Do Not Disturb : Self Distructing

Ano naman ang naisip mo at sasali ka sa pageant na yun

For a change

For a change?

Yup. Sabi ko naman sa’yo di ba, magmemake over ako.

Oo  nga, magmemake over ka, pero anong kinalaman nun sa pagsali mo sa pageant na yun

Para mas machallenge ako, para may goal ako.

Seryoso ka ba?

Oo nga, ano bang big deal dun

Alam mo ba pinapasok mo, paano kung maabuse ka dun?

Haller? Ang OA mo, am not after for the win, im joining for the experience

Experience?

Yung challenges, yung exposure, yung grace under pressure, lahat yun. Gusto ko lang naman maiba mundo ko

Or gusto mong mapansin?

Masama ba kung gusto kong maapreciate ako, kung magseek ako ng attention, kung gustuhin ko mawiden ang circle ko

Wala, hindi naman yun ang point

So anong point mo?

Natatakot lang ako para sa’yo. Drastic change kasi. Its not you. Manang na manang ka nga e

Oo nga, baduy nga ako pero gusto kong madevelop,

Okay, okay sige basta be sure na careful ka. Marami na kasi akong nabalitaan dyan, alam mo na, yung mga judges, organizers, maraming loko-loko dyan.

Thanks pero alam ko yun. Mag-iingat ako.

Kasi kung venue lang naman and exposure bakit indi na lang sa Friendster?

Friendster?

Oo, dun ka magchange ng image. Simulan mo sa lay-out, sa mga pictures, sa mga topic mo sa blog o kaya magfacebook ka para in ka.

Ayoko dun. Dami ng kumalat na picture sa internet dahil dun. Ang daming maepal, nakikialam ng mga pictures.

Bakit may experience ka na ganun?

Wala pero nakakareceive ako ng mga forwarded mails, grabe napakaharsh, kawawa naman sila, nagiging victim, pinagtatawanan na

E di wag kang maglagay ng picture na katawa-tawa

Malay ko ba kung nakakatawa ang mga picture ko, minsan e iniedit lang naman kasi nila

Sa bagay, nakakapagod na rin ano? Ang daming social network, Friendster, facebook, multiply, myspace, ang hirap i-maintain.

Kaya nga ako dalawa na lang, facebook and friendster

Ang hilig natin sa social network

Sabihin mo, ang hilig nating magpapansin.

Hindi naman siguro, personality kasi talaga natin yun, napaka nosy natin, inaalam natin ang update sa buhay ng may buhay; kung anong bago,

Sobra na ngang kumakain ng oras, isipin mo na lang sa opisina, kahit nakafirewall, nahahanapan pa rin ng paraan para makaaccess, ganun tayo kaadik.

Oo nga, pati youtube, sobrang pinasok na tin, lahat  ng batang pinoy na gustong sumikat ayun, nakahanap ng venue. Naghihintay na madiscover ni FalseVoice.

Sino yun?

Yung nag upload ng mga videos ni charice

Ah ok. Hehehe

So makikita kita sa susunod, nasa youtube na

Hehehe pag nanalo at sumikat

Pwede ring pagnakagawa ka ng kakaibang bagay

Like?

Like pagnatapilok sa stage, oo nga no, dun ka na lang magpapansin, karirin mo na para media hype.

Yoko nga

Magpapansin ka sa interview

Ay naku, pagnakapasok ako sa top 10, im sure panalo na ko sa question and answer

Oo naman, matalino ka, everybody knows that, yun e kung makakapasok ka

You think, maliit ang chance ko sa top 10

Hindi naman, lets just say usually ang nakakapsok dyan ay may unique feature, unique ang itsura, kung hindi sobra laki ng boobs e may foreign blood

E kung magpalagay ako ng bangs?

Naku wag na wag mong gagawin yan

Magpakulay ng buhok?

Medyo artifical, tsaka di ba foreigners mga judge dyan, appealing sa kanila ang black hair

Anong gimik ko? Bulaklak kaya sa tenga ko?

E kung magpanggap kang bingi?

Loko

Oo nga, try mo tapos ang talent mo singing na sumasabay sa music with matching interpretative dance.

Adik ka,

Seryoso.

E kung mabuko na hindi ako bingi

Hahahaha, at talagang pinapatulan mo ang idea ko?

