Alternate Route : Women Crossing

Balita ko magche-check in ka na bukas

Yup, 3 weeks ang preparation sa pageant. Ang daming nakaline-up na activity

Oo nga, saglit na lang at star ka na!

Loko

Serious. I’m sure mag-iiba ang buhay mo after nyan.

Sa palagay mo?

Yup, of course, yakang-yaka mo naman yan. Alam mo, sa lahat ng barkada natin, ikaw yung never kong naisip na sasali dyan

Expected.

Huh?

Expected ko na, na ikaw ang hindi makakapaniwala at ikaw ang huling taong hindi susuko para idiscourage ako na sumali.

Uy hindi kita dinidiscourage.

Hahaha, don’t worry, hindi negative yun. Alam ko na hindi ka open sa ganitong pageant, na feeling mo naaabuse ang mga babae dito at tingin mo rin na beauty is more than skin deep.

Yeah that’s true but I don’t discourage youย  to join, you have all the reasons to join

Eto naman, okay lang, naiintindihan kita

Thanks. nagiguilty naman ako.

Alam mo kasi, sa event na to, I think nga mas naeempower ang mga babae. It’s more than competition; it’s an event for women.

Don’t get me wrong ha, event ba to or show?

Both I guess. Event for women and show, hindi lang flesh but personality. Saan ba nanggaling yung idea mo na para siyang circus, though ayaw mong sabihin pero alam ko na yun ang tingin mo? Na che-cheapan ka ba talaga dito?

Hindi naman sa cheap o circus

C’mmon, you can be as candid and as brutally frank as you want, magkaibigan tayo, maiintindhian kita.

Siguro kasi parang everywhere there’s pageant. Lahat ng barangay, even mga school or noontime show, kaya parang nawawala na yung essence. Para ngang nagdidictate na siya ng standard of beauty. Nalilihis sa totoong substance ng pageant

Yeah, totoo naman yun, naiintindihan kita dun

Importante ba sa babae na matawag na maganda?

Hindi naman sa matawag, pero siguro maramdaman na appreciated.

Do you think, disempower pa ang babae sa atin, hindi ba isa nga ang bansa natin sa may mataas na pagtingin sa babae. Nagkaroon na tayo ng 2 babaeng presidente, may mga senators and representatives na babae, sa corporate work, maraming CEO na babae

True, meron na tayong high regard sa babae pero hindi tayo dapat mahinto dun, let’s just say isa itong activity to continue the promotion of empowerment.

Okay. Importante talaga sa’yo ang esteem, ano?

Alam mo naman na low esteem talaga ako.

Im sure madedevelop yan dito.

Oo, I hope so.

Masarap bang maging babae?

Nice question, parang pang pageant na ah, pero sige I’ll answer that, Yes. Masarap na mahirap. Pero mas masarap kesa sa mahirap.

Bakit masarap?

Pakiramdam ko kasi, iba kami sa lahat ng creation ni God. Kahit may monthly period kami, kahit yung body namin hindi formed and created gaya ng lalaki na pwedeng magbuhat ng mabibigat na bagay gaya nyo, kaya naman naming buhatin ang pinakamabibigat na problema and one more thing, we carry the most precious gift, it’s life – we we’re tasked to carry babies

That’s nice to hear

Yun ata yung gift namin. Para bang chosen one kami. Co-creator of God. Syempre part kayo dun pero iba kasi pag dinadala na namin ito sa sinapupunan.

Oo nga, kaya nga kahit gaano kaganda ang hubog ng katawan, pag nabubuntis na, parang mas lalong sumisexy, ang ganda tingnan

Naks, siguro kasi pag buntis ang babae, mas pakiramdam niya e buo siya, parang all of a sudden may kakampi siya, carrying a baby is a mystery for us, actually its mystical or should i say highly spiritual

Parang nabuntis ka na ah

Hindi ah, enjoy na enjoy kasi ako sa mga pregnancy books er even nung high school ako, pag reproductive system ang topic, naaamaze ako. Parang gustong-gusto kong mabuntis

That’s contradicting, bakit until now virgin ka

Gago, e syempre hindi pa dumarating ang para sa akin, sabi nga e parang coloring book yan, ako yung babaeng naghihintay sa last page para kulayan.

