On-Going Construction

Hey what’s up? Its your birthday, i mean, it’s your day.

Hmmm, weird ‘to pero meron akong gustong sabihin sa’yo.

Hindi mo man ako sagutin o kausapin, i’m sure nakikinig ka. Dun ka magaling, i know that.

Kanina, may lumapit sa kin, kung gusto ko daw umorder ng kahit ano, something to give on your day,

nginitian ko lang.

Para kanino, wala akong maisip bigyan. Para saan nga ba ang chocolate, flowers, teddy bears, cards or cakes. Hindi nun kayang tumbasan ang value mo.

Niresearch ko kanina, sabi around 70 times ka daw nag papump in a minute, thats 4200 beats in an hour, 100, 800 in a day, 36,792,000 in a year. Grabe! Ganun ka mag function. Sipag mo!

Kaya siguro ganun ka rin kalakas. Kayang -kaya mong harapin ang problema, ang sakit, heartaches!

Minsan kasi, sobrang sipag ko rin… sobrang sipag kong magmahal – syensya na ha, madali ako mafall. Kaya naman ikaw, kayod ng kayod. Alam ko nagrereklamo ka na, pasyensya na ha, kahit alam kong nagrereklamo ka na, heto pa rin ako, nakakaadik kasing magmahal. Hinahanap-hanap, iba kasi e.

Hindi ka kasi nagsasalita. Hindi ko alam kung pag bumibilis ka, ibig sabihin ba nun, ayaw mo, kinakabahan ko o kinikilig ka.

Minsan pasong-paso ka na. Alam ko yun, umiinit ka na parang may kirot, mahapdi. Uy, wag kang mag ooverheat ha. Carry lang.

Sana kasi madaling malaman kung sino ba ang tama, hindi kung sino ang gusto mo.

Alam mo ba? minsan gusto kong isipin na mas tama ka. Mas rational ka. Na kung ikaw ang susundin ko, mapapabuti ako. Kung ikaw siguro ang batas, kung ikaw ang magdidikta baka siguro ang payapa ng mundo. Everyone is loving.

Pag sumali na kasi si isip, pag eto gumana naku naglalagay na ng criteria. Natatakot, ang daming iniisip. Madalas, okay na e, kaso may pride!

Napatunayan ko na yan, si number 1, remember, okay na sana kaso sabi ni isip, wag yan, hindi bagay dahil magagalit ang parents. Yung isa naman, hindi pwede dahil exact opposite, yung isa hindi tapos ng pag-aaral, meron naman sabay dumating at parehong hindi nakapaghintay – nagmamadali, meron naman na okay, matalino, maipagmamalaki mo kaso iba priority, walang may gustong mag give up.

Ang dami ko na yatang pinalagpas, paano kung lahat naman sila prospect, lahat possible… kaso mapili ang isip. Judgmental kasi ‘to, akala ata magaling e if i know ang daming fear.

Sa lahat ng yun, andyan ka, umiiyak, nasasaktan, nararamdaman ko yun. Kahit hindi mo sabihin, alam kong minsan suko ka na.

Pasyensya na ha kung sa akin ka nilagay. Kung bakit ako ang nakasama mo. Kung makakapili ka lang sana.

Sana malaman mo at maiparamdam ko sa’yo kung gaano ka kaimportante sa akin. Kung gaano ako natutuwa sa lahat-lahat ng sakripisyo mo.

Hayaan mo, darating din ang araw na yun, araw na ihaharap kita kay God, ipapakilala ko ang kapareha mo. Darating ang araw na matatagpuan mo siya, pangako yan.

Makikita mo rin ang dahilan ng pagtibok mo, magkakaroon ng kahulugan yan, magiging musika.

Pag dumating na ang araw na yun, ako ang pinakamasayang tao. Magiging magaan ang lahat para sa’yo, may makakasama ka na, sa hirap at ginhawa.

Sa ngayon, hayaan mong pasalamatan kita, salamat sa mahabang taon ng partnership, at hanggang sa mga darating pang taon ng pagsasama.

Siyanga pala, Happy Hearts Day ulit!

Advertisements

5 comments on “On-Going Construction

  1. ang puso…ay pusod ng ating kamalayan..ang isaip pwede magdeny, pero ang puso kaylanman di pwedeng magsinugaling..minsan iba ang sambit ng bibig…pero ang katotohanan ay puso lang ang nakakaalam…happy puso sa iyo kaibigan,

    blue cool, ganun talaga, bawal tumawid… nakamamatay hehehehe happy heart’s day sa’ting lahat! 🙂

  2. napapagod b talaga ang puso?

    tingin ko hindi

    ang isip lang natin siguro ang napapagod

    mahirap b magmahal ng taong di mo alam kung may pagtingin din sayo?

    blue : napapagod ang puso? yeah i guess. at mahirap magmahal ng one way. Para kang naglaro ng badminton mag-isa 🙂

  3. hi, kulit ng blog na ‘to.. sulat para sa puso.. nice talaga.. nga po pala sabi niyo po pwede kumopya basta magpaalam.. haha.. assignment lang po, kailangan blog, i hope its okay, ang ganda kasi ng post niyo.. nakakatuwa and touching din.. hehe.. nilagay ko rin po kayo as may-akda.. and yung URL ng site just in case gusto din basahin ng classmates ko.. i hope its okay with you.. Thanks po.. ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s