Shape Tomorrow, Register and Vote

Okay bakit sa palagay mo Pilipinas ang pangalan ng bansa natin?

Dahil mas marami ang babae kesa sa lalaki

Huh?

E di ba kung mas maraming Pilipino, dapat Pilipinos ang pangalan? Kaya Pilipinas, dahil mas marami ang Pilipina

Ah ok, so plural pala ito. Why not? So kung magiging Presidente ka ng Pilipinas, anong pagbabago ang gagawin mo?

I will create new offices

Like

Department of Love, Department of Peace, Department of Hope

Ano yun?

E di ba may Department of Justice, so para mapromote ko ang moral values, ganun ang  ipapangalan ko sa mga opisina ng gobyerno

Ang BIR, gagawin kong Department of Integrity

Baka naman maintimidate ang mga Pinoy at wala ng magtrabaho dyan, e sa Custom?

Deparment of Honesty

Okay so may connect ah, ano naman yung Department of Peace

Armed Forces of the Philippines

Pwede

E yung Department of Hope?

Yun na yung DSWD.

Ang cute naman, may hope nga kaya?

Oo naman, syempre may Department of Love din,

Ano function nun?

Kapag may maghihiwalay na mag-asawa, sila ang may task na pagkasunduin yun, arbitration! At syempre sila ang magpoproprose ng malawakang kasalang bayan! Gagawin yun twing pista para hindi naman nasasayang ang mga pagkain na pilit pinapasok sa guiness book of world record tulad ng pinakamahabang suman at pinakamahabang longganisa.

Ay okay ha, naisip mo yan, napakacreative mo ah, wala ka bang ginagawa sa opisina at pati sistema ng pamahalaan ay nagagawan mo ng plano

Bakit ba? Ipopropose ko nga na dapat maybackground sa pagiging CEO at COO ang tatakbo sa pamahalaan para may coporate discipline ano,

Sus, kaya nga nagrecession sa US dahil sa mga gahaman na COO at CEO na yan.

Kahit na, atleast income at hindi utang ang nasa sa isip nila. Gagawin ko, lahat ng region may kanya-kanyang governor. So kung may 17 regions, 17 governor lahat. At may kanya-kanya-kanyang flag.

Ang dami naman nun

Syempre para mala United Nation tayo.

Labo mo

At ang design dapat ipapacontest, flag design making contest ito

May sasali ba dun?

Excuse me, strict yun, ang pwede lang sumali ay sila Eddie Badeo,  Inno Sotto, Rene Salud, silang mga sikat na designer

Wow at sino ang judge

E di si Lhuillier. Syempre rarampa ang mga model ng bench dala-dala ang mga flag at sa Araneta Coliseum gagawin yun, tapos text votes ang labanan

Adik ka talaga.

Pati national anthem iparerevise ko.

Sobra na yan,

dapat simple lang, pero masaya.

Ay may suggestion ako para may appeal sa masa yang national anthem natin

Talaga, ano?

Si Lito Camo ang pagawin mo ng kanta

Why not? Kakaexcite! kaso hindi na pwedeng sabihin na tumayo po tayo ng tuwid at sabay sabay awitin ang pambansang awit,

Bakit?

E malamang may dance move na gagawin dun si Vhong Navarro

Ah ok, naisip mo rin yun

Oo naman.

Talagang love mo ang country natin, napakapassionate mo, ganda ng mga plans mo

But of course, ako na nga lang ata ang kaisa-isang hindi politician na nag-iisip ng mga plano para sa bayan

At utang na loob ni GMA sa’yo yan

Oo naman. Uy mahal ang consultation fee ko. Ikaw sige nga, sa palagay mo ba may pag-asa pa ‘tong bansa natin?

Oo naman, for the first time nga baka bumoto ako.

Really, at ano naisip mo at boboto ka

I heard pinapatakbo nila si Fr. Panlilio at Gov. Padaca

Ay, ganun na ba ang qualification ngayon para manalo? Kailangan may kapansanan

Hoy sobra ka, wala sa panlabas na anyo yan. Alternative sila at sila lang ang nakagawa ng totoong pagbabago sa lugar nila -pagbabago na long term ha.

Ah ok, ano naman ang chance of winning nyan e never heard nga sila

Mananalo yan, makakarelate ang mga Pinoy sa kanila. Sa dami ng nangyari, i dont think maghahanap ang mga Pilipino ng sikat, ng mayaman at dati ng politician. Ang hinahanap ngayon ng Pinoy ay yung nabuhay ng may kredibilidad, yung takot mandaya, may pangalang inaalagaan., takot sa Diyos. Mas handang sumugal sa boto ang mga Pilipino para lang maiahon sa kahirapan hindi lang sila kundi mga anak nila.

So talagang campaign manager ka nila

Why not. Im telling you, im willing to volunteer for these people.

Baka naman mala Barrack Obama din yan. Magaling lang magsalita

People listen to them kasi nakikita nila kung gaano sila kasimpleng tao. Matino silang tao,

Sa bagay, I think may punto ka dun. Better na yung walang mahabang karanasan sa politics para atleast fresh at hindi magbebend. Hindi maniniwala sa mga tinatawag na Protocol.

Exactly.

Uy, seryoso na tayo ah,

Serious topic kasi ang governance at hindi ginagawang biro

Ouch, grabe ka naman, pinapasaya lang kita kanina

So paano  kung yun ang tinanong sa’yo sa Pageant, anong gagawin mo pag naging Pangulo ka.

Serious?

