Watch Out! Falling Debris

(Hindi angkop sa mga bata, patnubay ng magulang ay kailangan.)

O ang aga mo, mamaya pa tayo ah. 8PM daw.

Yup, i know, kaya nga inagahan ko. hindi na ko makakasama mamaya.

weird, anong bago at bakit ka biglang napadaan?

sabihin mo nga sa’kin, ikaw ba naniniwala na may one true love?

Okay ka lang?

seryoso ako, sagutin mo tanong ko.

anong problema mo? darating ka dito, uninvited, ni hindi ka man lang kumatok at saka mo ko tatanungin, wait wait wait, namumula ang mata mo, mukha kang disturbed, adik ka no? lulong ka sa shabu ano?

tado! bothered pero hindi disturbed.

may difference?

oo, basta sagutin mo tanong ko.

wait, pagsinagot ko ang tanong mo, hindi ba ako ang magmumukhang adik? at bakit ko naman papatulan ang tanong mo.

Please?

kamukha ka ni garfield, hindi bagay, wag kang magmakaawa.

alam mo kasi, ilang ulit na ‘to. yun bang may makikilala ako, akala ko kami na, manliligaw ako

uy bago yun, wait eto dapat ang linya mo… may makikilala ako, then mag ooffer ako ng drink, then lilipat ng venue, iuuwi sa pad, yayariin!

wala namang ganyanan.

okay. so manliligaw ka… tapos?

tapos after a month, parang may nawawala.

after a month o after mong makipagsex?

Hindi naman, basta may nawawala

Syempre si love? lokong love na yan. hinahanap ng lahat, ang bilis kumawala. alam mo bang hindi lang ikaw ang pinagtaguan niyan? Aba, patong-patong na ang kaso niyan at hindi mahuli-huli, ni hindi nga humaharap sa court kahit may writ of habeas corpus na yan.

Adik ka. Alam mo yun, ikaw ang adik.

Alam mo kasi, walang bago sa sinasabi mo. paulit-ulit ka. Magpapakita ka sa tropa, manliligaw ng bagong kaibigan, titira tapos mawawala. E nanggugulo ka lang.

Ganun ba ako kasama, huh? ganun na ba kababaw ang tingin mo sa akin.

Hindi, napakalalim mo ngang tao. Napakaprofound. Ang dali mo ngang pakisamahan. In fact, ikaw ang next kay Love na hinahanap na sa korte sa dami ng nais magpakulong at magpapatay sa’yo. Makahanap ka lang ng mangkukulam malamang nagka elephantiasis na yang betlog mo. I-try mo kayang ipahinga?

ang harsh mo? wala kang sex ano? ilang linggo na? Ihanap kita gusto mo!

Gago! kababate ko lang.

E adik ka nga, tanda mong yan nagbabate ka pa!

Pare safe to. Mas okay na yun kesa sa mga pinaggagagawa mo.

So ano na? sagutin mo na tanong ko?

Seryoso ka ba talaga? Oy, kung mangungutang ka, wala akong pera.

May pera ako, kahit bayaran pa kita, sagutin mo lang ang tanong ko.

Talaga lang ah.

Hindi nga, alam ko ikaw ang magaling dito, bakit nawawalan ako agad ng feelings?

Alam mo, ang mahirap kasi, hindi ko alam kung pwede sa’yo yung mga nababasa ko. Pambihira ka kasing nilalang. Parang dapat ay ilagay ka sa isang malamig na examine table, biyakin ang utak at puso at saka pag-araalan. Baka nasa laman loob mo ang sagot. Gusto mo i-try? may kilala akong embalsamador?

That really hurts!

Hurts! hurts! e sa dami ng pinaiyak mo kulang pa yun. Pero alam pre, bawas bawasan mo na yan. Alam ko mahirap itigil dahil habit mo na yan pero konting effort naman. Ang tingin tuloy sa’yo ng tropa e nasa etits mo ang utak mo. Kung hindi ka sigurado, wag mong pangakuan ng langit at lupa, ni wag kang mag a i love you. Hirap sa’yo madikitan ka lang, i love you ka na ng i love you. Mean it. Alamin mo kung totoo nga ang nararamdaman mo.

