Warning! Accident Prone Area

anong una mong ginagawa paggising?

tumitingin sa cellphone.

hindi sa relos?

actually, yung cellphone ko, yun na rin ang alarm.

Ang weird no, parang we can’t live without it na.

Galing kasi e, lahat nasa cellphone mo na.

Hindi ka ba naiinis minsan na parang nakatali ka na sa phone mo, yun bang pag-umalis ka at naiwan mo ‘to, hindi ka mapakali.

Oo nga, tatawag ka pa sa bahay kung naiwan mo nga. Or kinakabahan ka na baka may missed kang message. Parang wala ka ng karapatang madisconnect sa mundo.

Connecting people nga daw di ba?

Pero anong option ko? may choice ba tayo kung ayaw nating sagutin o itext, para kasing wala kang respeto pag hindi ka man lang nagreply.

Kasi nga, this object is telling us that we dont have reasons to be disconnected. Napakamura ng pagsend at ng pagtawag.

Ako, sa umaga, hindi ko binabasa ang phone ko hangga’t wala ako sa opisina. Work lang naman kasi ang marereceive ko so better answer it pag nasa office na ako.

Weird ka kasi, you always insist freedom. Para bang lagi mong pinoprotektahan ang sarili mo, ang space bubble mo.

I just want to enjoy life, every inch of it, every second

bakit?

its rare.

Here we go again.

Tuwing gigising ako iniisip ko na isa ito sa mga huling sandali ko, na any moment pwedeng mawala kaya i should treasure it

hindi ba napakasuperficial nun, parang lahat scripted

actually no, mas nag eenjoy ako, mas nauunawaan ko lahat, hindi ko sinasayang ang sandali para magalit o mainis.

or hindi ba you’re actually ending your life, remember the law of attraction?

what do you mean?

you’re inviting death.

so? will gonna die anyway.

hindi na kasi natural, feeling ko you’re not living according to nature

I am.  Its understanding nature, in fact its submitting myself  to what is life all about.

so talagang masaya ka dyan?

yup. everything is planned, my life is orchestrated with  nature.

Hindi ko alam kung maiinggit ako sa’yo dahil sa kakaibang trip mo or matutuwa na ako sa buhay ko dahil kahit mababaw lang ako, hindi siya kumplikado. Though im not telling na kumplikado ka, sabi mo nga okay ka na dyan. Medyo kumplikado lang sa akin, hindi ko kasi macomprehend.

okay lang i understand.

pero in fairness, mukha ngang masaya ka at peaceful.

security and peace, importante sa atin yun. Kaya may nababaliw dahil wala nun.

Pero bakit ikaw, merong peace and security pero para sa akin isa kang baliw.

salamat.

adik ka talaga. Ano susuportahan mo ba si Ning

Saan?

sa pageant

pageant?

hindi mo ba alam, sumali siya sa beauty contest

what!?

Oo, part daw ng kanyang change image. Ikaw kasi, alam mo namang nakikinig sa’yo yun.

E sabi ko mag change image pero hindi ko sinabing magpabastos at magamit for commercialization

naks lalim nun ah, may opinion agad?

gago. e kung mabastos siya dun. alam mo namang napaka gullible  nun. Baka mamaya maniwala yun sa mga tao dun or sa mga judges na magtetake advantage.

May mag take advantage kaya. Alam mo namang napaka manang nun. Hindi mapapansin yun, hayaan mo na lang.

e kung matrauma nga. Kung umasa.

I think kailangan niya rin ng ganyan para matuto siya, hindi lahat ng tao mabait at hindi lahat ng tao gaya natin.

hahaha. kailangan ba nating ipain siya sa sarili niya. alam mo namang napaka-naive niya

kailangan niya yan and besides decision niya yan. Para wala siyang sisihin balang araw. Gusto niya e. ano matetake mo manood.

kelan ba yun?

1 month from now.

at natanggap siya sa initial screening?

sadly yes.

okay good luck naman, sana ay nasa tama siyang daan.

who knows?

karugtong ng No Overspeeding

Advertisements

9 comments on “Warning! Accident Prone Area

  1. hmmmm..trivialities and decisions…..wants and desires…..simple and complicated…..kahit minsan gusto natin ang mga bagay na payak….kinain na rin tayo ng sistema ng mundo na mabilis magbago….sino ba ang makakapigil sa mga global na pagbabago sa ating soceidad at sa sarili?

    blue: i guess darating talaga ang pagbabago pero ang kaligayahan, lagi pa ring matatagpuan sa mga pinakapayak na bagay at pangyayari. 🙂

  2. sa tingin ko ay necessity na talaga ang cellphone kumbaga ay para na din siyang pagkain at tubig. we can’t live without it. ewan ko pero feeling ko ganoon pero alam mo nawalan ako ng cellphone for 2 weeks so i guess kakayanin ko kahit alang cp!! anong konek? hayz!

    blue : ay, ang hirap nga, mawalan nga lang ng signal nakakainis na di ba, pano pa kaya pag phone ang nawala.

  3. napaka hirap pong umalis ng bahay pag wlang dalang fon….can’t live without my fon sa totoo lang….ayun po!!!

    blue :oo nga lalo na sa work. kailangan talaga.

  4. ako. talagang importante lang ang cellphone sakin if i have to connect with someone I love. i can basically live without it if i have a choice.

    blue : you always have a choice. you can choose to text only the one you love. hehehe

  5. so sad. kailangang-kailangan na talaga ang cel sa pang araw-araw na buhay ng tao. pero dahil nasira na ang cel ko at wala naman akong pambili dahil wala akong work eh… wala nang nakakakontak sakin.

    blue : frist things first, kailangan mo ng work so look for a job muna, then everything else follows. 🙂

  6. hmm.. i’m way different. i can’t live w/o my ipod. kaya sabi ako ng sabi na okay lang mawala ang cp ko, wag lang ipod ko.. ngeeekk! 😀

    blue: wow music lover. ako ipod shuffle lang nawala pa.

  7. wag lang kalimutan ang kaibahan ng “wants and needs” 🙂

    blue : yup. sa cellphone usually, kung need lang, no particular handset pero pag wants, ayun na. pinipili ang mas mahal, mas maraming feature, mas bago.

  8. hakhak! hindi naman ako adik sa cellphone. pero uu alarm ko siya. hakhak! pero kahit isang week akong walang phone kaya yan!

    everything is planned, my life is orchestrated with nature.

    galing ng banat na ito… love it!

    blue : thanks thanks. sige, simulan mo ng itago muna ang phone mo for 1 week. deal?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s