Nang Tinanong Ko ang Langit

Hindi ko masilip ang langit
sanhi ng makapal na ulap na nakatabing,
nakapinid ang mga pinto’t di halos marinig ang nanalangin
sa nagngangalit na kidlat at kulog na bumabayo sa lupa;
nakikipatimpalak sa nagpupuyos kong damdamin.

Umaasang makasilong kaya’t sinuong ko ang ulan,
sinuyod ko ang daang kumakapit sa aking paanan.
Nasa’n ang mapagkandiling kakahuyan?
Saan nahihimbing ang mga ibong palayan,
kailan masasagot ang tanong na walang hanggan?

Umapaw ang luha’t umagos sa pisngi,
humalo sa ulan sa pangamba ko’y walang paki
at tumigil ang unos sa lakas ng hiyaw
ng pusong sa huli’y sumuko’t umaayaw
sa kalungkutang nagdudulot ng pagpanaw.

At ang patak ng ulan, patak ng luha
pinagsanib upang dumilig sa lupa,
ngayo’y sinibulan ng hiwaga
nang kaakit-akit na bulaklak ay kumawala
sa pagkakaidlip ngayo’y itinakda.

Nakita ko ang buhay nang ula’y dumilig
naaamoy ang halimuyak ng pag-ibig,
kung natakpan man ng ulap ang daigdig
anu’t ngayo’y kaysarap mabuhay at umibig
at makilala ang nais makaniig.

Advertisements

2 comments on “Nang Tinanong Ko ang Langit

  1. ganda kahit di ko gano naintindihan.. hahahah.. di lang ako nag nosebleed.. pati lahat ng butas sa aking mukha ay nagdugo.. heheheh.
    pasend naman po ng interpretation mo.. gus2 ko cia kaso..ang kaso ko ay di ko lubusan maintindihan.. thanks!

    blue : hehehe next time basahin mo ulit. unti-unti may madidiskubre ka. ganun naman an pagbasa ng tula, prosa o kahit kwento.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s