Slippery When Wet

(babala: patnubay ng magulang ay kailangan. Hindi angkop sa mga bata.)

Naniniwala ka ba na every 7 seconds sex ang iniisip ng lalaki?

Uy hindi ah

Oo, at out of  100, 54% ng lalaki ganun

Saan mo naman nakuha yan?

Nabasa ko, at sabi pa 98% ng lalaki nagmamasturbate sa CR

Grabe, ganun ka kainteresado sa sexual habits ng mga lalaki?

Dati kasi akong lalaki

Naniniwala ako

Sira, nabasa ko lang.

E anong ginagawa nung 1% na naliligo?

Malamang may kasex!

Wow, sobrang sama talaga ng tingin mo sa mga lalaki.

Hindi naman, im just stating the fact

Fact what?

That they’re all fucking being who fuck around everytime they feel fucking. They have all fucking reasons to fuck.

Ay iba na yan. Sakit na yan.

Yung mga lalaki kasi, kahit sino pag lumapit ka, parang may kapalit. Pag humingi ka nga ng favor, hihingin agad pangalan mo, number mo, aalamin kung saan ka nagtatrabaho. Basta lahat papunta dun

Saan?

Sa sex!

Kahit nga driver, akalain mo ba namang yung taxi driver na sinakyan ko sabi ko pahatid sa Ayala, sabi ko bilisan, kahit pumasok sa loob ng mga kalye para makarating agad. Pagkasagut-sagot ba naman e, sure maam, kapit ka ng maigi, makakarating din tayo Sabay tingin sa kin at ngiti. Nakanampucha. Tingin pa lang kumapit na sa utak ko. Kadiri talaga. Kaya talaga nilang mang-inis ng walang effort. Hindi ba bastos?

Feel mo ba na nabastos ka

Oo naman.

Bastos nga.

Sa office naman, maggigreet nga sa’yo ngingitian ka pero subukan mong tumingin pag nakalagpas ka na mahuhuli mong sa pwet mo nakatingin.

Okay, so naoobserve mo to ha

Oo, at pag matangkad ang kausap mo, minsan kahit pantay lang kayo, dede ko naman ang pinagdidiskitahan.

E baka naman may problema sayo.

Ako?

Oo, tingin nila isa kang sex object.

Lahat naman ng babae ata sex object tingin nila

Hindi naman. Meron naman silang ginagalang. Nagkataon nlang na hindi ikaw yun.

Sino? Mga ate nila, tita, nanay bukod sa lola at mga ninang nila? E may sayad na yun pag pati yun pinagnasanan nila.

Alam mo, OA ka. Sobra na. Siguro ang pag-isipan mo, kung bakit hindi ikaw ang napili nilang galangin.

At bakit ako? Propesyunal ako. May honor pa nga ako nung High school. Iskolar ako nung college. Ah basta ang tingin ko majority sa kanila if not all e sex talaga ang nasa isip.

Meron ka na bang naconfront o nakakwentuhan tungkol dito – na lalaki ha

Oo, boyfriend ko. Yung exes ko, lahat naman nasabihan ko ng ganito

O anong sabi.

Ay walang umamin. Talaga naman atang nasa dugo na nila yan. Pakiramdam ko lahat ng lalaki dito sa mundo ay may sariling organization. Tingin ko nga bago pa sila isilang sa mundo e galing sila sa isang society na nag-usap-usap para manloko ng babae, nabuhay sila at napunta dito na may dalang script. Na walang aamin, na paninindigan nila ang pagiging malinis, may silbi, knight and shining armor ng kababaihan, yun bang walang mananakit sa babae maliban sa kanila. My God! Basang basa ko ang script nila.

Alam mo, may sayad ka. Sobrang paranoid ka. Actually nagcocross ka na sa boundary ng insanity o alin sa dalawa, baka nga lalaki ka dati at nagbabalik alaala sayo ang mga pinag-usapan ninyo sa so called society.

Magaling lang talaga ako magbasa

Or magjudge? By the way, bukod sa taxi driver na nambastos sa’yo, saan nanggagaling ‘tong hate movement mo?

Sa kumag kong boyfriend!

O ano na namang nangyari?

E lintsak, magpaalam ba naman na uuwi sa Davao this 13. Hanggang 15 daw sya dun?

And so, baka namimiss na ang parents nya.

E valentines day kaya! Ano yun, nanay nya idedate nya.

Malay mo naman may ibang idedate sa Davao!

Tarantado! Yun nga e, yun nga ang kinaiinisan ko. Sinong napakaimportante ang idedate niya dun.

