I Resigned.

Flow. Guiding Principle ko sa taong ito. Padaluyin ang enerhiya. Makahinga ng mabuti.

Space. Kailangan ko ng maaliwalas na paligid. Alisin ang mga luma. Gawing maluwag ang silid.

Time. Huwag na huwag magmadali. Ibalik ang tamang oras. Huwag i-advance ang relo dahil lalong nalelate.

Being. Paunlarin ang sarili. Malinis na isip. Kapakinabangan. Puno ng pagmamahal.

Kung gusto mong maging creative, kailangan na umalis ka sa routine. Kung nasa kaliwa ang iyong relos ay ilagay mo sa kanan. Sa madaling salita, hayaan mong dumaloy ang iyong utak, muling magising, huwag masanay sa nakagawian. Huwag ikulong ang isip at patuloy na hamunin upang umunlad. Masanay na matuto at mag-aral. Bigyan ng ibang kahulugan, tingnan sa ibang anggulo ang mga bagay-bagay. Subukang isipin ang iniisip ng iba at subukang magbigay ng ibang interpretasyon.

Walang tema ang Enero. Ang taong ito ay nakikinita ko nang isang “salad year”.

  1. Bagong taon
  2. Bagong kaopisina
  3. Bagong trabaho
  4. Kabubukas lang ng taon ng sumugod ako – tanghaling tapat sa Makati Medical Center, para ipatanggal ang bumarang tinik sa aking lalamunan. Salamat sa nagmagandang loob na mga katrabaho para sa mga payo tulad ng paglunok ng kanin, ng saging at kutsa-kutsarang asukal upang matanggal ang tinik, lalo raw na bumaon ang tinik sabi ni Dok. Anyway, it’s the thought that counts. Matapos bumaha ng laway, isprayan ng anesthisia, kalikutin, kalkalin at paiyakin ay hindi nakuha kaya kailangan kong bumili ng external (spray) anesthesia para malimutan ang sakit sa madaling araw at bumalik kinabukasan sa isa na namang pagtatangkang sesyon ng kalkalan. Sa tagal ni dok ay kumain muna ako sa Jollibee sa may convergys at sa biyayang dulot ng macaroni soup ay natanggal ang tinik! Kung alam ko lang na kaya itong tanggalin ng soup ay hindi ako gagastos ng P850 sa gamot. Sayang din yun.
  5. May krisis na daw sa Pilipinas kaya dumami na naman ang mga holdaper. And for the 4th time in 2 years, opo, napakapredictable ng buhay ko, ay nahold-up na naman ako. Dalawang lalaki na nakamotor, ang isa ay nakasuot ng Manila Police na longsleeves (pangmotor) ang humingi ng aming mga gamit. Dalawa kamng hinold-up. Hindi na ako nataranta, in fact, nang dukutin niya ang bulsa ko ay hinayaan ko na lang. Lumang cellphone na nagkakahalaga ng P1500 ang nakuha niya. Sanay na ako sa hold-up kaya mumurahing phone na lang ang binibili ko. ZR3789 ang plate number ng motor. Naireport namin sa Barangay at Police at sa awa ng Diyos ay wala kaming nakuhang feedback.
  6. Syempre, pag bago ang taon, bagong hold up at nag chinese new year, walang ibang dapat puntahan kundi ang Binondo. Nagpasama ako para bumili ng blue rhino, pangontra robbery raw ito. May kamahalan siya, pakiramdam ko nga ay nahold-up ako sa presyo. Ang mahirap sa ganitong mga pangontra ay hindi mo mapapatunayan kung epektib siya not unless mahold-up ako ulit!
  7. Bukod sa paggy-gym ay may bago akong pagkakaabalahan – ang pagbadminton! Nakakapuntos naman ako, hindi dahil sa pagsmash kundi dahil sa aking kakaibang tira na umaabot sa bubong ng gym, hindi siya natitira ng kalaban dahil nasisilaw sa mga halogen lights! Ang tawag ko dito – Divine intervention!
  8. Si Simang. Madalas ay nakakasalubong ko si Simang. Marami sila. Mga konting kibot, konting problema ay sumisimangot. Simang as in simangot. Hindi ako sanay sa ganitong kultura. Negatron to the finest level. Salamat sa aking in-born firewall. Sa mga imahinasyon na nagpapakiliti sa aking isipan. Ang motto ko ngayon : laugh and laugh while they cry.
  9. Usong-uso ang movement ngayon. Retrenchment daw. Maraming nagreresign, nawawalan ng trabaho at lumilipat. Parang hindi ka in pag hindi ka gumalaw pero syempre sa hirap ng buhay, kahit hindi ka in okay lang. Kung ano ang sitwasyon ko – my option is always open, my business is always for sale. At sabi nga nila, No one is indispensable. Actually, ang totoo – sa sarili ko, ito na ang huling trabaho na gagawin ko sa isang corporate set-up. Masaya ako dito kaya walang plans at all at hindi ko pinag-iisipang maghanap ng iba. Siguro kung may iba akong option, sa susunod, gusto ko naman na magnegosyo. Magsales – ipractice ang aking license, magbrokerage . Mag-ibang bansa. Basta iba naman. Maging holdaper kaya?
  10. Kailangang imonitor ang expenses. Hindi na biro ang phonebills. Ang pagtambay sa coffeebean gabi-gabi at pagtataxi. Kailangan na ring iwan sa bahay ang credit card. Kailangang magtipid at isa sa aking paraan ay pag-iwas bumili ng libro. Madalas pagbumibili ako ng libro ay hindi ko nababasa. Naiiwan lang sa tokador hanggang sa maalikabukan at hindi mo na mapansin sa kapal ng alikabok. Salamat sa Powerbooks! Ngayon napipilitan akong magbasa sa isang upuan lang. Siyempre nakakatapos ako ng mga nobela na gusto ko. Hindi ko na babanggitin ang mga author para hindi sumama ang loob sa akin. Hayaan nyo, pag wala ng krisis ay kikita rin kayo sa akin.
  11. May bago na akong phone! Binili ko ang myphone ng kaopisina ko sa halagang 1000. Korek. Isang libong piso lang. Natuto na rin akong manghold-up ngayon. Sobrang tipid na ‘to. 2 sim in 1 phone for as low as 1K.

Bakit nga ba tumatagal kami sa coffeebean? Pagkatapos ng trabaho ay walang patid ang kwentuhan tungkol sa trabaho at syempre mga lovelife ng mga kaopisina ko! Nakakainspire tuloy magsulat.

Sa mga susunod na araw, kinakailangan kong paalalahanan ang mga mambabasa na medyo sensitibo at mas malaya ang inyong mababasa. SECOND LEVEL na to. Kailangan na raw iwan ang maingat na pagsusulat. Kaya Patnubay ng Magulang ay Kailangan. Pasensya na muna sa mga high school student na wala ng magawa kundi kumopya ng assignment sa Filipino. Siguraduhing hindi kayo magaguidance ng inyong mga guro.

sabi, upang magkaroon ng ebolusyon, kailangang may mawala.

Advertisements

One comment on “I Resigned.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s