Don’t Drink and Drive

(may temang hindi angkop sa mga bata, patnubay ng magulang ay kailangan.)

Uy, aattend ka sa lovapalooza?

Hindi ah, hindi kami dun pupunta, bakit mo naman nasabi

Pulang-pula ka kasi.

Ah maganda ba?

Hmmm infairness ang baduy.

Anong baduy? Mahal ‘to

Yun nga ang masakit pala dun, mahal na baduy pa.

Walang mahal na baduy!

E anong tawag mo dyan sa suot mo?

Class, statement.

Ay hindi ka si Boy Abunda, Lolit Solis pwede pa. Actually yun ang statement nya – baduy. Hindi dahil valentine’s e magpupula ka, tingnan mo nga itsura mo, para kang the official mascot ng Department of Health. In fact mukha kang walking puso ng saging. Dapat dyan sa July mo isuot – Nutrition Month.

why not tapos may hawak akong plakard na may nakasulat na  Kumain ng ginataang puso ng saging!

hindi, siguro mas bagay kung ang nakasulat ay Kumakain ng Saging!

Sobra ka na, ang sakit mo namang magsalita, kala mo naman ang galing mong pumorma.

Hindi man ako pumuporma, alam ko naman kung masakit sa mata ang nakikita ko.

E anong gagawin ko?

Bawasan mo. Magpalit ka ng ibang color. Pula na blouse mo, pula pa skirt mo, pati shoes, bag, belt and earings. Sobra na yan! Try mo ka yang magdagdag ng lipstick na pula at eye shadow na pula.

Okay, okay magpapalit ako.

Bakit ka ba ganyan ka-OA manamit ngayon? Bakit bigla kang naging interesado sa valentines day?

May date kasi ako.

Really?

Yup!

Sino si B1 o si B2? The walking bananas? Magpaparticipate din sila sa DOH- initiative valentines party?

Gago! Seryoso ako. Kinakabahan nga ako e.

E sino naman yang idedate mo.

Former officemate turned actor?

Artista?

Hindi pa, pa extra-extra pa lang.

Ah okay, so mag-aartista?

Malapit na. In fact sabi ng manager nya ay magready na daw siya dahil may nakausap itong insider ng pinoy big brother, isasama daw sya sa list para may exposure.

So talagang kinacareer nya?

Stepping stone daw, mas madali yun.

Ok goodluck. So gwapo tong pinag-uusapan natin?

Naging gwapo na lang. Dati naman hindi siya pinag-uusapan sa office. Tapos napansin naming lumaki na ang katawan. Actually commercial model siya ng isa sa mga energy drink. Hindi lang napansin.

Anong role nya dun?

Kargador.

What?!

Oo, kargador. Pero siya yung bida. Ganun ang itsura nya.

I see, may itsura naman pala – kargador!

Ang yabang naman.

Wala naman akong sinasabi a. Actually okay naman yun, malamang malaki market nya. Aba pinoy big brother din yun, kahilera ng mga soap opera, pang primetime. sino ba nanonood ng mga soap opera; e di ba mga inday ng tahanan, character ng palengke at mga countryside?

Kagwapuhan ka?

Hindi, pero hindi ako celebrity in the making o actor wanna be.

Mahirap lang yun pero nagsumikap para sa mga kapatid nya. Hiwalay kasi parents nya tapos nagkasakit mom nya.

Mananalo siya sa PBB! Ang drama ng buhay!

I know him, mananalo siya hindi dahil sa awa kundi i’m sure sa mga challenges dun. Determined siya!

So president ka ng fan club?

Hindi! future girlfriend!

Proud girlfriend! Si many pacquiao ba tong pinag uusapan natin

Ewan ko sa’yo.

Uy, ingat ka dyan. Yung mga ganyan, pabling yan. Baka paiyakin ka nyan.

Thanks pero mabait siya.

Para namang kilalang-kilala mo na siya e di ba sabi mo nga, hindi siya dating pinapansin.

Hindi kasi siya kagwapuhan noon.

Paano kung bigla kang dalhin mamaya somewhere

Ay ibang usapan yun, kaya nga iced tea lang ang iinumin ko sa mga date para lagi akong conscious

At kinoconsider mo ngang baka dalhin ka somewhere

Oo naman, mahirap na. Lalaki pa rin yun.

