Bagong Bihis

Lahat tayo nag-uunahan, nagkakarerahan papunta sa goal natin, pero come to think of it, hindi naman ang mga pangarap natin ang iniingatan papunta sa goal kundi ang puso natin.

Tumatakbo tayo hawak ang puso natin, natatakot na baka mabunggo, mapatid o makuha ng iba. Siguro naranasan na nating tumakbo na may kabahagi sa puso pero minsan lang yun, swertehan. Yun e kung mahahanap mo ang totoong mag-iingat nito pero parang madalas, kaagaw natin sila sa goal natin. Yun bang kukuhain ang puso mo, papaamuin ka pero para ano, madistract, mawalan ng focus o masaktan. Matapos makuha ang tiwala, malaman ang kwento mo, at buo mong katauhan ay wala na, iisipin mo na lang na siguro pahinga lang ang mga oras na iginugol mo sa piling niya, pahinga lang na parang itinali ka na at ni hindi na magawang makalakad.

Ilang ulit na nga ba na sinabi mong mag-iingat ka, natuto ka na at huli na yun, siguro sa susunod dapat mas specific. Mahirap magsalita ng tapos, sabihin mo na lang na huli na ‘to sa buwang ito, o magpapakasira ako sa taong ito para naman may lisensya kang masaktan o magmukhang engot next year o next month and worst kung sadista ka ay bukas na bukas din papaloko ka ulit. Namiss mo na kasi ang umiyak.

Kaya nga minsan ayaw mo ng ikwento sakaling nakakaranas kang umibig muli, para kung maudlot man ay hindi nila alam at hindi nila sasabihin na whats new? Pero kahit hindi mo sabihin, nagsasalita ang mga mata mo na tila may mga bubbles na heart shape na lumalabas sakaling makita ka nila. Na parang lumulutang ka sa hangin o naglalakad sa ulap. Na kahit krisis ng Pilipinas ang pinag-uusapan ay nakangiti ka at dinaig mo pa si Buddha sa inilalabas mong inner peace, parang nakamit mo ang Nirvana! Ang OA mo kasi magmahal!

At gaya ng mga bula ay kusa itong puputok at masaklap ‘pag sa mata mo sumabog; ang hapdi gaya ng nararamdaman ng puso mo. Buti sana kung isang kurapan lang, isang kusot ng mata okay na, pero minsan kahit anong kusot ng mata, nagka-sore eyes ka na ay mahapdi pa rin ang kalooban. Para ka ng isang isdang tamban na tinanghali sa palengke kaya namumula na at bilasa, pano hindi ka na naman nakatulog kakaisip at kakaiyak. Wala na nga atang katapusan ito.

Nakailang akala na rin; Eto na yun, This is it. Sure na ako. E ano kung magkamali, paano ko malalaman kung hindi ko ieentertain ang feelings, sanay na ako, wala namang mawawala, ganun talaga, sugal yan e.

Simula pa lang, defensive na tayo, wala kasing kasiguruhan. Alam mo lang, masarap ang pakiramdam, parang pumasok ka sa isang bahay na puno ng sorpresa, kritikal dito ang paglakad patungo sa pinto, pagpihit ng doorknob at pagbukas. Sorpreso ang pag-ibig gaya ng pagbubukas ng regalo. Yun nga lang, minsan mas nakakaexcite pa ang pagbubukas kesa sa laman nito. At pagpasok mo ng bahay na iyon, saka ka magpapasya kung dito na nga ba mananahan, lilisanin mo ba ito o wag naman sana, mapapalayas ka dahil sadyang walang kwenta ang may-ari. Kung lalabas ka ng bahay, siguraduhin mo lang na hindi gusot ang damit mo, nakasuklay pa rin at nakaempake ng tama, give yourself some dignity di ba? Kung ipagtabuyan ka naman palabas, dun ka sa gilid o kaya naman sa gate mag empake, syempre talagang nakakaiyak na pulutin isa-isa ang mga damit na isinaboy, parang nakakawalang dignidad, pero sambutin mo pa rin, sa iyo yun, bahagi iyon ng sarili mo. Isipin mo isa kang bida sa soap opera, na matapos apihin ay babalik, buo, matatag, mabango, nakabangon at mas kaakit-akit at this time, siya naman ang manghihinayang, mapapakamot ng ulo at sasabihing nagkamali siya. Gayundin sa pagpulot mo ng gamit malay mo may ibang handang tumulong at makipulot, ingat lang dahil hindi lahat ng tumutulong savior, mahirap ang buhay ngayon baka masalisihan ka pa. double jeopardy na yan. Wag ding masyadong tanga. Mahirap magkwento sa pulis ng istorya ng pagnanakaw, baka humagulgol ka habang ikinukwento mo kung paanong tinangay ng mga kawatan ang underwear mo at hindi ito maunawaan ng mga pulis, baka sa dulo sa psychiatric ward ka nila ipadala.

