Ganun Talaga

sabi, upang magkaroon ng ebolusyon, kailangang may mawala.(last line from my previous post)

hindi ko naisip na may katotohanan pala ito. Nyak!

Its my day! Weird. Pumasok ako ng tirik na tirik ang araw, hinintay lang akong makapasok at bumuhos na ang ulan :

mula sa Ulan sa Buwan ng Abril

Mayroon ding mahina subalit matagal

nakakainip na parang walang katapusan.

Tila pinong buhangin, sumasaboy sa bubungan.

Isang mahabang pagbuhos ng ulan na kahit anong oras akong lumabas-pasok ay hindi siya tumitila. Wala akong nagawa kundi suungin ang mahinang mga patak; alanganin para maligo o kahit magkasinat. Pero isa ang tiyak, sapat upang malasahan ko ang luha ng daigdig, ang lungkot, ang paghahanap sa kahulugan.

Ganun Talaga

Sabi ni Carla, nalalaman niya ang estado ng kanyang buhay sa twing babasahin niya ang mga blog ko. Lalo na ang Move-on.  Minsan may isang blog ako na paulit-ulit niyang binabasa, iba-iba raw ang pakahulugan niya rito, doon niya nalalaman kung okay na siya.

Sinubukan kong basahin ang blog ko, inisa-isa ko kanina. Iba pala ang nararamdaman ng nagsusulat sa bumabasa. Minsan nakukuha ng nagsusulat ang nais niyang iparamdam, pero minsan din iba ang epekto. Mas masakit sa inaasahan.

Ganun Talaga

Its my day! Kaya nagfood trip kami sa office. Siyempre padeliver ng pizza hut, mais con yelo ng goldilocks at gellato ng amici. What a good idea to end the week.

Ang pinakamasarap ay hindi ang mga pagkain. Ang pinakamasarap ay ang buhay. Ang sarap ng buhay!

Hindi aapaw ang batis sa buhos ng rumaragasang talon sapagkat nakaabang ang sinapupunan ng dagat na magsisilang ng mga butil ng hamog; paakyat pababa, hahalik sa pisngi ng langit at kakawalang mga ulan.

Anupat ang dampi ng ulan ang paalala ng isang magandang buhay.

Pinagdurugtong nito ang lupa at kalawakan. Inaabot nito ang hangganan ng imahinasyon. Waring hinuhugasan nito ang maruming isip at nililinis ang kaluluwa ng sinumang madampian at makadama.

Ganun Talaga

Masyadong mabilis. Hindi sapat upang makilala mo siya.

Advertisements

3 comments on “Ganun Talaga

  1. aba mukha nga naman positive na positive ka ngayun ah! masarap talagang mabuhay, minsan nga lang ay nate take for granted natin ang layp! miss ko na minsan ang umulan pero gusto ko isang beses lang sa isang buwan kung uulan,, haha! ewan ko ba!

    blue : hehehe, kahit araw-araw umulan ayos lang!

  2. ang klase ng pagsulat mo ay isang uri ng metaphor na paggamit hinahalintulad mo and life mo sa isang tubig o patak ng ulan tulad ng ulan patuloy na umaagos kinakailngan din nating magpatuloy sa ating nasimulan at tapusin kung ano mang nasimulan .

    Alam mo ba accident lang and pagsaba ko ng blog mo pero natuwa rin ako sa sinulat mo kahit paano na buksan din and puso’t isip ko .
    Ako nga pala si Melon

    blue : maraming salamat sa pagbasa, nice nick – melon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s