Election 2010

Dahil maaamoy na ang simoy ng eleksyon, kahit saan ka man tumingin; mga tv ads, banners, billboards, magazine, newspapers etc –  ay simulan na rin natin ang pagkonsulta sa internet community; bloggers, chatters, readers at lahat ng napadaan lang kung sino ang karapat-dapat na maupong Pangulo sa 2010.

Marami ang pagpipilian. May dating kumandidato na, may bago pa lang, may dating pangulo, may abugado, may ma-showbiz, matagal na sa gobyerno, may iyakin – maemote sa tv, may gusto atang mag-artista at hindi lang nakuntento sa paglalagay ng sarili niyang billboard sa kahabaan ng edsa at sumali pa sa patimpalak sa pag-awit sa tv, may mayor, may pastor, may pari, may  bata, may pulis,  may mayamang-mayaman, at may dating tagasagot sa telepono ni ate luds!

Ilan lamang ito sa nagpaparamdam na tatakbo sa darating na halalan.

Medyo maraming pagpipilian  ngayon. Sino ang posibleng iboboto mo sa darating na halalan?

Nais lang ng post na ito na alamin ang pulso ng mga readers lalo na ang mga bloggers.

Sana ay pumindot ng isang beses lang. Huwag ng kalikutin at pagpipindutin ng paulit-ulit.

Ang pagpipilian ay nasa sidebar.

arrow-blue-rounded-right

Para mas masaya, pagkatapos bumoto ay isulat sa komento ang iyong choice. Lahat ng pumili sa nanalong pangulo sa susunod na taon ay bubunutin natin, pipili lamang ng tatlong magkakaroon ng espesyal na regalo. Kung ano ang regalo, i-aanounce natin sa mga susunod na araw! Kung sakali namang magbago ng isip o kaya ay hindi natuloy ang pagkandidato ng napili mo, magcomment ulit at baguhin ang iyong napili. Ikokonsider natin ang latest na pinili mo. Lahat pwedeng magcomment, kahit wala sa Pilipinas!

PAALALA: Huwag mong ipagpalit ang iboboto mo sa kandidatong sa palagay mo ay mananalo. :)) Hindi naman bahay at lupa ang regalo e. Katuwaan lang ‘to. Piliin mo ang totoong gusto mong manalo!

Ang pipiliin lang natin ay yung nagkomento hanggang sa April 10, 2010, 11:59 PM (Philippine time) isang buwan bago ang halalan. Masaya to!!!

‘Wag kalimutang ilagay ang inyong email or blogsite para sa tracking.

Boto na!

Advertisements

14 comments on “Election 2010

  1. Noli De castro ang akin!! alam ko kasi kahit dati pa noong bata pa ako at wala oa siya sa politics ay matulungin na talaga at para sa bayan talaga siya!

    blue : wow ang bilis! History ka na sa entry na to hehehe!

  2. WoW, may regalo!

    Ang manok ko sa pagka-Presidente, siyempre, wala ng iba kundi si :

    Miriam Defensor–Santiago

    ^ Kahit pa lokaret ang Senadorang ito, SUPER DUPER OVER QUALIFIED siya sa pagka-Presidente. Kilala ninyo naman siya di ba, wala akong masasabi sa kanya dahil nasa sa kanya na lahat. Lahat-lahat, lahat ng talino sa politics, pakikibag-bungangaan sa kaaway and still ang tindig niya pa rin sa Pulitika. Wala akong negative prospect sa future kung siya man ang maging Presidente natin.

    ^_^

    E, yung iba? Gusto ninyo isa-isahin kong kastiguhin yung ibang candidates?

    Eto:

    Bayani Fernando – kung naging environment friendly ang Maynila, iboboto ko ito, pero wala eh, puro pag-papalayas lamang sa iskwating ang ginawa niya. SUSMARYOSEF.

    Chiz Escudero – bata pa ito, mabilis mag-salita sa Tagalog, stable mag-salita sa English, medyo “malaki ang ulo”, pag-ayaw niya sa isang partikular na tao – ayaw niya talaga, ganun si Chiz. (clone ni Bamboo)

    Eddie Villanueva – ayoko dumating ang araw na magiging maka-Diyos ang Pilipinas. (thumbs-down for him) Hindi lahat ng tao ay maka-Diyos but I somewhat Praise The Lord.

    Ed Angara – kilala ko ito, matalino ito, pero oldies na siya e, hindi na siya cool, pero OK lang na tumakbo siya. Sana manatili na lamang siya sa pagka-Senator.

    Among Ed – AMEN.

    Gilbert Teodoro – hindi ko kilala ito. . . ah Secretary of National Defense pala! Huwag na ito isama, wala raw siya balak tumakbo (ako lang may sabi nun).

    Jojo Binay – super ambisyoso, patay dedma kuno. ANG ISYU: kunwaring supporter niya raw ang nagpapakalap ng banner niyang “Jojo, Be Our Next President” sa kalakhang Makati, hindi raw siya ang may pakana nun, supporter niya raw. Kahit hindi naman siya may pakana nun, gustong-gusto niya rin naman na kumalat yun e. Kung taga-Makati ka alam mo ang isyung ito.

    Erap – teka ano ‘to? JOWK?