Gago ka kasi

No, ang sinasabi ko lang, dapat unique, yung mapag-uusapan ka

E kung gawin kong evening gown ang flag ng Philippines

Siraulo, magagalit ang NCCA, kung gusto mo, nakagown ka sabay hubad, tapos nakabody paint ka, o di ba artistic

Hindi nga?

Kaya mo kayang gawin yun?

Interesting.

Really?

Bakit hindi? with advocacy yun – self expression, artistic expression ng hindi ka nagmumukhang bastos di ba

Why not?

Basta punta kayo ha, suportahan nyo ko

Oo naman, kahit may ticket pa, kung bentahan nga lang yan ng ticket magbebenta kami o kaya text vote

Wag naman, mahina tsansa ko dyan

Iboboto ka namin

Kayo, kaso maliit ang angkan ko, wala ng ibang boboto sa kin.

Sa bagay, hindi fair yun, popularity contest lang, e ano nga palang talent mo

Wala pa nga e, kung mag joke na lang kaya ako

Joke?

Oo parang stand up comedienne

Unique yun kaso hindi ka naman nakakatawa e

Try lang, bago yun di ba, baka mapansin ako

At ano naman i jojoke mo

Old joke

Sige nga, sample

Paano mo ipapasok ang elepante sa loob ng refrigerator mo, dapat 3 steps lang

Hmmm paano?

First open the door, second ipasok mo ang elepante third isarado mo pinto

Not funny

O sige, paano mo ipapasok ang giraffe sa refrigerator, 4 steps naman

Puputulin mo ang ulo kasi malaki, bubuksan ang pinto, ipapasok ang giraffe at isasara

Hindi

Pano?

bubuksan mo ang pinto, ilalabas ang elepante, ipapasok ang giraffe at saka isasara ang pinto

talo ka na pag yan ang joke mo

o eto, halimbawa nasa eroplano ka, dala mo lahat ng gamit mo dahil lilipat ka na sa malayong lugar, lets say province mo then gumewang gewang ang eroplano, nagsabi ang pilot na magka crash na ang eroplano, kailangan may maisakripisyo, ano ang gagawin mo

itutulak ko ang katabi ko

magaan lang kaya yung katabi mo

e di lahat sila, pagsisipain ko palabas

merong mas madali

ano?

Ihagis mo ang isa sa mga gamit mo, particularly ang refrigerator! Di ba andun yung giraffe?

Gago!

O di ba funny

Hindi rin, baka pagtulakan ka nila palabas ng stage pag yan ang joke mo

O eto, mahilig kang magsolve ng crime di ba?

Okay sige

May magkasintahan, nasa park, nagsabi yung babae na gusto nya ng ice cream, si lalaki naman bumili agad, iniwan si babae. Pagbalik ng lalaki, patay na si babae. Bakit namatay si babae?

Naheat stroke?

Nope

Hinold up, malamang sa Luneta nangyari yan

Hindi rin

E ano

Nabagsakan ng Refrigerator!

Boooo booo!

Booo ka dyan e napapangiti ka.

Hindi kaya.

Ako may bago, yung joke mo kasi pang iskul bukol e, sa’kin pang bulagaan

Sige nga

Hinabol si Erap, Ramos at Cory ng Abu Sayyaf, sa pagtakbo nila, nakakita sila ng tatlong sako, pumasok sila sa mga sako

Tapos

Yung una si Cory, sinipa sipa ng mga terorista, sabi ni Cory ‘meow’, ‘meow’ so tinigilan ng abu sayyaf kasi napagkamalang pusa

Then

Si Ramos naman ang sumunod na sinipa sipa pero hindi rin nahuli kasi sabi nya ‘arf’ ‘arf’, napagkamalang aso

E si Erap syempre nahuli

Oo

Paano?

Hindi siya nagcreate ng sound, wala siyang ginawa. Tinadyakan, inapakan, tinulak at pinagulong-gulong

Tapos?

Nagalit lumabas sa sako, nagsermon sa mga abu sayyaf at sabi,  ‘Ano ba, hindi nyo ba alam? Gulay ako! Gulay!’