Yun nga e. Ang alam ko totoo. Totoo naman talaga. Nawawala lang.

E kung ‘wag mo munang sabihin? Hayaan mo lang. Walang usap. Kung mauwi sa sex, e di fine. Atleast malinaw na no strings attached muna. Then pag nadevelop, o pag seryoso na o tagumpay ka na sa physical examination mo sa babae mo, go, saka ka mag i love you – pag sigurado ka ng hindi ito libog, pag alam mong after ng sex ay makakapag i love ka ulit. Yung totoo na nanggagaling sa loob mo.

Mukha ba ako sex addict ha? sabihin mo nga. Parang sa tono ng salita mo e compatibility sa sex lang ang consideration ko.

Ay hindi ba?

Hindi pre, I’m a changed man.

Kelan pa? Since this morning nang pinaghahanap ka ng ex ni Elain?

Huh? anong alam mo?

Alam naming si Elain ang bago mong biktima, gago ka talaga, ang tinu-tino ng relasyon nila Macky, sisingit ka, makikipagflirt, naghiwalay yung dalawa tapos matapos mong tikman iiwan mo na. E di sana pinatay mo na lang si Elain, ganun naman pala ang gusto mong mangyari.

Hindi ko sinasadya yun. Mutual yun, bakit nyo ko sisisihin?

Pag nangyari ng isang beses o kahit dalawa, pwedeng hindi sinasadya. Pero kung 2 out of 20, habit na yun. Malamang serial killer in the making ka na.

Pano nyo to nalalaman. Sabihin mo nga, siguro lagi nyo akong pinag-uusapan. Nagbaback stabbing kayo no.

Hayop! At talagang feeling mo ikaw ang sentro ng mundo. Alam mo bang kilala ka na ng lahat ng babae ages 12 – 40! Lahat sila na may friendster, facebook, multiply, wordpress, blogspot at lahat ng may online social network. Pare, lahat ng niloko mo may blog entry tungkol sa kawalangyaan mo, In fact yung iba may picture mo pa nga.

ows, OA naman yun.

basahin mo kaya, check mo.

Di na, matagal na akong nag delete ng account. Sobrang puno na, ayoko na. Ni hindi ko naman kilala ang mga iyon.

Thats why. Ni hindi ka kinakabahan. At feeling mo, ang gwapo gwapo mo. Sabihin mo nga, ano bang gatas ang sinuso mo? O baka naman bata pa lang ay nalilibugan ka ng sumuso.

Foul na yan a. Bakit ba apektado ka.

Ayoko ko lang madamay. Alam mo ba na pag nalaman nilang pumunta ka dito, baka pati ako madamay! Ganun kalala ang kalokohan mo. Pwedeng pwedeng makapagpatalsik ng pangulo ang barikada ng mga babaeng niloko mo.

Wow, lumalaki na nag ulo ko, ganun na ba ako kasikat.

Oo, at anong oras maaassassinate ka na.Kaya sige na, baka matamaan pa ako ng ligaw na bala.

So pano si Love? Si One True Love?

Mahirap hanapin ang One True Love!

So walang One True Love?

Ano ba sa’yo ang One True Love?

True Love! Yung nag-iisa, yung nakalaan para sa’yo. Yung totoong mamahalin mo at mamahalin ka. Yung pangmatagalan.

Yung napapanood mo o nababasa mo?

Pwede

Alam mo kung ano ang hinahanap mo?

What?

Sakit ng ulo. Handa ka bang masaktan?

Huh?

Handa ka bang magsakripisyo?

hmmm

Hindi mo talaga mahahanap si One True Love o yung tinatawag na The One!

Bakit mo naman nasabi?

Dahil up to now, hindi ka pa totoong naiinlove.

So whats your point. Hinahanap ko nga e.

Ibig kong sabihin, sa lahat ng nakilala mo, nakasama, ni isa doon wala ka pang totoong minahal.

