Loading Zone

So, you’re here

Hi, kala ko hindi mo na ko papansinin

Pwede ba yun?

You look great, see? You look great even without me

Hahahaha so talagang kailangang simulan sa past?

Of course, theres no better way to start than to where we ended

Really? And you’re assuming that everything has ended?

Huh?

Just kidding. Kinabahan ka naman bigla.

Ikaw talaga

Mabait ba siya?

Sino?

Yung pinili mo over me

Nakamove on ka na nga, kaya  mo ng magpacute ulit e

Oo naman. Seriously yes

Sorry…                                                                                                                                                                      sorry…

Hahaha sabay pa tayo

Go ahead

Namiss kita, nagtext ako, actually nag email ako, tumawag pero talagang out of reach ka na.

Nakatulong naman yun. Yung pag detached ko

Thanks sa lahat, for understanding, sa pag attend sa kasal, and sorry talaga kung nasaktan ka. Napaka insensitive ko, sana hindi na lang kita ininvite sa wedding.

Sus, okay lang yun, syempre promise ko yun.

Kahit masakit sa’yo

I just want to save the friendship

So ako naman ang may utang.

Utang?

Ako ang mag aasikaso ng wedding mo di ba? So kelan ko mafufulfill yun?

Naku mukhang habambuhay ka may utang sa kin

Bakit, hindi ka na mag-aasawa?

Di ba, sa isang tao ka lang pwedeng ikasal

Huh?

Namumula ka. Joke yun. Wala pa kong planong mag-asawa. I’m enjoying my life.

Mukha nga. Naggoglow ka. Mukhang hindi ka naiistress

Clean living na ko. Walang alcohol, bawal ang yosi at puyat.

And gym?

Yup.

Thats why…. Ang dami mo ng utang sa inaanak mo

Oo nga e, bawi ako.

Uy wala pa syang college educational plan

Hahaha talagang ready ang sagot mo, mukhang alam mong darating ako at naniningil ka na

Hindi naman. Balita ko mayaman ka na.

Medyo, hahahaha think positive di ba

Yeah. Dalaw ka naman minsan sa house

Sure sige. Okay ba si Mike?

Yup, very hands on. Nakakainis lang minsan, by the book

Talaga, buti naman, atleast naaalagaan kayo

Yup, very caring. Family oriented talaga sila. Actually mabubuhay ang pamilya ko kahit wala ako.

Sobra ka naman, syempre ganyan sya because of you. Dapat lang na alagaan ka niya kung hindi masasaktan siya sa kin

Hehehe talagang bestfriend kita

Oo naman, hindi na magbabago yun

Sobrang blessed ako sa kanya at sa’yo

I am happy for you. I guess okay na rin na nangyari yun, mas nagmature ako. Mas nakilala ko sarili ko. Mas gumanda tingin ko sa mundo

Thats good. Sobrang namiss kita.

Pahug nga.

I miss you

Ikaw rin. Sobrang namiss kita.

So kelan ka nga mag-aasawa

Saka na, enjoy ba may asawa? Mukhang hindi ata bagay sa kin. Di ata ako family man

Paano mo naman malalaman kung hindi mo susubukan

Hahaha, hindi naman pwedeng pagpraktisan ang pag-aasawa

Hindi naman yun, I mean, mag girlfriend ka ulit

Hindi ako bagay dyan. Narealize ko na mas okay akong kaibigan. Parang mas nag eenjoy ako ngayon ng ganito.

Honestly, curious lang ako. San ka pumunta? San ka nagpahinga.

Wag na siguro. Para kung sakaling gusto kong magtago, hindi niyo ko mahahanap

Weird ka talaga

After that wedding, hindi ko alam ang gagawin ko, bigla akong nawalan ng focus. Parang nawala lahat, para akong bata na hindi ko alam kung saan ako magsisimula kaya yun, napadpad ako sa isang place na walang nakakaalam at walang nakakakilala sa’kin. Masarap pala yun. Maging mag-isa. Magsimula at bumuo ng pagkatao.

You tried to forget everything?

Yes. Even myself. Nag experiment ako

Anong result?

A new me.

Hindi na kita kukulitin. Kung anuman ang prosesong dinaanan mo, kung saan ka man pumunta nun, ang importante okay ka na. You had a successful lifelifting.

Thank you. Bonus na ‘to. I prayed that may God bring back my life, my focus, pero hindi lang yun ang ginawa niya, he gave you back to me, now were friends again.

Yeah, ganun ata talaga, we just need to wait.

After the healing.

So tara, lets join them, mukhang nagkakasiyahan na sila sa loob.

Advertisements

5 comments on “Loading Zone

  1. ganda…ganda…ganda….hmmm…mystery of life….of friendship and of love….salamat sa post na ito,,,,,,

    blue : hi blu, walang anuman. may mga karugtong yan, soon ipopost ko.

  2. Nakakainggit. Friends sila ng ex niya. After the healing. Eh pano kung hindi na mag-heal?

    Blue : e di okay, wala ka ng susuportahan hahahaha

  3. astig..
    it made me think of my future..
    kung sa muli nming pgkkita ng great love ko eh gnyan din.. i tried to save our friendship, kaso cgro.. gaya ng sa kwento n to, pnhon nlng din mkkpagsbi kung anu mangyyri…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s