Nyek mas corny

Tapos nakawala na naman sila. Umakyat sa puno, nagtago sa malalagong sanga

At may continuation ah

Akala mo ikaw lang meron, ako rin

Sige shoot

Una si Cory, hindi nahuli kasi nung malapit na ang abu sayyaf , sabi nya ‘tweet’ ‘tweet’

Ah ok so napagkamalang ibon

Yeah, sumunod si Ramos, sabi nya ‘tiktiklaok’, napagkamalang manok sa taas ng puno

E si Erap

Syempre nahuli, kasi sabi niya ‘mooo’ ‘mooo’

Hanep ah may baka na ba sa itaas ng puno? So wala ring katapusan ang kwento mo?

Meron, finally nadakip ang tatlo, napalibutan sila ng mga abu sayyaf, syempre tinutukan agad sila ng baril

Unang natutukan si Cory, nagwarning na ang kumander,  ‘ready… aim…’ tapos sumigaw si Cory ng Lumilindol! Lumilindol! So nagkagulo ang mga abu sayyaf, pinakiramdaman nga kung lumilindol, pagharap nila wala na si Cory, nakatakas na

E si Ramos

Sabi ulit ng kumander, “ready… aim…” sumigaw naman si Ramos, there’s landslide, landslide!

So tumingin sa likod ang mga abu sayyaf sa takot na matabunan ng gumuguhong putik, pag harap nila, wala na si Ramos

Okay, so paano nag end?

Tapos si Erap, sabi ng kumander ‘ready… aim…”

Anong sinigaw ni Erap?

Sabi niya Fire! Fire! Ayun, binaril siya!

Hahahaha ang jologs

Jologs e tumatawa ka

Baka magalit ang mga tao pag yan ang joke ko sa talent portion

Alam mo, mas may effective na talent, hindi mo na kailangang mag joke, tumayo ka lang dun.

Then

Wala tumayo ka lang

Anong gagawin ko? Anong talent dun, mga 10 minutes hindi ako gagalaw, parang statue?

Hindi wala kang gagawin. Magtatawanan sila I’m sure

Bakit?

Kasi isa kang malaking joke

Mapipikon na ba ako?

In fairness, naintindihan mo yun.

Ang yabang mo. Dyan ka na nga.

karugtong ng : Warning Zone: Accident Prone

— ang joke na ito ay hindi ko original na gawa, (hindi naman ako ganun kacreative), napakinggan ko rin lang – so author unknown.

Advertisements

13 comments on “Do Not Disturb : Self Distructing

  1. Anong gimik ko? Bulaklak kaya sa tenga ko?

    Pede ring bulaklak sa kili-kili. (joke) ^_^

    ———-

    Hahaha, natawa ako sa JOKE niya, hindi natapos yung joke sa pridyider.

    Ang kulet ng joke, walang katapusan. Hahaha.

    ———-

    Tapos si Erap, sabi ng kumander ‘ready… aim…”

    Anong sinigaw ni Erap?

    Sabi niya Fire! Fire! Ayun, binaril siya!

    I really do enjoy your blog. Tawa ako ng tawa kay Erap promise.

    ———-

    Ano yung sinalihan niyang pageant? May piktyur ka po ba ni Ning?

    blue : hahaha wala pong picture si ning. isekreto na lang natin ang pagkatao niya.

  2. ahahahaha.. di ko alam pero natatawa ako.. sensya mababaw lang talaga kaligayahan ko.. ahehe.. cheers;p-glesy the great

    blue : di lang naman ikaw ang natawa so okay lang 🙂

  3. Wapak! Ang galing nito. Natawa ako to the max. Manalo kaya siya? Dapat umagawa siya ng atensyon pero natawa ako sa magiging talent niya. Pamatay ang mga jokes lalo na yung kay erap! Pak!

    Hakhak!

    blue : syempre, classic na si erap! pati nga nung nanalo sya, napakalaking joke

  4. nakakatuwa naman yung wentuhan nyo, feeling ko tuloy nakikinig lang ako ng radyo hehehe.

    in fairness ah, hanep ka rin mang discourage he este encourage pala haha.

    good luck sa iyong friend. 🙂

    blue : hahaha, mukha bang panradyo 🙂

  5. oo nga…. teka sabihan mo kami kung ano man ang maging result.. nanalo man o matalo… at kung stand up comedy nga ang talent nya… cheers;p-glesy the great

    blue : hehehe sige itutuloy ko ang kwento.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s