No Overspeeding

(sa mga naghahanap ng karugtong ng Don’t Drink and Drive, narito ang kasunod. Patnubay ng Magulang ay Kailangan)

Hey how are you? Hows your date?

Date?

Yep, your valentines date?

Hmmm didn’t I tell you that I am suffering from selective amnesia?

You mean?

I choose what to forget.

Okay so forgetable pala ang officemate turned model soon a star mong dinate?

Sino yun?

Wow consistent, hehehe seriously, anong nangyari

Ang sarap ng cake, sa becky’s ba’to?

Akin na nga yan,

ang damot,

Kwento ka muna

Okay okay

Anong nangyari?

Wala akong magandang ikukwento dahil walang nangyari!

Ah okay, so ikaw pa rin yan… the virginal friend of ours.

Come to think of it, wala akong dapat panghinayangan, he’s not worth my 29 year old virgin forest

Oh my God! Pwede mo namang itrim, asiwa naman kung totoong forest na yan

Loko.

Seriously…?

Okay so nagdate kami. Alam mo baduy ako pero mas baduy siya.

As in baduy nga yun, imagine coming from a self-confessed jologs na nakarecognize ng kabaduyan!

I hate you! Kasi nga ang baduy nya. As in ayokong maalala.

Tell me details.

Remember nung nakita mo ako, nagchange oufit ako nun. As in nag dress ako for the night.

And?

Dumating siya ng nakamotor.

Oh e di ang macho di ba?

E hindi naman niya sinabi na ganun ang wheels niya. And pinagtitinginan kami. Ganda ng suot ko tapos nakamaong at black sando siya. Pamacho as in!

E baka sumideline, callboy pala, galing bar.

I hate his look.

Tapos san ka niya dinala.

Sa robinson!

Robinson?

Robinson Ermita!

Bukas pa ba robinson nun?

Hinabol pa namin dahil manonood daw kami ng movie.

At ano pinanood nyo?

Australia.

Okay so English ha?

Yun nga e, English, seryoso naman kung bakit tumatawa, konting bagay tawa ng tawa. At ang pangit ng tawa, parang baboy.

Uy sobra na yan. Sa tono mo, galit ka, as in galit ka.

Ang lala, ayokong maalala, as in nakakahiya.

At ano nangyari sa sinehan?

Wala, nag-ubos kami ng pop corn, buttered pa, so nanlalagkit ang mga daliri namin sa butter pagkatapos rinig na rinig ko na sinusubo nya ang kamay at pinapapak or should I say hinihimod ang butter sa daliri niya, hindi ba kababuyan yun?

Hindi naman, mas baboy siguro kung daliri mo ang hinimod niya di ba?

Eeewww!

And then

Sinimot ang softdrinks, hindi nakuntento, ang ingay. Alam mo yun, yung hinihigop kahit naghihingalo na ang straw dahil walang masipsip, parang lata na walang laman, tapos kada limang minuto habit na ata na higupin ang straw e wala na nga

And?

And tinanggal ang takip at nginata ang yellow, nakapanginginig laman ang kababuyan

So may career din sa fear factor ang boyfriend mo?

Hindi ko siya boyfriend,

Ah ok, so nagbaback out ang president ng fan club slash future girlfriend?

Hindi ko sinabi yun, at akalain mo ba namang hawakan niya ang mukha ko

O e ang sweet naman pala, with matching hawak sa face mo

Sweet ba yun? E ramdam ko ang lagkit ng daliri, lekat!

So walang nangyari sa sinehan? Hindi nag attempt?

Nang akbay, nilayo ko nga agad,

Bakit maligkit ang kilikili

Hindi magalas! nakatawas!

What?

Oo, sobrang third world!

Kamalasan ang tawag dun

At ang pabango ha, huling naamoy ko yun sa lolo ko, amoy brute

Meron pa ba nun ngayon?

Meron, siya, yun ang amoy

Baka naman latest brute

Hindi amoy alcohol!

Baka naman hindi brute, baka yung ginagamit sa barberya

Parang ganun.

So pagkatapos? Nagyaya ba? Somewhere?

Gago siya, hindi ako pumayag, una nag dinner kami. Nagulat nga ako, akalain mong nagugutom pa e sinimot niya nga  ang bucket popcorn and large drinks tapos nagyaya pang magdinner.

