Ang Buhay sa Hardin

Nag-iisa ang hardinero, sa mahaba-habang panahon na pag-uukol niya ng oras at lakas sa mga tanim, natutunan na niyang pakisamahan at ituring itong pamilya. Sa gayon, hindi na niya nararamdaman ang pangungulila.

Sino nga ba ang mangungulila sa kaabalahan niya sa loob ng hardin.

May oras ng pagtatanim, ng pagpupunla.

Kinakailangan niya ring mangahoy upang gawing tukod sa lumalagong halaman at puno.

May panahon ng pagpapataba.

Hindi nakaiinip ang paghihintay sa pamumunga sapagkat masaya niyang pinagmamasdan at hanggang ngayo’y nagdudulot pa rin ng pagkamangha ang mga uod na nagiging paruparo, ang pamumulaklak at pagbunga.

May panahon ng pagpitas

Pagtikim ng prutas at muling pagtatanim.

Hindi nakabibingi ang kanyang pag-iisa. Sinasaliwan siya ng indayog ng mga sanga sa pumipitong mga hangin. Ang pagsasalitan ng kulay ng mga bulaklak na namumukadkad sa ika-sampu ng umaga o kaya ikatlo at ikaapat ng hapon o paghalimuyak sa pagsapit ng gabi.

Siya man ang nag-iisang tao na naglalaan ng oras at abala sa buong hardin, madalas siya ang bisitang dahilan ng pagkaabala ng mga puno’t halaman upang siya’y aliwin.

Sa batis niya nasilip ang sarili. Inilarawan siya ng tubig at inihayag nito ang puti niyang buhok. Nangiti siya, ang lahat ng ito ay hindi niya namalayan sa mahabang panahong pamamalagi – o sa pagkamangha sa hardin.

(Bahagi ng mga Kwentong naisulat ko na sa Mga Kwento sa Hardin)

Advertisements

7 comments on “Ang Buhay sa Hardin

  1. wow! kaka touch naman ‘tong gardener na ‘to no? talagang sa garden niya na binuhos ang kanyang life! magkaganun pa man, for sure gusto niya at mahal niya ang ginagawa niya!

    blue : yup, isa itong mahaba at iba’t-ibang kwento ng buhay sa hardin.

  2. hmmm..parang layf story ko ito…di nga lang maputi ang buhok ko….salamat for this inspiring piece…

    ang nawawalang kapatid mo sa blog!

    bluguy ….

    koya ikaw ba yan? tagal kitang hinanap ah…..heehhehehehehhe

    blue: hehehe pwede!

  3. Pingback: Free Flowing Whatever Ideas | Ax Realm

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s