Yup

Marami. First, abolish ko ang Death Penalty. Number 1 yun dahil life issue yun. Pag tiningnan mo ang profle ng mga taong nasa death, sila yung mahirap, hindi nakapag-aral at hindi masyadong napansin ng government – o di ba walang social justice. May moral responsibility at obligation ang government sa kanila, in a way, hindi sila nareachout ng government tapos kikitilin ang buhay nila – nasan naman ang social justice di  ba? Kung mayaman ka nakapagtapos ka sa magandang paaralan, ikaw ang walang karapatang gumawa ng kalokohan sa bansa.

May punto ka

Then para may budget. Mag momoratorium ako sa payment ng debt. Para magamit muna dito ang budget. Unahin ko ang Education syempre and social services. Saka na ang pambili ng kung anu-ano at pagmomodernize ng mga sundalo. Tapos sesentensyahan agad lahat ng kaso sa ombudsman. Ikulong yung mapapatunayang nagkasala lalo na kung higher position.

Tapang, mala Gabriela Silang

Syempre no, itakin kita dyan

Hahaha. Kung gusto mo icampaign din kita

For senator?

Hindi

As congresswoman?

Hindi rin

E ano?

As an executive assistant ng presidente

Bakit naman?

You’re so smart and funny. Kailangan ng magiging presidente yan

You’re so sweet

Hehehe .

Advertisements

10 comments on “Shape Tomorrow, Register and Vote

  1. ^_^ pamilyar sa nabasa kong 1984 by George Orwell yung ipinapangalan mo sa mga departamento ng Pilipinas ah?

    Sa dami ng nangyari, i dont think maghahanap ang mga Pilipino ng sikat, ng mayaman at dati ng politician.

    Imposible. Sa nakikita ko pa lamang ngayon sa labas ngayon sa amin, kumakandidato na kaagad si Jejomar Binay bilang pagka-Presidente at marami akong nakikitang taga-suporta niya galing “slums”. “Goods per Vote/Supporter” and siste. Sa nakikita ko (nakikita lamang ng mata ko) – ayon sa aking estadistika, may 5% – 10% ang tiyansa niyang manalo. Patunay lamang na maghahanap at maghahanap ang mga Pilipino ng gantong kandidato.

    Naaasiwa lamang ako dahil may parada at feeding program siya, at ang pinaka-ayoko, may banner na “Jojo, Be Our Next President” sa bawat caravan ng tulong niya, bakit kailangang may ganon? Kahit pa ang intensyon niya ay makatulong sa mahihirap, e bakit may kasama pa talagang banner?

    Marami. First, abolish ko ang Death Penalty. Number 1 yun dahil life issue yun.

    Hindi mo ba alam na maraming naka-pending na kaso sa table ng karamihang pulisya/NBI o anumang espesyal na task force? Sa mga naka-pending na ito, napabayaan na, matagal na, tinamad nang lutasin, mga samu’t-saring kaso. Ano ba ang pakiramdam na ma-kidnap ang super ganda mong anak, malalaman mo na lamang pag-gising mo sa umaga, balita sa’yo – ginahasa na siya ng mangilang-ulit, pinatay, tinapon, at ang masaklap, hindi na malaman kung saan na siya tinapon (base sa totoong-totoong istorya/karaniwang nangyayari sa bansang Pilipinas). At kung gusto mo pa ng another example, bakit yung rapist na si Malolos pinalaya nang dahil sa pardon ni Arroyo? Hindi ka ba tutol dun? Tutol siyempre. E, kung binatay na siya noon pa, e di sana hindi mangyayari iyon. Ano ba ang pakiramdam nang gahasain ka na ayaw mo naman mag-pagahasa? Masakit. Paano ka pa makakaganti, e, hindi naghihilom ang sugat na iniwan ng (censored) GAHASEROng iyon.

    Go for DEATH PENALTY!

    (haba ng kumento ko noh? ^_^)
    – hanggang dito na lamang.

    blue : re george orwell, interesting, hindi ko pa nahagip ang books nya, check ko rin. re Binay, hindi niya ko fan at nanghihinayang ako dahil sa naikwento mo, buti na lang at may keen observer like you. re death penalty, yup debatable talaga yang topic na yan, still part ako ng advocacy to abolish death. Tingin ko, isa lang itong band aid sa malalang sugat sa ating bayan. Hindi niya kailanman masosolusyunan at maipapababa man lang ang krimen sa bayan. Tingin ko, revenge lang ito, or maybe justice sa victim or family ng victim pero hindi ito long term solution. Hindi nito magagarantiya na titigil ang tao dahil sa takot sa kamatayan. Siguro , magpopost ako ng new blog for this 😉

  2. isang makabayang….nakakawiling-basahin…..at makabuluhang entry bro……
    hahahahaha nakakaaliw na pagsasalaysay ng mithiin at katotohanan…kudos sa yo tol…as usual galing mo!

    blue : hi blurose, salamat ulit! masarap din namang magsulat dahil may mga bloggers na nagbibigayfeedback gaya mo. daan ako sa bahat mo dito sa net later

  3. hmmmm kahit na yung iba dinaan sa biro it still make sense…gusto ko yung mga bagong pangalan ng departments..hehe

    blue : hehehehe why not para maiba naman ang mga pangalan ng department diba, baka sakalingmatanggal ang stigma.

  4. wow. nice one!
    gusto ko ang post na ito.
    nakaktuwa ang mga departments.
    pwede ka ng maging presidente. hakhak!
    apir!

    ano? tatakbo ka sa 2010? vovote na kita.
    kauna-unahang blogger na naging presidente. saan ka pa? sikat ka! dadami ang bloggers! wahooooo!

    blue: hahaha no plans at all. pero next time, babanggitin ko ang iboboto ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s