Pagtawid

Paalam sa aking kamusmusan
sa pagkakamali at kapusukan
sa paulit-ulit na tanong at paghingi ng kasagutan
sa di pagkatuto’t kamangmangan.

Paalam sa kabataa’t katigasan
sa pag-aakalang angkin ang karunungan
sa buhay na walang kasiguruhan
sa mga araw na walang katiyakan.

Pagbati at kumusta sa sarili
abala, nakagapos at nakatali
pagbati sa pagsusuri ng kalagayan
patuloy na pagpapanday ng kabuluhan.

Pagbati sa pangarap at kasaganaan
sa pag-ibig at kapayapaan
sa pakikiisa at pakikibahagi
sa pakikipagtulungan at bawat lunggati.

Pagbati sa para sa isang bagong simula!

Advertisements

One comment on “Pagtawid

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s