Bawal tumawid, nakamamatay!

Tahimik ka? …Hello, parang wala akong kausap

Huh? May sinasabi ka?

Ay hindi mo narinig sayang, nagdeclaim ako… uy nagpapatawa ako. Bakit ba napakaseryoso mo?

Ganun pala yun.

Huh?

Be careful what you wish for. Tama. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam.

Anong nangyari? Alam mo hindi ako sanay e, anong problema?

Hindi ko rin alam. Basta nangyari.

Ang alin? Oh my God, are you crying?

Okay ako. Okay lang ako.

Ah okay. Yeah, you’re okay.

Wala na kami.

Oh My God! Nagbreak na kayo?!

Parang ganun.

As in oh my God! Meron ka pala?

Funny, yeah, akala ko meron. Wala pala.

Okay lang bang pag-usapan.

‘Wag mo na lang ikukwento sa kanila.

Sure, no problem.

I’m dating someone. Matagal-tagal na rin.

Parang hindi namin napansin.

Yup, ayoko ng showbiz kaya di ko na pinaalam sa inyo, kinoconsider ko na parang first time ulit. Seryoso kasi to. Ayoko ng maulit yung dati. Kaya medyo maingat ako. Ayoko kong tumawid sa relationship ng hindi sigurado. Pero nagbakasakali ako. Ganun pala ang pakiramdam. More than bestfriend. Nakahanap ka ng kakampi, kakwentuhan, ng second opinion sa mga bagay-bagay. Mas dumali ang buhay.

Kelan pa ‘to?

Months ko na syang kakilala.

months pa lang?

Wala naman ata sa haba ng panahon yun. Affected ako e.

I see.

Actually, pakiramdam ko nga padala siya ng langit. I learned a lot, sa mga stories nya, tingin sa bagay-bagay, we’re exact opposite pero gusto ko yun. Kung meron mang differences, ito yung individual differences that made you bonded.

Oh my, hindi ako sanay na ganyan ka. I can see your soul, you’re a good soul

I am.

Okay lang, sige, iiyak mo.

Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hindi ko alam kung bakit kailangang mangyari. I’m a good soul. Mabuti akong tao.

I know. Mahal ka nga namin. Really, mahal ka namin.

Thank you. I need that. I need to feel that I am loved.

Kung hindi niya naibigay yun, okay lang,

Hindi niya sinasadya, im sure. There must be reasons, siguro nga kaya maagang nangyari para hindi na lumalim pa.

Yes, I agree, buti na lang hindi pa ganun katagal.

Paano nag end?

Tinawagan ko siya one extraordinary morning. Tinanong ko kung bakit parang busy siya. Sabi niya sa work at sa isang dahilan

What?

Nakikipagdate na siya.

My God! Ganun?

Hindi naman kasi kami… hindi pa kami… pinag-usapan namin na hindi pa kami.

Okay lang, okay lang yun.

Sabi niya interestado sya dun, sa boses niya mukhang masaya siya dun. Yun yung  boses nya pag may iniinsist siya, ganung tono na parang iniinsist niya na okay siya, na hindi na kami pwedeng mag step forward.

Anong sabi mo.

Okay lang. Ganun talaga. I said thank you. sa honesty niya. Basta magkaibigan pa rin kami. Nakakatawa nga e, hindi ako sanay sa ganung sitwasyon, pero natandaan ko ang iskrip ng paghihiwalay. Yung tamang linya na hindi mukhang bitter. Yung linya na may dignity pa rin pagkatapos. Ang bait ko.

Im speechless. No words… you’re a good person.

Naging maingat siguro ako. Masyado siguro akong nagpakaedukado.

Wag mong sisihin ang sarili mo. Dalawa kayo dyan. Hindi lang ikaw.

Ang hirap e, ang hirap nung gigising ka tapos titingin ka sa cellphone mo kung may message, saka mo marerealize na wala ng magtetext sa’yo. Alam mo yung sanay ka na bago ka magwork tatawag ka, parang culminating activity to start the day, tapos hindi na pwede. Yun bang itetext mo siya kung may bibilhin ka, tatanungin mo opinion niya, para makapagdecide. Hindi siya ang nawala. Ako yung nawala. Parang may tinanggal sa akin.

Di ba magkaibigan kayo? Text mo siya.

I can’t. parang nawalan ako ng karapatan sa kanya.

E di kung kailangan mo talaga ng opinion, try me, I mean, medyo mababaw pero I’m here… for the meantime. I’m willing to listen. Susubukan  kong maging well verse sa topic mo. Wait, you’re saying na after nun, wala ng text.

Wala na. actually yun yung masakit, yung dumadaan yung mga sandali, yung mga araw na nakakaya ka niyang hindi I text. Yung mga araw na nadudurog ka, umaasa hanggang sa magsink-in sa’yo na nakahanap siya ng kalayaan. Na okay na wala ka sa kanya at ako, hindi.

It takes time..

Actually ayoko ngang takasan. Ayoko ng walang closure. Gusto kong maramdaman na lahat-lahat ngayon para bukas okay na ko. Gusto kong mangyari na lahat ngayon, yung hapdi, yung paghahanap ko sa kanya, ngayon na lang hangga’t kaya ko pa. natatakot na akong magising at umasa na naman na may message siya, na andyan siya.

I know kahit sinabi niya ang reason hindi pa rin nagsisink-in.

Yes, pero may hinahanap ako na sagot – na dahilan. Parang hindi dahil nakakita na siya, mas gusto kong marinig kung saan ako nagkulang, saan ako nagkamali, ano yung hinahanap niya na hindi ko naipakita, na wala sa akin.

Then sabihin mo sa kanya, im sure makocontact mo pa rin siya

Ang totoo, marami akong hindi alam tungkol sa kanya.

If you have a chance, anong sasabihin mo sa kanya

Masyado akong nasanay sa conversation. Marami akong kwento sa kanya. Pero there’s one thing na hindi ko nasabi

What

na mahal ko na siya.

Oh my God. Hug kita.

Yes… please?

Advertisements

5 comments on “Bawal tumawid, nakamamatay!

  1. super sad… ganyang ganyan ung nangyari sakin this past months lng… naalala ko n nman nkita ko ung sarili ko sa blog n yan thanks blue! 🙂

    blue : hay so sad. okay lang sana nakamove on ka na.

  2. hayzz nd nman ganun kadali mag move on db pero im now in the process para mag move on tinutulungan ko n lng sarili ako kc ako lng nman mkkgawa nun nd ibang tao… iniisp ko n lng n nd tlga xa para sakin… kung anu man ung between me and him nun oki lng naging masaya nman ako habang nasakin xa… 😦

    blue: korek. dapat no regrets.

  3. ang taba ng utak mo.. napakalawak ng iyong imahinasyon.. imahinasyong may silbi at di inutil. gusto ko ang isinulat mo, hindi lang dahil sa magaling ka kundi dahil rin sa hatid nitong damdamin na tunay at punung-puno ng emosyon..
    para kang kuryente na unti-unting nanunuot sa ugat. 🙂

    blue : uy ganda naman ng comment mo. baka sobrang tumaba ang ulo ko hehehe.

  4. shet ka!bakit ka nagsusulat ng mga ganitong tema?! ayoko man aminin pero may napukaw sa damdamin ko!namiss ko magbasa ng mga blog entries mo lalong lalo na IKAW!napakahirap makahanap ng mga katulad mong masustansya kausap…
    ….. andito lang
    bmac =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s