Hanggang Kailan?

Gaya ng dati, habang tumatambay ako sa computer rental at nagpapalipas ng traffic, iniisa-isa ko ang you tube upang mapanood ang ilang bahagi ng pelikula, ilang video na gusto at makitawa sa palitan ng mga puna sa pagitan ng iba’t-ibang dayuhan.

Sa tabi ko, isang babae kasama ang kanyang anak.
Kausap ang kanyang asawa. Ipinapakilala ang ama sa anak sa pamamagitan ng camera. Pinaririnig ang boses sa mikropono.
Hindi ko alam kung t’wing kailan nila ito ginagawa, siguro minsan sa isang Linggo. Family bonding, upang matugunan ang pananagutan ng magulang sa anak, upang mabuo ang pamilya kahit sa artipisyal na paraan.

Nararamdaman ko ang kalungkutan ng ina o ng ama. Ang hirap na idinudulot ng pagkakalayong iyon.
Alam kong matapos ang sandaling iyon, uuwi ang mag-ina sa kanilang bahay. Babalikan ang silid ng nag-iisa. Itataguyod dito sa Pilipinas mag-isa ang kanyang anak.

Alam kong matapos iyon ay mapag-iisip ang ama. Bubulong sa hangin na patnubayan ang kanyang mag-iina. Hihingi ng lakas upang matagalan pa ang pagkainip.

Ito ang pamilya sa panahon natin ngayon. Ito ang kalagayan ng bansa natin.

Hindi man napapansin o sadyang hindi na inaalintana upang makatulong sa ekonomiya sa pagpasok ng dolyar, isang malaking isyu, isang panibagong kultura at nagbabadyang pagsubok ang nililikha nito sa ating pamayanan.

Kung saan ang katumbas ng pamilya higit sa pagsasama-sama ay ang matugunan ang pangunahing pangangailangan na hindi kayang makamit dito sa ating bayan.

Na bukas makalawa, higit nang mahalaga ang personal na pangangailangan kaysa sa pagkakabuklod-buklod, na ang nililikha nating kultura ay komersyal, nagpapapatali rito at paglimot sa sama-samang pananagutan.

Hindi sana mabura ang pagkasabik sa puso ng bawat isa sa panahon diaspora.

Advertisements

2 comments on “Hanggang Kailan?

  1. kung ako naman ang tatanungin, pwede naman atang gawan ng paraan para magkaroon ng material things at mga mahal sa buhay.. yan na nga ang ginagawan ko ng paraan ngayon.. T_T sad reality though..

    blue : sya nga pala, hindi ako sumasalungat sa pagpunta ng mga kababayan natin sa ibang bayan, pahiwatig lang siguro sa kinauukulan na gumawa ng paraan upang makalikha ng mas mabuti, disente at nakabubuhay na trabaho dito sa ating bayan.

  2. nakaka relate ako.. ilang beses isang linggo ganyan ang sitwasyon ko dito sa bahay. Nakaklungkot lang isipin na dahil sa hindi magandang sitwasyon ng pilipinas merong kelangang magsakripisyo.

    blue : yup. salamat na lamang at mura ang internet connections, kahit papaano, madali ang connection, parang globe – abot mo ang mundo. lol

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s