Soon To Rise

Kelan ka pa dumating?

Anong kelan ka pa dumating? ikaw ang kelan pa dumating, nagkita-kita na kami, hindi ka macontact

Nasa Pilipinas ako, ikaw, anong nagtulak sa’yo at nagbakasyon ka dito sa’tin. Hows US?

Ayun, itim na ang presidente, e dito ba?

Ayun hindi na lumaki ang presidente

Sobra ka naman, love your own

Utot mo. Hindi na rin.

Ang baho naman ng expression mo. Sino na ba papalit?

Okay, sabhin na lang nating hindi na napalitan ang presidente. Labanang black and pink ata dito

Black and pink? Ano yun, mala Obama and Hillary, sino?

Si Binay at si Bayani

Ay color coding pala ang election. Sino naman ang iboboto mo

Never pa kong bumoto.

Ganun, so wala kang karapatang magreklamo

Kelan naman ako nagreklamo?

Alam mo ang laki ng pinagbago mo, kami nga ‘tong nag abroad, lalong napamahal sa Pilipinas samantalang ikaw ‘tong dating aktibista, ngayon kinain ka na ng corporate world

Hindi naman sa kinain na ko, sabihin na nating hindi ko priority. Medyo nag-iba na ang mga bagay na vinavalue ko.

Okay, so ano na nga ang bago dito?

Kumakanta na si Gabby Concepcion

May career sa singing?

Nakutuban nya atang magkaka-crisis sa US so huminto sa real estate and now pursuing his singing career?

may market naman siya dito?

Hmmm bahagya. Si pokwang nga may album na

Uy, so improving naman pala ang Pinas, talagang hindi na tumitingin sa outside beauty

Character. I guess para magsurvive kailangan character ka dito. Kilala mo si Pokwang?

Oo naman, sikat naman ang TFC dun

Don’t tell me manonood ka rin sa ABS ng wowowee

Uy indi naman.Hindi ko na kailangan mag tour dun kahit kasama sa tour package ang wowowee. San ka nga pala nung weekend

Baguio

May flower festival daw a,

Panagbenga

Talaga, ganda ba?

Work related so hindi ako nakaikot. Hindi ko rin naenjoy

Sus naman, andun ka na e

sobrang traffic, naglakad nga lang kami. Punong-puno ng tao

E ano lang ginawa mo

Nagkulong sa kwarto at nanood ng tv. Nung medyo busy ang lahat saka ako bumaba at naghanap ng masisiksikan.

Nakita mo naman ang float parade?

Yup, yung likod nila. Nasa second floor kami. Nagbreakfast sa Venice para makadungaw, yun pala likod rin lang ni Kim Chiu at Gerald Anderson makikita namin. Pero actually maganda naman ang mga float. Very colorful

Yan ang  namimiss ko nung nasa Amerika ako.

Anong bago sa baguio?

Its different now, hindi na siya masyadong malamig, andaming tao, wala ka ng masiksikan.

How about shopping?

Syempre, nakabili ako  ng Giordano Pants, Bossini at isa pang pantalon for only P650

Check mo yung bulsa, minsan daw may dollar pa na kasama

Wala, nacheck ko na. Syempre sa paghahanap ng mga pants, bulsa agad ang dinudukot ko

Madalas ba meron?

Oo pero one time alam mo kung anong nakuha ko?

Ano?

Used condom!

Oh My God! Really?

Oo!

Kaya ayoko mamili sa Ukay. Feeling ko mumultuhin ako ng may-ari

Hindi naman siguro. Takot niya lang magawi sa Pilipinas.

Ano ng bago sa’yo?

Nothing much. Happy naman

Mukha nga. Medyo tumaba ka, nagkalaman unlike before.

Nagmukha na bang tao?

Actually.

Ikaw, bakit ka umuwi?

I’m getting married

What?

Hehehe nagulat ka no?

Hindi nga

Yup. Look at my ring

Ganda ah, mukhang mahal yan

Yeah, nakapatid ng mayaman

Amerikano?

Nope, Pinoy businessman. Nameet ko sa dun

Tignan mo nga naman no, umalis ka ng bansa and yet pinoy pa rin nag makakatagpo mo, Mamimeet ba namin siya?

Nameet na nila, ikaw kasi wala ka.

That’s why,

What?

You look happy

And contented. Ganun pala yun, yung mga gusto ko dati, unti-unti napapalitan. Nagbabago,

Like?

Dati gusto ko,  gwapo, mayaman, matalino, maraming sasakyan, yun bang maiikot ko ang  mundo

Hahaha, naalala ko yan. Panay nga ang drawing mo sa notebook mo ng castle. Ng gown na isusuot mo. Pati detalye ng kasal, mula sa bulaklak, reception, number of guests, noon pa nakaplano na.