Ano bang paalam sa’yo

Kailangan daw siyang umuwi dahil maysakit ang father niya.

E yun naman pala.

Hindi ako naniniwala. Kelan pa siya nagkaconcern sa parents niya. Pakiramdam ko nga sa boystown lumaki yun no, imposibleng may care sya sa family niya.

Malay  mo ngayon niya narealize. Ganun naman yun, habang  tumatanda saka navavalue ang family.

Kasama ka ba sa organization ng mga lalaki? Magkano bayad sa’yo.

Unang-una, lalaki ako at pangalawa kung ganyan ang katwiran ng babae e talagang sasali ako sa organization. Aba, kung meron mang nilalang dito sa mundo na sobrang hinusgahan at hindi pinahalagahan ay walang iba kundi kami.

Really?!

Really! Hindi ba kung makapagbrainwash kayo sa media parang ganun kami kasama, kahit sa mga anak di ba? Para bang lagi na lang lalaki ang may kasalanan, palibhasa alam nyong hindi namin kayo papatulan. Kaya hindi  mo kami masisisi kung parang may ganung kaming unawaan.

At eto pa, hindi pa kakaiba talaga na you consume each other?

Consume each other?

Aba may bago kayong specie, kayu-kayo nagsesex, dati kalaban namin ang  mga bakla, ngayon may bi na, may tripper pa. lintsak, masyado ata kayong conceited at vain.

Alam mo, wala ka na sa topic

Same topic, its monopolizing power.

What!?

Kayo, kayo at kayo. Kayo ang magaling, kayo ang matalino, kayo ang tama, sige nga, magsama-sama kayo, mahalin nyo mga sarili nyo at tignan ko lang kung dumami kayo.

Uy alam mo kung paano masasagot ang tanong mo?

Pano?

Magsuicide ka, dalhin mo kay God ang issues mo, ipakita mo kung gaano ka kainsecure na babae para gawin ka niyang lalaki sa susunod na buhay mo! May sayad ka. Ang dami mong nakikita, ang dami mong napapansin. Pakiramdam mo lahat tungkol sa inyo. Alam mo kung bakit ka nagkakaganyan? Masyadong mataas ang tingin mo sa lalaki, masyado kang insecure, lahat ng kilos mo nakabase sa kung ano iisipin ng lalaki, ng boyfriend mo. Ikaw ang nagbibigay ng importance sa lalaki.

Hindi ako nagbibigay, yun ang hinihingi nila.

E di wag mong ibigay.

E di mawawalan ako ng boyfriend.

Mawalan ka man atleast nawalan ka ng sakit ng ulo. Hindi lahat ganun. Umayos ka nga.

Ah basta, kung may babae siya, bahala siya. Manlalaki rin ako.

Gawin mo ang gusto mo, malamang ginagawa niya lang ang gusto niya. Good luck! E kung kasama sa organization ang lalaking makuha mo!

To be honest, wala akong makuha sa’yo. Walang solution.

Exactly, wala sa akin ang solution, wala sa amin. Nasa sa’yo.

E kayo nga ang problema,

E di lumayo ka sa problema.

Parang ganun kadali yun.

Alam mo, makakahanap ka rin

Wish ba yan?

Curse, makakahanap ka rin ng katapat mo.

Nakanino ba loyalty mo, sa friend mo o sa mga lalaki.

Walang topic! Walang issue. Wala kang makausap ano?

Meron, naiinis ako. Pakiramdam ko hindi niya ko vinavalue.

.

.

Huh? Para san yun?

Ayaw mo?

.

.

.

.

After 20 minutes

Shit, shit talaga.

Bakit na naman, relax, ang dami mong iniisip e

.

.

.

After another 40 minutes

Okay ka na?

Yup,

Dumaan ka lang, kung may problema ka.

Walang makakaalam nito, ha?

Kami pa, kayo lang naman ang kiss and tell

Gago! Kayo na naman ang bida

O, kala ko okay na, tama na yang topic na yan.

Hmmm, hindi isa pa.

.

.

.

after another 33 minutes

okay na ko

cool. Hatid kita.

Hindi na, hindi bagay.

Bakit naman.

Baka masyado kang mainlove, maging kumplikado pa.

Huh, Ako pa pala ha, ikaw tong kung makahalik parang..

Parang ano

Parang matagal mo na kong kinicrave

Loko, o sige na, salamat, by the way, mas may sense ka sa kama.

Talaga lang ha. Kung pakiramdam mo mananalo ka diyan sure. Ingat.

Advertisements

One comment on “Slippery When Wet

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s