Yun naman ang hindi totoo.

Tanggapin mo o hindi, hindi ka pa totoong nagmahal. Bago mo hanapin ang True Love na yun, magpakatotoo ka muna. Hindi yan laging masaya, kasama dun yung sakit. Iba ang love sa sex. Hindi mo pwedeng idahilan na kaya nangyayari ang break up e dahil hindi sya true love. For them it is, or it was, ikaw lang ang hindi nagmahal.

Why do i have this feeling that you’re judging me.

iba ang analyzing sa judging. Pumunta ka dito para magtanong ngayong sinsagot ka, nagagalit ka.

Hindi ako nagagalit. Pakiramdam ko lang namimisunderstood ako. Iba ako e. Sa paghandle ng relationship, hindi ako conventional, alam mo yan.

Pero hindi lahat nakakaintindi sa’yo at hindi lahat ng nakakapartner mo may same experience gaya mo. Yung iba bago dyan, siniseryoso. Alam mo naman na majority pa rin sa kanila, not as liberated as those you meet in the bar. Alam mo naman na marami sa kanila, madaling mahulog or lets just say pag sumama sila, ibig sabihin may nararamdaman na sila. Hindi sila basta basta makikipagsex kung wala silang feelings.

Iba ang orientation natin sa kanila.

Lalong lumalala. Nacoconfuse ako lalo.

saan?

Pakiramdam ko bigla ang sama-sama ko.

Yes you are.

Huh? Sobra naman to.

No excuses. Hindi mo kailangan ng One True Love para magbago o magbigay ng respeto. To tell you honestly, mali na ang ginagawa mo. Bago mo hanapin ang True Love, ireconcile mo muna ang issues mo. Ayusin mo muna nag gusot mo.

E paano kung si True Love ang magpabago sa akin.

Si True Love?

Yup

Yup possible. Isa lang ang kilala kong magpapabago sa yo. Si Lord. Yun True Love yun.

Adik ka talaga. Sabihin mo nga, ikaw ba nagkatrue love na?

Meron naman. Wala naman akong regrets. Yung mga relationship ko, hindi man work yung ilan, still true love yun. Pero yung The One, I’m still single si malamang wala pa.

Hindi ka napepressure na hanapin?

No need, darating yun. hindi siya masyadong importante sa ngayon or even sa relationship. Basta alam mong true love, go for it. Hindi mo naman malalaman agad kung The One, tingin ko nga, walang The One. Nililikha yun. Shared effort. Nadedevelop.

Really

Yup.

Ang dami kong dapat malaman. Sige have to go.

Uy bayad mo.

Bayad?

Yup. sabi mo di ba kahit may pera ka.

okay.

Ano namang mangyayari sa P100. adik ka talaga.

wag yan. ang laki naman ng isang libo.

okay na yan. pandagdag sa gimik. mayaman ka naman di ba.

Hold-up?

hindi, for moral damage, napraning ako sa’yo.

yabang naman.

sige good luck and may you find your destiny – your one true love.

Advertisements

4 comments on “Watch Out! Falling Debris

  1. Ang masaklap ay kung mabiktima ka ng lalakeng maraming issues sa buhay. Hayyyyy life!!!!!

    blue : masaklap nga yan. hmm parang nakakarelate ka a.

  2. tskk…tskkk… TUHOG king pala ung gagong un e..
    heheheh… affected e. ibig sabihin effective ung may akda.. at IKAW un. hehehe daling-daling naman… hehehehhe..
    may na produce ka na bang pocketbook? libro?

    blue: pocketbook? wala pa. novel gusto kong subukan. kaso kumakain ng oras.

  3. Stig 🙂

    Parang vivisualize ko na nasa may pintuan sila tapos yung si “searcher” eh nasa may pintuan habang si “friend” eh hawak yung pinto at pinipilit nya ng isara yung door pero sinasagot nya pa rin yung mga tanong. Mabilisan sila mag-usap pero may sense.

    Wala lang ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s