Bakit hindi mo ba namimiss? Ilang years ka na bang celebate?

Since birth kaya.

Uy nagpalit na tayo ng topic,

Huh?

Sabi ko ilang taon ka ng celebate, hindi ko tinatanong yung kabaduyan mo.

Gago! Virgin to’ uy.

Nyak, ilang taon ka na?

29.

Okay, alam mo ba na sumasara yan pagsapit ng 30.

Umayos ka nga.

Hindi ka furniture. Wag kang papaluma. Ang furniture tumataas ang value pag lumuluma, e ang iyo, hindi. Bakit ka nagpapaka antique.

Because I believe in the sanctity of marriage. That love can wait

So contestant number 69, what is the role of your parents in this contest?

My parents? The role of my parents? Oh, they love to roll!

Very well said, unfortunately this is a not Gay Contest.  Sali ka kaya Ms. Fitrum? Wala kasing consolation prize dito, atleast dun may iuuwi kang gift pack from fitrum, boy bawang, athracin at may exposure ka pa sa wowowee.

Hehehehe why not

Pero seryoso ako. Baka bumaba ang market mo, alam mo yun, ang dami mo ng varicous veins, lawlaw na ang laman mo sa braso, may guhit ka na sa noo at puti na ang buhok mo tapos virgin ka pa?

Atleast konti lang kaming ganun. At hello, iniinsulto mo ba ako? Mapipikon na ba ako?

‘wag muna, hindi pa ako tapos. Alam mo kasi kahit sa kulto hindi na requirement ang virgin. So hindi ka na rin maiaalay.

Kahit anong sabihin mo. Im proud dahil virgin  pa rin ako. Iba pa rin yung nakapaghintay ka ng kasal, na madidiscover mo ang lahat after ng marriage. Na para kang may gift to unwrap sa husband mo.

Ah ok. So lagyan mo ng ribbon sa kasal mo ha para exciting.

Talaga! Edible ribbon!

Yan ba? Yan ba ang virgin!?

Bakit masama bang maging theoretical. Ano naman akala mo pag virgin wala ng alam?

Yan lang ang virgin pero utak mo hindi.

Bakit mapepenetrate ba utak ko.

Iba ka! Isa kang Woman of contradictions. Paano mo ginagawa yan. Hindi ka ba nalilito?

Ako pa! Expose naman ako kaya nga hindi ako naloloko di ba? Virgin since birth pero hindi NBSB

NBSB = you mean No boyfriend since birth?

Exactly may iba pa ba?

Oo

What?

Naging Baduy Since Birth

Move on!

Balitaan mo ako sa result ng date nyo ha.

Sure. Wish me luck.

Sige magkukulong ako sa kwarto mamaya.

At bakit

Not my night. Dahil magtatagpo ang poverty planet at conservative planet, then dadaan ang maraming comets and there’s love. Hanggang sa isisilang ang anak ng dyablo! Karukhaan at kaguluhan –  chaos! Lalala ang kabaduyan sa planet earth!

Sige at magnovena ka ng hindi ka karmahin sa sama ng ugali mo.

Peace tayo hehehe. Seriously, enjoy the night.

I will. Mwah!

Advertisements

8 comments on “Don’t Drink and Drive

  1. haha.. galing naman.. at natatandaan mo pa talaga ang mga sinabi ng isa’t isa.. 😀 galing!

    –gudang!

    blue: basta asaran, magaling ako dyan 😉

  2. Ay hindi ka si Boy Abunda, Lolit Solis pwede pa. Actually yun ang statement nya – baduy. Hindi dahil valentine’s e magpupula ka, tingnan mo nga itsura mo, para kang the official mascot ng Department of Health.

    Baka, pwede rin mascot sa Philippine Red Cross.
    ^_^

    Pula na blouse mo, pula pa skirt mo, pati shoes, bag, belt and earings.

    Hahaha, natawa ako, puro pula sinoot? Ano yan parang patalastas sa Max Menthol Candy (yung commercial na puro match ang suot, sa TV)

    I see, may itsura naman pala – kargador!

    Hahaha, nakakatuwa ang blog mo. I’ll add this blog to my readomatic.

    blue : uy salamat, i add din kita.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s