan ang daan, maraming pangamba at walang kasiguruhang pakiramdam ang pinag-uusapan namin.

Medyo mahaba at maraming pagbabago ang nangyari sa taon na ito ayon kay Princess. Syempre, dahil seryoso ang topic, nakijoin ako. Sabi ko, dahil ito sa year of the rat! Malikot, paikot-ikot at suot ng suot kung saan-saan! Seriously, kahit naman sa akin, ang daming movements ngayon taon. Hindi man naging madalas ang gimik namin ni Incy, marami akong nababalitaan tungkol sa kanya, updates sa buhay niya. Madalas, pag nagkakasalubong kami, sinasabi niya na lang ay pagod na siya.

Kagabi naramdaman ko ang pagod niya. Dumayo kami sa Santa Rosa para magpower nap siya sa starbucks at sa Jollibee. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit kami kailangang magstarbucks at magjollibee sa Sta. Rosa. Siguro dahil mas tahimik at mas madali siyang makakatulog. Mahusay! Siya kasi ang d’ official driver ng barkada. May passion siya sa pagdadrive. Kahit madaling araw, on call yan kung papahatid ka. Ngayon, unti-unti ay naiintindihan niya ang ibig sabihin ng pagiging driver. Narerealize niya kung paano manehuhin at idrive ang buhay niya. Very independent, na minsan, gusto man niyang sabihin na nahihirapan siya o napapagod na siya, hindi niya magawa dahil concern siya sa mga mahal niya sa buhay.

Isa sa magandang sinabi niya kagabi ay natutunan na niyang maging masaya. Medyo strong nung sinabi niya yun, yun tipo bang parang may background music kang narinig, alam mong may lalim. Na this time, siya naman, na hindi siya dapat maapektuhan sa sasabihin ng iba. Yung totoo, naiintindihan ko si Incy. Alam ko ang pinaghuhugutan niya ng emosyon. Nakakapagod ang pakiramdamam na maraming nakatingin at nanghuhusga. Ganun ata talaga pag celebrity!

Nabanggit din niya na sa ngayon ay kaibigan niya ang mga exes niya, Good for her. (blank, blank, blank, speechless!)

Tinatanong niya ako kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw, hindi ko nasagot. Nalimutan ko kasi na tinatanong niya pala ako. (spaced out)

Kanpai para sa isa na namang taon ng pagsasama! Siya nga pala, salamat sa absolut vodka. Sisiguraduhin kong memorable ang pagtungga ko nito!

Space and Time

Iniisip ko kung lagi bang magkasama ang space and time. Pagnaglakad ka, may segundong dumaan at may naiwan o dinaanang espasyo. Limitasyon ba ito ng daigdig o sadyang hindi pa natin natutuklasang paghiwalayin ito? Ah wait, kung makarating ako sa gustong puntahan na hindi gumagamit ng oras, nasa ibang dimensyon na ba ako? Ganun ba sa langit?

Anyway, ang totoo lang siguro sa ngayon ay hindi sila tuwirang magkasama o magkaugnay, subalit pareho silang nag eexist nang sabay. May sariling galaw ang oras, sa ngayon, nasa normal siyang ikot, nasa bilis na pinagkasunduan o ipinangalan natin. Ang espasyo naman, nariyan na rin, nasa atin na lang kung pupuntahan natin, aabutin o kung paano natin imamaximize.

Ang pwede ko lang gawin, habang nag eexist ang oras, espasyo at ako ay bilisan o bagalan ang kilos, depende sa oras na pipiliin para makarating sa espasyong pupuntahan.

Nature Works

Mula ng maintindihan ko na bahagi lang ako ng kalikasan, ipinasakalikasan ko na ang ilan sa buhay ko. Minsan, limitado pa ako sa kaalaman; o kaya naman ay naaabala sa aking mga nararamdaman – mga emosyon. Tulad ng Time and Space, meron akong isip at damdamin na pinag-aaralan ko rin kung paano makakikilos ng may harmony.

Naging mabuti naman akong tao. Pag tinanong ako ng Diyos kung naging mabuti akong tao, proud kong sasabihin na Yep Yep Yep! Na madalas ay wala akong sinasaktan o ginagawan ng kasalanan maliban sa sarili ko. Kung meron mang iba, hindi ko sinasadya.

Siya nga pala, sa estado ng buhay ko ngayon, naniniwala na ako ulit sa Diyos.

Naniniwala rin ako na mabuti ako. Natutunan kong hindi manakit. Napansin kong ang sakit na ibibigay ko kung sakaling nagagalit ako ay wala sa sakit na mararanasan ng iba kapag kalikasan ang kumilos.

Nagtataka ako kung bakit may mga taong may effort na gumawa at makapanakit. Natututunan ba ito sa soap opera o sadyang there’s evil. Hindi ko alam kung bakit sinasayang ang kakayanan ng isip sa paglikha ng sakit at pamiminsala kung maaari itong maging daluyan ng kabutihan at kagandahan. Kung paanong ang espasyong pinipili ay hindi makakabuti sa iba bagkus sa sarili lamang.