Saan naman kayo nagdinner?

Sa Fridays

Not bad.

As in bad kamo.

Bakit na naman,

Paglabas pa lang ng sinehan hanggang sa pagbaba sa Fridays nakangiti, parang may hangin sa utak

E bakit nakangiti

Feeling ata artista, feeling sikat. Lahat tinatanguan, lahat nginingitian.

Ay baka pinapansin nga siya ng tao, malay mo nakikilala na siya o feel niya na yun na ang kanyang latest movie

Pinapansin siya malamang sa suot niya

Baka maganda naman ang katawan

Kahit maganda ang katawan niya, sobrang OA pa rin. Hindi mo maintindihan kung punk, emo o probinsiyanong addict sa mga pelikula ni Jorge Estregan. Kamukha naman ni Dick Israel.

Napakaharsh mo naman.

Kulang pa yun. Wala akong adjective na magamit para sa kanya.

So hindi pala match ang astrology nyo, hindi pwedeng magtagpo ang mga planeta nyo

Oo, at maulit pa minsan yun, magkakatotoo ang bigbang theory.

Hindi man lang siya bumawi sa Fridays?

Umorder lang siya ng steak at glass

Glass of water?

Hindi, glass as in 2 glasses. Then dumukot siya sa small bag niya ng 2 energy drink at yun ang pinainom niya sa akin with matching tingin sa mga tao doon, nginingitian niya at tinataas ang drink na parang wine.

Ganun siya kasikat?

Hindi ganun siya kajologs!

Shit, di ko ata kinaya yun?

So anong pinag-usapan niyo?

Wala, puro siya, kwento siya ng buhay niya, ng mga tapings nila, ng mga artistang lalaki na hinahangaan niya. Na nakakasama niya sa gym si Piolo, si Jomari, si Zanjoe at kung sinu-sino pa. Na minsan daw nakainuman niya na si Ronnie Rickets, na nag exchange number na sila ni Joel Lamangan, basta lahat tungkol sa showbiz.

You’ll get used to it I’m sure, dapat supportive ka sa career niya di ba?

Wala akong planong maging stage mother at wala akong planong magkaroon ng boyfriend na so baduy gaya niya.

Then kick him out of your life

Just like what I did

How?

Iniwan ko siya, tinitext ko ang sarili ko at sabi ko sa kanya may emergency ako.

So hinatid ka?

Hindi… dahil may taping daw siya.

Okay na rin yun.

Exactly, wala rin akong planong umangkas ulit sa motor niya.

So paano ka umuwi

Naglakad ako at naghanap ng taxi, nakakahiya nga e

Bakit

Humagulgol ako ng iyak sa taxi

Bakit naman

Napahiya ako e. hiyang -hiya ako

Siya ang nakakahiya hindi ikaw

Basta naramdaman ko na napahiya ako

Kanino?

Sa sarili ko, sa pagmamadali, sa pag-aakalang this is it.

Okay?

Hindi naman ako dating ganito, secured ako at walang pakiaalam, hindi ko alam kung bakit ako napepressure

Sorry

For?

Maybe we’re part of it, baka masyado kang napressure sa pang-iinis namin.

Bakit kasi kayo okay. Sila okay. May mga lovelife, may sexlife, parang ang dali-dali sa inyo. Kila Tess, even kay Rachelle. Pero bakit sa’kin ang ilap ng love, ng boys.

If you’re okay then stay as you are. Wag kang mapressure.  Walang dahilan para magmadali.  At the end of the day, ikaw pa rin ang magjujudge kung masaya ka. Hindi naman sila magseset ng standard ng happinees mo di ba? Ikaw nagset ng standard mo, ng happiness mo.

Exactly. Kaya nga from now on, okay lang come what may. Hindi ako maghahanap. Minsan nga kasi, kakamadali lalong pumapalpak.

Good.

Kung dumating e di okay kung hindi, I’ll wait

Better

Pero paano kung 35 na ko wala pa rin?

Then saka ka magdecide ulit. Ang importante kung ano ang nagpapasaya sayo ngayon.

Ang wish ko lang naman magkaroon ng anak

E di magpaanak ka

Pwede ba yun?

Hindi ko sinasuggest pero may mga ganun,

Pwede sa yo?

