Maliit lang ang Mundo

Maliit lang ang mundo
sapat na ang isang buwan sa gabi
at araw sa umaga upang tanglawan ka
sa gayo’y maingat na makarating
patungo sa akin.

Maliit lang ang mundo
lakarin man ang lupa
o sisirin ang tubig
lakbayin ang himpapawid
siguradong makauuwi ka sa akin.

Maliit lang ang mundo
sanlibong tao man ang masalubong
o makapatintero
wari’y iisa ang mukha maliban sa isang
ituturing na para sa akin.

Maliit lang ang mundo
isisilang at mabubuhay
magigising at iibig
bubuo ng pangarap
para sa atin.

Maliit lang ang mundo
umiikot sa himig
sa pag-ibig dinidilig
nagkakauhay
hanggang sa maging atin.

maliit lang ang mundo.

Advertisements

6 comments on “Maliit lang ang Mundo

  1. AWW. ๐Ÿ™‚ hehe.. wla lang..
    nakikielam lang ako.. hahaha ๐Ÿ™‚

    blue: sige lang. ikot ikot ka lang dito baka may mapatid kang bagay sa kwento ng buhay mo ๐Ÿ™‚

  2. uy.. kaingit nman… luv ko itong tula mo.. ang sweet.. lol… ngayun ko pa lng nabasa eh.. kainis.. inluv k na nuh?? owwsss.. GL nalang…di bale.. sasagutin ka din niyan or kung ma bastid ka.. dami pa naman d2ng babae sa mundo.. madali mo lng mahanap kasi maliit lng ang mundo.. hehe…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s