Actually, simple wedding lang but still andun pa rin naman yung mga ilan sa gusto ko. Like lahat ng guest nakajeans dapat, white and pink flowers,

So ano ang nagbago?

Yung choice sa guy

O, bakit naman

He’s cute pero hindi yung tall dark and handsome.

Kung happy ka naman e

Yup, I am.

Excited?

Ngayon busy pa sa preparation. Ninanamnam ko pa. actually mas busy pa ko sa mga errands after ng wedding. Yung bahay na titirhan, gaano karaming rooms, kung kukuha kami ng yaya

Talagang til now, organize na organize ka.

Kailangan. Ikaw ba?

Kung organize na ko? Free spirit pa rin. Buhay binata.

Pag lalaki ata talaga hindi napepressure ano.

Wala naman sa gender yan. Wag ka lang mapressure.

Or baka naman iba na gusto mo? Don’t tell me ibang putahe na tinitikman mo

Hahaha, mala bebe?

Sinong bebe?

Dun ka nahuli, si Rustom aka bebe gandanghari

Bebe Gandanghari? Ay, yun pala yun. Hindi ako makarelate sa kwentuhan the other day. So nagchange na siya ng preference

Finally hehehe

So sino ka na

Loko! Bakit yun ba pinag uusapan nyo nung wala ako.

O well, ganun talaga, wala ka so ikaw ang topic.

Im happy and contented, tulad mo. It doesn’t mean rin na pag single ka ngayon e bading ka na.

Of course joke lang yun, ano ba, Luna.

Luna?

Hahaha binigyan ka na kasi nila ng nickname. Ikaw daw si Luna.

Bakit daw Luna

Luna Gandanggabi

Gago.

Hehehe ngayon ko lang naintindihan kung bakit Luna Gandang gabi tawag syo, dahil pala yun kay Bebe Gandang hari.

E bakit daw Luna?

Night person ka kasi. Till now pala

Yup, kaya nga hirap ako sa work. Buti pa dati na freelance ako, hindi pressured pumasok ng maaga.

Kinasal na pala si Tess

Ha?

Umattend ka pa nga daw

Yup.

Galing mo, nakaya mo.

Of course. Best friend ko yun

Balita ko pinasakit mo ulo ng barkada ng bigla kang mawala at maghybernate ng 2 years. So pano ka nagcope up

Unbelievable. Actually hindi ko rin alam. Hindi ko na nga naaalala yun.

Sorry ha, nacurious lang.

Oo nga, 5 years na rin pala yun.

Time flies. love mo pa rin ba siya

Hindi na

Ha? Ang bilis ng sagot ah

Ibig kong sabihin, wala na yung ganung feelings, nagbago na talaga. Nawawala rin pala yun.

Kahit makita mo siya ngayon?

oo.

hindi ka maiilang?

Hindi na, im sure happy siya and happy rin ako. Wala na nga akong balita sa kanya.

Okay. I’m meeting them actually, second batch. Tomorrow sa Greenbelt.

Sino?

Yung orgmates ko nung college. Darating si Mike, isasama nya ata si Tess. Open invitation. Kung gusto mong makiupdate sama ka. Kung at ease ka na.

Sure. Sige. Punta ako.

Yes! Thanks.

Don’t worry. Nakapagmove on na tayo lahat. Matagal na rin yun. Our friendships deserve another chance.

Eto na ata ang pinakamaaga and I guess best gift sa wedding ko.

Cool. So wala na akong gift sa’yo ha, naadvance ko na.

Ay naku, kuripot ka pa rin.

hahaha

Advertisements

5 comments on “Soon To Rise

  1. nice… ewan ko kung ym ba to… pero parang kamustahan ng long lost friend… so, si tess at si tess.. ahehe…

    rehas tayo.. never pa akong bumuto, ni di nga ako rehistrado eh.. ahehe…

    advice for luna gandanghari: lablyp for us.. joke.. cheers;p-glesy the great

    blue: hi gleysi hehehe wassup. salamat sa pagdaan.

  2. parang meron na akong narinig na ganyang palitan ng chikahan… tunay na tao ang istorya 😀

    blue: may ilan nga na totoo, may ilang hawig sa totoong istorya, pero ang mahalaga, ang mensaheng ipinararating – mas totoo.

  3. hahah.. kala ko kung anong soon to rise… kala ko papatayo ka na ng sarili mong condo.. heheheh.

    ang kulit ng usapan pero may dating at may kapupulutan 🙂

    blue : hehehe thanks. wala pa kong pampatayo ng condo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s