No U Turn

San ka galing?
Kila Melis, she said you never visited her since our fight, kailangan ba talagang madamay ang mga friends natin?

Wala naman akong business sa kanya

Naks, business, corporate pa rin ah. Pwede mo naman siyang dalawin, for old time’s  sake.

Iba na e. I don’t have anything against her naman,

Yun naman pala

Pero hindi niya ko gusto.

Anong hindi?

Wag na nating lokohin ang isa’t-isa, your friends dont like me and thats fine with me. Tumagal naman tayo ng apat na taon di ba

Yun nga e, tumagal tayo ng 4 years and yet hindi mo  masalkyan mga barkada ko

Loving you doesn’t mean loving them. I don’t need to like them… I mean noon, nung tayo pa. … how are you, kamusta ka na?

Hahaha hindi ka pa rin nagbabago, ang bilis mo pa ring magbago ng topic pag natetense ka.

Hindi ako natetense.

Thats why namumula ang tenga mo, sumisinghot ka sa kaliwang ilong at nanginginig ang labi mo, apat na taon yun, imposibleng hindi kita makilala.

Yeah, baka lang kasi nailang ka

Saan sa loving you doesn’t mean loving them? Sa word na loving you, e minahal mo naman talaga ako di ba

Assurance ba yan? I mean unanswered doubts

Gosh, wala akonghang ups, okay  ako. Mere phrase yun. No meaning at all.

Okay. Baka lang kasi sensitive ka sa topic

Of course not. Okay na yun,

So are you happy

Define happiness

Just answer it from your own definition

sa family yes, friends – yes, career – a bit,

and…?

Lovelife?

Yeah

I’m single,

How come?

Hahaha, because I’m single. I’d like to be out of relationship, I miss this, the fresh air, the the freedom, im savoring this independence…

Did I in anyway pressure you?

It’s not about you. It’s my choice.

What happened?

Anong what happened?

Just answer me.

Mr. just answer me, ikaw ba ay may planong maging game show host at until now, yan pa rin ang favorite lines mo…

You know me, I don’t need to explain my side, napag-usapan na natin yan

Look, if it is about you, laging closed na ang topic. Laging dead end. Laging understand you. Pag ako, I need to explain, I need to defend my point.

Wala sa kin yun, alam mo naman na I need answers

Hindi ko alam kung poor comprehension yan or kayabangan, self-righteous ka ata talaga, you think you’re always right and that made me feel less.

I am sorry

Again?

I am sorry

Wow that’s new. You never said that before

I am sorry.

I am okay. I’ve already moved on.

Sa palagay mo ba pwede pang maging tayo?

This day is a surprise. You’re a surprise, ano bang meron  ngayon?

Namiss kita. Narealize ko na namiss kita.

Since?

Ngayon, nung nakita kita. Parang naexcite ako na… hindi ko alam

Namiss din kita. And i am happy seeing changes from you.

So is there a chance to…

No.

Oh… okay

Wag na, wag na kasi. Magkaibigan na lang tayo. Magkaibigan na tayo. Ganun na lang. ayoko ng magkasakitan tayo.

I am very sure that I love you.

Its not enough, hindi ganun kadali yun. Now that I found my self, now that I already gathered all the broken pieces, now that I’m whole again, I started to love myself,  more than you love me or more than anybody can love me.

I am really, really sorry for making you feel that, believe me, I didn’t mean to hurt you.

Again it’s okay. I allowed it and this time I don’t think I will allow it.

Trust me.

Its not easy. Let’s be friends. That’s all I can give.

But I can’t be true to myself, alam ko na pag tinanggap ko ang friendship mo,  I will still be longing for you…

Then I am sorry. Thanks for the tea, I guess I need to go.

.

Advertisements

14 comments on “No U Turn

  1. “Look, if it is about you, laging closed na ang topic. Laging dead end. Laging understand you. Pag ako, I need to explain, I need to defend my point.

    Wala sa kin yun, alam mo naman na I need answer”

    —sumhow nakarelate ako..

    blue : sad. e di as early as now sabihin mo na sa kanya. kesa tuluyang mag dead end kayo. 😉

  2. part ng moving-on talaga ang kung maari wag munang balikan ang nakaraan…yun bang hoping ka pa rin…sa puntong ito dapat talaga tuldukan ang dapat na tatapusin, nang sa gayon makita mo ang katotohanan sa isang relasyon tulad nito…

    believe talaga ako sa writing style mo….
    and yes! dami na nating blue people dito…thats great! sana magkaroon tayo ng eb….tayong mga BLUE…
    KAYA LANG LAYO KO …nasa Rome ako.

    blue : yup gandang idea. pagbalik mo na lang siguro sa Pinas!

  3. hi!! napadaan lang.

    Meron kasi tayong tinatawag na second chance. Siguro marami tayong mga napagdaang mga bagay na kung saan ay dina pwedeng ibalik. Pero kung talagang nagmamahalan kayo ay pwedeng konsedera ito. Sa pagbabalik ng relationship nyo mas magiging better person kayo sa isat-isa. Alam nyo na kung ano ang ayaw ng bawat isa sa inyo. Sa isang relation meron tayong tinatawag na break. Ito ay nawawala ng ang relation nyo, but then isa rin itong paraan para magisip tyo kung ano nga ba ang kulang at kung ano nga ba ang pagkakamali ng bawat isa. Pero ang pinakamahirap eh yung isa ay naka move one na. Kaya dapat ang isa ay dapat na ring mag move on kahit mahirap. Yan ang katotohanan na buhay ng tao. Pero sa pagkakaroon mo ng panibagong relation ay may napulot kang aral sa nauna mong karelasyon..

    Ahrens

    blue : tama, treasure the lesson ika nga.

  4. cute naman ng story mo.. para kang si lola basyang.e kaw pag mahal mo pa rin ex u babalikan u pa ba? ok.. let’s assume na mahal ka p din nya..babalikan u pa ba? e pano naman kung di ka n nya mhal? tutuldukan mo na b nang tuluyan? o susubukan mo pa rin?

    haizt… bluer than blue… after you go…

    blue: kung mahal pa rin niya ako? of course! no doubt. no need to explain, i will not ask for any explanation. Mahalaga were together – again 😉

  5. ganun talaga cguro yun noh….kahit love mo pa rin ang person …kapag nasira na’ng trust..matatakot ka nang ibigay ang buo mong pagkatao…awwwwwwwwww…. nka relate much ako dun sa gurl!

  6. Awts nman…mejo malungkot tong isa nato. Anyways, ang mahalaga eh nasumpungan mu ulit ung sarili mo after d.break up.. Marami kasi jan hindi na… Niahaha! Ü

    Salamat sa mga blog mu. Kaaliw kahit senti mode. 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s