Sana nga pwedeng irepot sa pulis ang heartaches. Sana may taong malalapitan o masusumbungan sa t’wing masasaktan ka, yun bang hindi ka huhusgahan, makikinig lang siya, itatype nya ang sinasabi mo – parang blotter. Kaso siguraduhin mo rin na iba-ibang pulis nag pupuntahan mo dahil baka mapuno ang record book niya at makagawa ng isang libro ng mga kwento mo. Ano kayang magandang title, Ang Kwento ng Katangahan, o ang pakikipagsapalaran ng puso sa mundo ng mga dyablo, ay katakot naman yun, or (Your Name) – born loser! Masyadong harsh. Bahala ka na siguro sa title, consult mo sa mga friends mo, malamang may maganda silang idea dahil mas kilala ka nila.

O sana pwedeng i-lobby sa congress, gumawa ng batas na Separation o Heartache Leave. Di ba makatwiran naman na magkaroon ng leave pag may hinanakit ang iyong puso? Kasi kung papasok ka e wala ka rin namang nagagawa, iyak ka lang ng iyak, nakatango, parang praning, umaandar ang oras pero ang computer mo at trabaho ay hindi umaandar. Bigla kang hahagulgol at marami ka pang naaabala, sa halip na ikaw lang ang hindi nagtatrabaho, pati mga kaopisina mo hindi na rin nakakagawa sa lakas ng pag-atungal mo kaya naman kinocomfort ka nila. Yung iba namang kaopisina, kahit nasa ibang department ikaw ang pinag-uusapan so hindi rin nakaka attend sa work nila. You’re giving them reasons na maging tamad. Lugi ang negosyo dahil sa’yo. Baka masesante ka pa – kung magkagayon, humingi ka na lang ng separation pay, at least kahit dito sa separation experience na’to may maiuwi ka.

Nakakapraning talaga ang magmahal, nakakaiyak at nakakatawa.

Aminin mo kahit ilang beses ka ng napaso, may parehong kwento tayo? Naranasan mo na’to. Kahit nga masakit gusto mong ikwento di ba, para bang pag inuulit-ulit mo, mas natutuwa ka pa, siguro dahil may natutuklasan ka ulit at minsan saka mo narerealize na ikaw pala ang dahilan, o ikaw ang may kasalanan.

Ilang kaopisina at kaibigan ang may parehong kwento, minsan lalabas kami at paulit-ulit lang ang ikukuwento namin. Akala mo may bago pero yun lang din. Kami naman glued sa stories, nag-aabang ng update pero ang bago hindi yung kwento kundi yung lessons. Tatapusin naman ang kwentuhan sa dance floor! Mula sa I will Survive, Last Dance, September, Im a survivor at Could It be Im falling in Love. Walang pinipili. Sayaw lang ng sayaw. Baka sakaling kaya nitong ibalik ang naalog na pagkatao.

Minsan sa isang pakikipagkwentuhan over choco mudslide ng coffeebean and tea leaf, nakapagbukas ako ng maselang topic na kahit ako hindi ko alam kung paano tatapusin o paano itutuloy ang conversation. Masyado atang mabigat. Lalu pa’t ang kakwentuhan ko ay nasa kabilang linya. Salamat sa sun cell.

Pause

Silence.

Pareho ata kaming natrap sa topic, buti na lang sadyang smart siya at may substance kausap, sabi niya minsan daw nasa simbahan siya at nabasa niya ang phrase na ‘to :

God can heal a broken heart, but He has to have all the pieces.

It says it all.

Ngayong araw na ‘to, binilad ko ang mga damit na pinulot ko, isinampay kasama ng paghihimay-himay sa mga karanasan; masasakit man at magaganda; saka ko inalay sa pinagmumulan ng pag-ibig.

Panahon daw ang makakatuklap sa langib ng sugat. Mahabang panahon na rin iyon. Natuklap na nga ang langib at ang iniwang marka; hindi peklat bagkus isang magandang alaala, isang bakas na nakapinta tanda ng pagkatuto, ng wagas na pag-ibig.

Salamat sa mga nakipulot ng nakasaboy kong gamit. Wala man akong panibagong damit, sapat nang malabhan at makapagpanibagong bihis.

Pagbati para sa isang taon na puno ng pagmamahal.


related posts:

True Love
What is Love?
Cross my Heart
Lugmok
Move on!

Advertisements

5 comments on “Bagong Bihis

  1. minsan talaga ganyan ang love.. nakakainis kasi bakit kailangan ganun pa ang mangyari? pero ang mga moments na yun ang magpapatatag sa atin! ^^ gud luck for the year 2009! cheers!!

    blue : totoo, no regrets naman, ok lang na nangyari, we’re learning from those experiences di ba.?

  2. sabi nga ni kenth norburn:
    ” love has its own reason for coming and going… if you keep your heart open, love will come again”
    tatag lang ang kailangan.
    malalagpasan din iyan.

    blue : minsan may nagcomment dito, sana daw kung sindaling paniwalaan ng puso ang sinasabi ng isip. mukhang tama siya sa nararamdaman niya.

  3. hi tnx for the blog nakarelate ako sa ibang ginawa mo but then ang hirap tururan ng puso ang kulit eh ganun at ganun p rin…

    blue : hay, kakalungkot naman yun, kala ko utak lang ang mahina minsan, pati pala puso hehehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s