Naks, saan mo naman nakuha yan

Sa radyo, kay Nicole Eala at Chris tsuper

Hahaha dun sa tandem na maiingay

Yeah, narinig ko one time sa taxi, enjoy siya pakinggan. May sense, may substance sila

Akalain mo yun, may nakuha ka dun

Oo naman. Nung napakinggan ko sila, parang perfect tandem sila, babaeng babae at lalaking-lalake sila mag-usap.

Do you see your self completely different from us

What do you mean?

Na iba ka sa mga lalaki

Yeah of course.

Anong tingin mo sa mga lalaki?

Partners?

Expound please

Partners, we’re equal, hindi naman kami humihingi ng special treatment, empowerment does not mean we’re better or stronger than you, its acknowledging that we’re equally important.

You have a point.but of course women love to feel important, ibig kong sabihin gusto nila yung binibigyan sila ng special attention, kaya nga sila nililigawan di ba?

Siyempre, yun yung soft side namin, sabi ko nga, gusto naman naming naaapreciate kami. I guess, that’s one thing na hindi complete sa atin, I mean, hindi naibibigay sa’min.

What do you mean?

Yung appreciation. Na sana narerecognize ninyong mga lalaki na pag nasa bahay kami, nagtatrabaho din kami. Na hindi yun pahinga, na doing household chores is a major task. Basically its unpaid, unappreciated task. Hindi naman sa sinisingil namin kayo pero di ba, wag kayong umasta na pag galing sa trabaho e para kayong boss sa bahay na dapat pagsilbihan, na uupo na lang, aabutan ng dyaryo, bibigyan ng tsinelas at todo asikasikasuhin. Kasi nung umalis kayo para magtrabaho, hindi natulog ang mga asawa sa bahay; naglinis sila, nagluto, namalengke, nag-alaga ng bata

Tama na, uy, parang ang laki naman ng atraso ng mga lalaki sa inyo

Pinapaliwanag ko lang. Kasi malamang mas pagod kami. Kasi sa trabaho i’m sure inaasikaso kayo ng mga secretary ninyo, may mga utility kayo, haharap lang kayo sa computer, makikipagmeeting tapos wala na.

Because it’s a cerebral job.

Excuse me? Pag kami naman nagtatrabaho, hindi ba’t cerebral job din yun, e bakit pag uwi ng babae siya pa rin ang mag aasikaso ng lahat-lahat sa bahay?

Then insist your right. Ibig kong sabihin, mag-usap kayong mag-asawa na hindi dapat kayo lang ang gumagawa nun.

Exactly, that’s why we have this activity, this forum, all these womens group, to tell you guys that we should be treated equally.

Ok you delivered your speech well. Bravo. Panalo ka na.

At bakit sa mga arguments kailangan kayong maging sarcastic sa huli? Bakit pag natatalo kayo o naiipit e nauuwi kayo sa pang-aasar?

Dahil hindi naman kasi kailangan na pagnagreraise ka ng point e laging pasigaw, tuloy-tuloy, walang hingahan, na para kang nakikipag rally sa mendiola at pagkalayo-layo ng kausap mo, wala sa malakanyang ang pinagsasabihan mo… andito sa harap mo. Hindi ako bingi at hindi ako kaaway Okay?

Sorry, i just carried away. Babae kami, minsan emotional pero wala sa min ‘to, after naming maideliver ang speech, okay na. kailangan lang talaga naming

Maglitanya?

Anuman ang tawag nyo dun.

Okay for your own peace of mind, I recognize your effort, you deserve to be respected, we’re equal.

I don’t need that

Oh, ngayon naman ayaw mo?

Not from you, kilala kita, alam kong mabait ka at hindi ka nang-aagrabyado ng babae.

Thank you.