Karma and Dharma is so beautiful!

Predictions

Kung may sikreto ako na ibabahagi, ito ay yung kakayanan kong makapanghula. Bata pa ako ng makakita ng mga pangitain na nangyayari naman. Akala ko noong unang, hula-hula lang, wala lang, nagkakataon lang. Meron din kasing iba na hindi nangyayari. Pero nitong nagtatrabaho na ako, napapadalas at nagkakatotoo ang mga nakikita ko, nadedelay lang ng araw o minsan taon pero ang weird dahil nangyayari talaga.

Nalaman ito ng mga kaopisina ko, minsan katuwaan pero minsan may nagpapaconsult. Nakakatawa noong una, hindi ko naisip na bilang isang propesyunal, makikilala ako bilang isang manghuhula. Sabi ko, hindi ako nag-aral at pinag-aral para manghula, pero sabi nila gift daw, alam nyo na, may ilan na nangungumbinsi para makasagap ng impormasyon. Yung iba sinusubukan ako at nagugulat sila kapag may mga detalye na nabubuking. Sinubukan kong magsearch sa internet tungkol sa panghuhula, may isang exam na nakita ko kung may *psychic ability ka, sa panghuhula, 99% ang score ko, sa ilang area naman ay 70+. Eto yung kakayahang mabalikan ang nakaraan o mapuntahan ang mga lugar sa kasalukuyan.

Bakit hindi ako agad naniwala sa sarili ko na kaya kong manghula; dahil minsan, hindi ito tiyak at malabo ang imahen, minsan interpretasyon lang.

Nakakatakot minsan lalo na kapag negative ang nakikita ko. Hindi ko na lang sinasabi. Dilemma pa nga kasi bothered ako, paano kung nangyari? May responsabilidad ba ako dahil hindi ko siya pinag-ingat? Pag sinabi ko naman, pinangunahan ko ba siya o ang kalikasan?

Ngayong darating na 2009, alam ko nasa isip nyo, magbibigay ako ng predictions? Ang totoo, ngayong taong darating ay pansamantala ko munang ililigpit ang mahiwagang kristal at isasaisantabi ko ang panghuhula.

Nabanggit ko noong nakaraang blog entry (anong nangyari kahapon) na unti-unti ay marami akong nalilimutan. Nabubura sa alaala ko ang mga ilang detalye at bagay. Tanong ko nga, dahil kaya ito nakikita ko ang hinaharap kaya nalilimutan ko ang nakaraan, aral ba ito o paalala? Na minsan, nagiging espesyal ako dahil sa kakayanan na ito, na minsan nagiging dependent ang iba dahil sa mga sinasabi ko.

Kung may nakikita man ako, itutuon ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay. Totoo na gift ito, pero siguro gift sa akin.

Nung tinanong ako kung paano nadevelop sa akin ito, sabi ko hindi naman ito panghuhula, siguro familiarity sa kalikasan kaya nalalaman ko ang kilos nito. Ibig sabihin, lahat may pagkakataong makita ang hinaharap, kailangan lang maging sensitibo at patuloy na kilalanin ang sarili bilang bahagi ng malawak na kalikasan. So sa mga magpapahula, turuan ko na lang kayo kung paano madevelop ‘to.

Blue Box for 2009

Dalawang taon na rin ang blog na Hibang. Yung iba kong blog nasa friendster. Merong iba na anonymous. Mahirap magmaintain ng napakaraming blog st sayang naman kung yung iba hindi mababasa. Marami kasing mga estudyante ang kumukuha ng assignment nila dito. Naghahanap ng mga tula at kwento, yung iba naman nagbabasa at naghahanap ng leksyon sa buhay. Pagsasamahin ko na lang ang mga blog ko para hindi kumplikado. Pag-aaralan ko nalang na pagsamahin yung lumang blog ko para naman magamit ang ilang entry. Baka bukas o sa susunod na araw, makikita nyo na ang ilang naisulat. Yun nga lang, kailangan nyong balikan ang baul dahil taon na ang nakalipas kaya nakabaon na siya sa ibaba ng blog na ito.

Ngayon taon, susuportahan ko ang simplicity. Iwasan ang magulo at kumplikadong buhay. Isang mobile phone lang ang dadalhin paglumalabas. I-text lang ang kanetwork gamit para di sayang ang load (lahat naman ng network may line ako hehehe). I-avail ang unlitext pag sobra na sa balance. Gumising ng maaga para maiwasan ang pagtataxi. Gawin ang paggygym sa umaga para may lakas sa buong araw at hindi stress pag gabi. Magvitamins. Magbasa ng magbasa at i-update ang sarili sa panonood ng old movies sa dvd sa halip na gumimik ng gumimik. Mag-ipon. Kailangan ko kasing matupad ang aking entry (hindi ako stress busy lang) para sa taong 2009 sa mas cost-efficient na paraan.

Advertisements

One comment on “Enchanting Kingdom

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s