Radio Experience

1999 nang una akong makapasok sa isang radio station. Eto ay sa Angel Radio 1026.  Ang nag interview sa amin ay si Ms. Janette Toral, kilalang kilala ngayon sa blogworld. Ang programa niya ay Usapang Youth. Tinalakay rito ang mga programa ng aming organisasyon na Samahan ng mga Tagapagpalaganap ng Edukasyon sa Pagpapahalaga (STEP) sa Philippine Normal Univeristy. Narito ang aming kuha. Syempre mukha pa kaming yagit sa mga kuhang yan.

26300585748370l1

Makalipas ang sampung taon, nagbalik ako sa radio station na ito. Subalit ngayon ay hindi na siya Angel Radio kundi Sonshine radio. Nabili na ito ni Pastor Apollo Quiboloy. Isang YM message ang nakuha isang umaga mula kay Hannah upang ipaalam kung maaaring gamitin ang aking maikling kwentong pambata sa kanilang programa. Nakita raw nila ang blog ko sa kanilang paghahanap ng mga kwentong pambata. Ang programa  niya ay Batang Radyo, Batang May “K”

batang-radyo2

Mapapakinggan ang programa araw-araw, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 3:00PM at Sabado, 4:00 – 5:00 PM. Tinatalakay sa programang ito ang mga bagay na nakakaimpluwensiya sa mga bata; moralidad at gawaing nakapagpapaunlad sa kanila. Ang host ng programa ay sina Hannah Sancho, Chit Soriano at Rose Gastilo. Napili nila ang kwento kong Sakripisyo, upang ipakinig at gamitin bilang paksa ng araw na iyon. Syempre, pinayagan ko naman. Kakaiba at nakatutuwang karanasan ang araw na iyon. Siya nga pala, kung gusto niyong mapakinggan kung paano nila inirecord ang kwento, pindutin ang audio sa ibaba:

Kung nais nyong puntahan ang website ng  Sonshine Radio, pindutin ang logo sa ibaba:

sonshine1

Advertisements

2 comments on “Radio Experience

  1. Oh wow. Memory lane ito. Salamat sa pag-share! Halos wala akong litrato ng panahong yan. Sana magkita tayo ulit soon!

    blue : yup, kakamiss. sige sa susunod na mga event ng digital filipino, punta ko! 🙂

  2. Dati po may 30-minute on-air program ako sa Radyo ng Bayan sa Lucena City. Para po yun sa lahat ng mga program and actvities ng Girl Scout.Masaya din kasi akalain mo un, nagmala-Korina Sanchez ako dun….hehhehehehhe

    blue:naks, namimigay ka rin ng tsinelas hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s