Dead End, Take Detour,

Sabihin mo nga sa’kin, maysakit ka ba?

Huh?

Mamamatay ka na ba?

Okay ka lang

Kaibigan mo ko, c’mmon, you can trust me.

Anong ibig mong sabihin?

You’re dying, right?

Actually sa mga sinasabi mo, you’re killing me,

Sa’tin-sa’tin lang

Mukha ba kong mamatay? Seryoso ka ba?

Alam mo kasi, honestly, I have this feeling that you’re hiding something

And you’re thinking that I’m dying and hiding it to you?

Yes

Bullshit! Tigilan mo na ang pagrarugby.

C’mon!

Anong common, gusto mo na ba talaga akong mamatay?

Weird e, lately naoobserve ko that you’re cleaning your room

Cleaning my room? Masama na bang maglinis ng kwarto?

And not only that, you’re giving away your old clothes, you’re very active sa socio-civic activity and you love talking about life, about goodness of God, death and other topics… nagpapakaprofound ka.

Hahahaha, talagang binabantayan mo pala ako or pinag-uusapan nyo ko?

Recently yes. Naninibago sila syo.

Sila?

Yup the whole tropa.

Ano sabi nila?

Na weird ka daw, iba kinikilos mo, iba trip mo.

I guess sign of aging.

Pare magkakasing edad lang tayo.

Sabihin na nating midlife crisis.

Midlife crisis? E wala pa tayong trenta!

Oo nga pero ganun e. iba pakiramdam ko. Basta pagtuntong ko ng bente otso nag-iba, para akong tumanda.

Pre-memory gold lang at athracin.

Seryoso ako.

Weird ka rin, late bloomer ka na nga, nag eearly retirement ka naman agad. Enjoy life dude, wag mong seryosohin.

Naiisip mo ba kung nafulfill mo na ang buhay mo?

Hmmm

Yun bang masaya ka, o kung mamamatay ka ngayon, okay lang kasi nagawa mo na ang gusto mo.

Hindi ko iniisip yan.

Then isipin mo.

Kaya ka siguro nagkakaganyan kasi ang daming bagay na hindi mo naman dapat iniisip. Look halos 90% ng fear natin hindi nagkakatotoo.

Hindi naman ‘to fear, thinking ahead, sagutin mo ngayon… paano kung bigla kang mamamatay or sabihin na nating nalaman mo na bukas mamamatay ka na, anong gagawin mo?

Do I have enough time?

Exactly! Kung hindi natin iisipin yun, paano kung mawalan ng time? Kung late na?

Oh well, lahat naman tayo uuwi dun.

That’s not the point, alam natin yun, pero paano nga kung malapit na siyang mangyari?

Change the topic

No, answer me. Anong gagawin mo kung pag bumukas ang pinto na yan e si kamatayan ang papasok. O kung managinip ka at hindi ka na magising?

Bakit ka ba nagkakaganyan?

I want to enjoy life.

Paano mo maeenjoy kung yan ang iniisip mo?

Motivation I guess. I will enjoy life to the fullest since this is the only thing I have. I only have now, I’m not sure if there’s tomorrow, we only have now.

Anong gusto mong gawin?

Marami.

Right now, what do you want to do? Ibalik natin ang tanong mo, kung bumukas ang pinto at kukunin ka na ni kamatayan, anong gagawin mo?

Tell them that I love them.

Who?

You guys. I love you.

Okay.

Serious pare. Hindi niyo alam kung gaano ako kaswerte at kasaya sa inyo.

Ayos lang yun. Kami rin.

You’re my bestfriend man. Hindi ko man madalas masabi, infact madalas ang babaw natin, kulitan, asaran, ubusang oras, inuman hanggang sa maging wasted, ang maganda dun alam mo kung ano? Magkakasama tayo palagi – sinasamahan nyo akong maging wasted, maglabas ng sama ng loob.

Syempre, damay-damay lang yan. Kung sakali, knock on wood, kung sakaling mameet mo si God, ikaw ng bahala, lawyer ka namin ha?