Because you’re one of us

What?

uy, napipikon

gago

sige nga kiss mo nga ako kung hindi ka bading

alam kong matagal mo na akong pinagnanasaan pero mind you, hindi mo to makukuha

talaga lang ha

in your dreams

pag ako nanalo sa pageant na ‘to magsisisi ka. Habambuhay ka manghihinayang

talaga lang ha.

Tandaan mo ‘tong araw na ‘to.

Sure

Hmp.

One more thing, when you deliver your piece, say it, dont spray it

Salamat sa advice ha, very sincere

E halos maligo na ko sa laway mo e

Nakabraces ako, can’t you see

Then hinay-hinay, dahan – dahan sa litanya.

Okay okay, galing mong mang-inis

Kelan mo ba tatanggalin yang braces mo

Ah ewan. Talk to my hand.

Hand, hand, wow, babaeng-babae ang hands,ย  a picture of true woman, a true Filipina, labandera ka ba dati, hindi ka gumamit ng perla ano?

Hayup with a capital L. loser!

Good luck. Mwah!

Advertisements

15 comments on “Alternate Route : Women Crossing

  1. natawa ako sa ibang statement dito lalo na ito:

    “At bakit sa mga arguments kailangan kayong maging sarcastic sa huli? Bakit pag natatalo kayo o naiipit e nauuwi kayo sa pang-aasar?”

    babae talaga ang statement na ito kahit ako yan din ang madalas kong itaniong sa kanila. ๐Ÿ™‚

    cool post bossing!

    blue : uy salamat. kailangan naman paminsan-minsan e may women empowerment topic para balanse.

  2. inaabangan ko talaga ang conversation na to eh!! sana naman makilala ko na ang dalawang ito!! di naman siguro sila magkakatuluyan ano? alam mo, ang sarap din talaga maging babae pero gusto ko din ma try ang maging lalake. anyway, di ko pa din ipagpapalit ang pagiging babae ko ano!!

    hmm,, medyo sarcastic lang kami sa huli kasi tama yung gurl dto, meron kaming emotional side pero tingnan mo, madalas nasa amin ang huling halakhak!! toinks!

    blue: abangan ang susunod na kabanata hehehehe, yep, i-celebrate mo ang pagiging babae mo ๐Ÿ™‚

  3. Alternate route: women crossing…
    intriguing ang title…
    crossing boundaries…..
    traversing a known path….unreclaimed
    dispelling the myth of equality…
    empowering a power within
    a description of a potent human reality
    …pasensya ka na ha…ito kasi ang nabasa ko sa post mo ngayon…


    blue: talagang pinag isipan ๐Ÿ™‚ levelling off lang siguro para magkaintindihan kung ano ba talaga ang women empowerment ๐Ÿ™‚

  4. ay lab it kuya!
    ang ganda!
    may sense talaga!
    ang dami kong nagustuhang litanya nung babae…

    malamang sa malamang eh baka manalo nga siya.
    hala, baka magsisisi ka niyan at hindi mo siya nikiss. hakhak!

    apir!

    “Pakiramdam ko kasi, iba kami sa lahat ng creation ni God. Kahit may monthly period kami, kahit yung body namin hindi formed and created gaya ng lalaki na pwedeng magbuhat ng mabibigat na bagay gaya nyo, kaya naman naming buhatin ang pinakamabibigat na problema and one more thing, we carry the most precious gift, itโ€™s life – we weโ€™re tasked to carry babies”
    gusto ko to!

    blue : mas naapreciate mo ba ang pagiging babae mo ๐Ÿ˜‰ sana nga ay manalo siya.

  5. ang haba pero di nwala yong sense. ang kulet ng usapan! hehe galing naman!

    blue : hehehe medyo mahaba nga yung mga recent posts kaya kailangang tsagain.

  6. kahit naman mahaba ka abang abang ang sagot nila pareho eh ang kulet nga ng conversation nila hindi kaya sila mag katuluyan nyan hehe…ang kulet eh hehe…napadaan po..hehe

    blue : hehehe at napagtyagaan mong basahin ah. medyo mahaba nga, para lang sa mga seryosong magbasa at tinatamad magtrabaho hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s