Adik

Hindi nga, i mean anak lang, no malice

Nahawa ka na ata sa hangin sa utak ng boyfriend mong jologs e

Mukha namang okay ang genes mo, matalino ka, may itsura ka naman, mayaman ka pa, so pwede mong suportahan ang baby ko  pag walang-wala na ako di ba?

Ano ako baboy?

Hindi, seryoso ako

Hindi ako open sa ganung idea.

Try mo kaya, walang pressure

tantanan mo ko, wag mong ipasa sa kin ang sumpa mo

Sobra ka naman, para anak lang

Kung magsalita ka parang pera lang ang hinihingi mo sa akin ah

O sige, penge na lang ng pera

So wala akong choice di ba?

Seryoso, panget ba ko?

Huh?

Sagutin mo tanong ko?

Nope of course not, magkaiba naman ang pangit sa baduy di ba?

So pag hindi na ko baduy, pwedeng maging tayo?

Hep hep hep, kanina anak lang ang inihingi mo ngayon gusto mo maging tayo.

E kasi kung makatanggi ka parang ang pangit ko

Hindi naman sa ganun, tropa di ba? Bawal yun

Hindi rin naman kita gusto, baka isipin mo type kita. Gusto ko lang malaman kung anong problema.

Actually walang problema. Sabi mo nga napepressure ka lang.

Gusto ko kong maniwala na maganda ako and I really think I am

You are

Hindi lang siguro narerecognize ang beauty ko

Actually baka may nakakarecognize naman, nagkakataon lang na taken sila or naiinsecure sila. Mag make over ka kaya, I mean it in a positive way. Mag update ka lang sa looks mo, masyado ka kasing hmmm conservative.

So papabastos ako?

Hindi naman, yung may konting arte, may .. basta

Parang si Rachelle?

And stop comparing yourself kay Rachelle

Hindi kaya

Napapansin ko lagi siya ang standard mo.

Nababanggit ko lang, maganda kasi siya and maraming boys

Yup pero iba siya, alam mo yan. masyadong madali sa kanya ang lahat. Like mga casuals, mga encounters and i don’t think gusto mo yun

Nope, hindi ako ganun.

Yeah, kasi nga magkaiba kayo. Sabihin na nating she dresses like that for a reason?

For hook ups?

Hmmm siguro. And yung conversation mo ha, medyo magbasa-basa ka, lumabas ka sa cerebral topic. Huwag laging science, not religion, yung normal topic, yung hindi kailangang mag-isip.

Mahirap ata yun,

Masasanay ka rin. Baka kasi nabobore ang mga dinidate mo sa topic mo. Kilala kita, pag nakipag usap ka, enjoy na enjoy ka sa mga theories.

Okay so hindi na lang ako magsasalita.

Wag naman.

Ikaw, sinong dinidate mo ngayon?

Hmmm wala

As in? bakit ano bang status mo ngayon?

Single.

Since

Years na ata.

And okay lang sa’yo

What do you mean

Na single?

Oo naman,

Pero 28 ka na hindi ka ba napepressure

Nope, not at all.

No plans?

Meron actually, ayoko lang maghanap

Lalaki ka so dapat naghahanap ka.

Hindi naman ganun yun, I mean kung may masalubong ako at nagustuhan ko then liligawan ko pero yung hahanapin, hindi na muna.

Okay so ilagay mo na lang sa Friendster shout mo na you are single and looking

Di na kailangan. Minsan kasi hindi nagtatagal yung may effort,mas okay pa yung by chance or by accident

Kaso naman pag chance parang once lang, talagang dapat dilat ka para mapansin mong eto na pala yun.

Basta ako open for relationship pero hindi ako maghahanap, I’m sure darating yun

Okay sige ganito na lang, ako maghahanap para sa’yo.

Bakit sa’kin nauwi to, ikaw ang naghahanap so wag ako ang ipressure mo

E di ako na lang ang ihanap mo

Wala akong talent sa pagmamatch

Subukan mo, wala ka bang kafriendster o kaopisina diyan na pwede

Ano ba hinahanap mo?

Syempre una single walang sabit, ayoko ng may anak

Okay

Then may trabaho, kahit hindi mayamang mayaman basta may trabaho, and yung hindi nakatira sa parents, may sariling pad

Okay naiintindihan ko yung economic status na hinahanap mo

Then matalino

Like?