And another thing, paano kung wala pa lang life after death?

Hindi ko maisip.

Kung wala nga?

I don’t think so.

Isipin mo, ngayon lang

Kung wala e di wala.

Ganun na lang yun? After all ng ginawa natin? Walang life after death?

Then don’t think na wala,

E there’s possibility dude, 50-50 yan. Siguro meron, siguro wala. Walang lamang.

I guess yun talaga, kung wala e di wala. Wala naman akong magiging reaction since wala na ako nun.

That’s weird. Life is weird.

No actually life is beautiful. Personally ang tingin ko, life is so short, there’s more out there. Mas mahaba,mas matagal. Tingin ko nga barracks to. Para tayong mga soldier na nasa isang school. Kailangang makagraduate. Para ‘tong OJT experience.

Anong course?

Life.

Okay, so what’s so special about life here?

There are challenges. The rule is that they will give us brain to think, heart to feel and do the task

Ganun lang?

May challenge dun, nakaconfine tayo sa isang katawan. Material being tayo dito. Limitado. Hindi ka pwedeng lumipad, mapunta sa gusto mo, magmagic, lahat ng kailangan mo, mangaggaling sa isip mo, bubuuin mo. Idea lang plus nature.

Nice, im listening, ituloy mo…

That’s life. A well-designed curriculum. Then there’s heart. There’s emotion. Pwede siyang spice, pampalasa. Nakatutulong yun sa judgement. I guess andun ang clues.

Clues?

Sa puzzle. The brain will solve the puzzle and the clues are inside the heart.

Ang galing. That’s cool.

So kelan ang graduation? Bakit may namamatay agad?

Wala naman sa lifespan. Wala sa tagal, iba-ibang role. May maikli may mahaba pero lahat may contribution.

And the kids? Are they part of schooling? Students din ba sila?

Medyo technical ang tingin ko dyan pre.

Shoot

If before age of reason sya namatay, then part sya ng challenge sa iniwan niya like family, pero kung he reaches the age of reason, start na ng journey niya as a player.

Wow. At kelan ang age of reason?

Depende yun sa kanya. Walang exact age pero usually eto yung nakakapgdecide na siya, conscious na siya sa tama at mali.

Swerte naman nila kesa sa mga tumanda

Hindi rin, wala ka namang itatapon sa buhay natin, maikli o mahaba, maganda ang buhay. Mas natututo ka habang tumatagal.

Oo nga pero kung maganda ang nasa kabilang buhay, swerte nung ang agang namatay, nakauwi agad.

I guess maswerte rin yung tumanda, mas mahabang exposure dito, ganun din naman yun, pag namatay sya, dun din siya uuwi – lifetime na yun. So isipin mo na lang na nakapagbakasyun ka ng mahaba-haba dito. Mahaba-habang experience.

Eto ba yung sinasabi nila na life is the childhood of eternity?

Baka nga infant stage lang.

I enjoyed talking to you.

Thank you

Seriously, pwede pala tayong mag-usap ng ganito kahit walang beer?

Mas masarap din na meron?

Tara, inum tayo!

Tawagan natin sila, dito na lang tayo, ayoko ko ng lumabas.

Kaya ka tumatanda e, you need fresh air, tara qc tayo.

Fresh air tapos qc

Wag ng maraming satsat, let’s go.

Okay, okay.

O dalhin mo karsonsilyo mo ha baka mahamugan ka

Gago.

Advertisements

2 comments on “Dead End, Take Detour,

  1. malalim at maganda ang development of thought,,,habang binabasa para bang naglalakbay ang aking isipan …kasama ng mga pangitain ng writer na ito.

    masarap isipin na sa blogosphere,,,namamayani ang iba’t ibang kamalayan na sinawalat sa iba’t ibang pamamaraan..kudos kaibigan!

    blue: hey sir. thanks sa comments. masarap nga dito sa blogosphere, hindi commercialize, its freedom. you can write anything. kanya-kanyang regulation nga lang but again at least nakikita natin kung paano nagmamature ang mga readers at the same time, readers! Kudos!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s