Marunong maghandle ng conversation

And?

May itsura, hindi naman kapangitan, tsaka maganda katawan

Hmmm alam mo common yang hinahanap mo parang alam ko kung nasan sila

Really? San sila nagtatago? San sila masasaturate?

Sa gym.

So mag gigym ako?

Yup pero ingat ka

Ingat saan?

Basta,

Bakit nga

Kasi yung lalaking may itsura, maganda katawan, matalino at magaling magsalita, may sinasabi sa buhay na nagpupunta sa gym, karamihan sa kanila – bading!

Ganun?

Yup.

Sobra ka naman

Basta warning lang.

So mga future bebe gandang hari ito?

Pwede,

ay parang wa ko type mag ala Carmina, hanap na lang ako ng Zoren.

Good luck.

Okay sige salamat sa payo, consider ka yan

Alin?

na magmake over.

Okay balitaan mo ako

Yup, magugulat ka and you will like me.

Hehehe dream on.

Advertisements

9 comments on “No Overspeeding

  1. by chance or by accident….so rare!!!
    mas ok pa din n wag magmadali pero qng naprepressure kana..go lang ng go…hehehe
    sv nga ni bob ong —–‘Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.’—–
    wheew.. 😛

    blue : yahoo! landian na!

  2. i dont feel any pressure right now! parang sagot ni Jenina….
    mahirap sa mga babes pag medyo lampas na ng 25…pressured talaga….ang mga guys ok lang…sabihin na natin na kahit marami ng mga liberated na filipina…meron pa ring malaking percentage who would rather wait to be courted….ito ang mga pressured babes….
    parekoy, commend ko lang ang writing skills mo….maganda at di mahirap sundan at saka magaan,,,mabilis ang phasing….kudos parekoy.

    blue : salamat. new style for the month of love.

  3. bakit naman kasi indi nyo subukan to go for a relationship hehe…try lang if it would work out. malay nyo naman kayo talaga diba?

    friendly suggestion lang po hehehe.

    bumibisita 🙂

    blue : thanks for the suggestion. i’l visit your blog din 🙂

  4. “Pero paano kung 35 na ko wala pa rin?”

    “Seryoso, panget ba ko?”

    “Bakit kasi kayo okay. Sila okay. May mga lovelife, may sexlife, parang ang dali-dali sa inyo. Kila Tess, even kay Rachelle. Pero bakit sa’kin ang ilap ng love, ng boys.”

    waaaaaaaahhh! ganyang ganyan ung mga tanong ko sa sarili ko now huhuhuh im already 27 n n kc… 😦 bkit until now ala p din huhuhuhu ang ilap tlga ng love sakin wish ko lng pag dumating xa eh deserving xa sa love ko hayzz *sad*

    blue: darating din yan. baka lang nakasarado ang pinto 🙂

  5. Yun nga e, English, seryoso naman kung bakit tumatawa, konting bagay tawa ng tawa. At ang pangit ng tawa, parang baboy.

    Hahaha.

    Hindi, glass as in 2 glasses. Then dumukot siya sa small bag niya ng 2 energy drink at yun ang pinainom niya sa akin with matching tingin sa mga tao doon, nginingitian niya at tinataas ang drink na parang wine.

    EXTRA JOSS ba yan?!

    Ang lakas mang-trip nung ka-date niya. Hahaha, pakaka-subaybayan ko ang kwento mo.

    Bakit kasi kayo okay. Sila okay. May mga lovelife, may sexlife, parang ang dali-dali sa inyo. . .

    . . . Pero paano kung 35 na ko wala pa rin?

    May impact sa akin ang parteng ito, dahil NGSB pa rin ako magpasa-hanggang ngayon (bata pa ako ngayon). Siguro mag-iisip-isip na akong maghanap. Nakakalungkot isipin ang parte na iyan.

    ———-

    Nakakatuwa. Sarap basahin ng blog katulad nito, sana’y makagawa ka ng nobela. KEWL.

    ^_^

    blue : sige i’ll add more. abangan mo!

  6. “Di na kailangan. Minsan kasi hindi nagtatagal yung may effort,mas okay pa yung by chance or by accident” – my fave! 🙂 sana may part 2 ‘to. Galing galing Sir Bernard! Kinilig ako haha 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s