    Loren Legarda – ambisyosa, pikon sa pagka-talo niya kay Noli de Castro. Ayoko ng dagdagan ang kumento sa kanya, feminist ako. Bahala siya kung tatakbo siya.

    Manny Villar – masyado na tong mayaman, mga piling tao at mamamayan lamang ang tinutulungan nito. Hindi angkop sa pagiging Presidente. Bakit? Hindi niya nga masyadong na-manage yung mga Senator dati nang maging Senate President siya, dahil natatalbugan siya ng talino ng mga ‘to.

    ^ “Hindi totoo na Pusong Makabayan ang kailangan sa isang Presidente, dapat fusion ito ng Pusong Makabayan, Kapangyarihan, at Talino sa Politics at sa pag-papatakbo ng sambayanang Pilipino.” (clap, clap, clap)

    by Otakore Literantadodist, LITERANTADO < – – – ano to, quote?

    Mar Roxas – hindi pa time para siya maging Presidente, kulang pa, mag-Senator na lang siya ulit, bata pa naman siya e.

    Noli De Castro – has popular personality but not enough to handle Presidency. Nanalo lang naman siya sa pagka-bise Presidente dahil marami siyang FANS dati.

    Panfilo Lacson – tuta ni Erap dati, noong nakaupo pa si Erap. Kasabwat sa pag-patay kay Dacer. Naniniwala ako duun. Ayoko sa kanya, may bahid ng dugo ang kaniyang kamay at pati . . . “may bahid” raw ang kaniyang pagkalalaki. Hindi sa racist ako sa mga 3rd sex ngunit ang ayoko lang ay yung ayaw lumantad.

    Dito na nag-tatapos.

    Babalikan ko ang Blog-entry na ito. Sisiguraduhin ko muna kung tatakbo si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

    ^_^

    blue: wow comprehensive. lovi’t! HIndi ko naisama si Miriam pero sige i-add mo na lang. pwede naman.

  3. may isang taon pa para makapag isip kung sino ang iboboto ko pero, first choice ko eh si Noli De Castro
    hehe..un lang hehe..mukang ok naman sya makabayan talaga,

    blue : mukhang may hatak nga si kabayan dito.

  4. hmmmmm c chiz ang naboto ko sa neon pero open ako kay ping at bayani.okei sana kung si juan flavier kaso wala na kong balita sa kanya.aheks

    blue: oo nga no, wala na rin akong balita kay Flavier.

  5. Magadang ideya ito…makakatulong ito sa darating na halalan! kailangan talaga huwag masayang ang boto ng bawat botante…ng bawat PIlipino..babalikan ko ito kailangan ng dibdibang pag-iisip…ngunit mukang tama ang hinala ko at ng aking mga kaibigan…

    Pakakasalan muna ni Mar Roxas si Korina bago tumakbo bilang presidente..(talaga naman! tsk tsk tsk)

    blue : hehehehe tingin ko rin nga.

  6. PARANG gusto ko si BF hindi dahil nanalo sya sa pa-contest ng GMA7 at naging trying hArd singer. kasi mas nakikita ang nagawa at magagawa nya pa para sa mamamayan/publiko. pansinin nyo ang kalsada.. hekhekhekk. peo gus2 ko din c chiz gLIng na aktibista nun e, kilalang may paninindigan. basta isip pa muna q kung sino mas karapat-dapat. e kaw blue cno manok mo?

    blue : manok ko? secret. Plano ko ring bumunot ng isa na may kaparehas na boto ko para bigyan ng consolation hehehe.

  7. commentNG ISANG BLOGGER:
    Chiz Escudero – bata pa ito, mabilis mag-salita sa Tagalog, stable mag-salita sa English, medyo “malaki ang ulo”, pag-ayaw niya sa isang partikular na tao – ayaw niya talaga, ganun si Chiz. (clone ni Bamboo)

    SABI KO:
    Oooppss…! Hindi Tagalog, it’s Filipino…proud siya sa sariling wika kaya ganun! Bata pa siya? Pano mo nasabi? Malaki ang Ulo? Pano kaya niya nalaman ito, siguro close sila? Siguro ayaw nuiya sa mga kurakot na pulitiko at hindi siya basta lang naiimpluwensuiyahn ng mga ito!

    blue : hmmm oh well, everyone is entitled to his/her opinion. salamat sa blog world! parang wala ata akong naririnig kay chiz ngayon, ano bang balita sa kanya? is he running?

  8. According to the National Statistical Coordination Board (NSCB), the poverty incidence in the region is at an alarming 51.1% based on its latest statistics which was gathered in 2006.

    This means that more than half of the region continues to live below the poverty line or they do not earn enough to satisfy their basic requirements for food, shelter, education and healthcare.

    I checked further and saw that the poverty incidence of Sorsogon as a province grew from 43.5% in 2003 to an astounding 55.3% in 2006! In 2003, the NSCB estimated that there were 300,652 poor individuals in Sorsogon but in 2006, this has already grown to 395,434!

    I raised this issue since we all know for a fact that Senator Francis “Chiz” Escudero who hails from Sorsogon and used to be its Congressman for several years is currently eyeing a run at the Presidency.

    Given that he has served as Congressman of Sorsogon and now Senator, it is sad that his province hasn’t had much progress and in fact has continued to deteriorate at an alarming rate.

    One has to wonder if Senator Escudero has the capability to effectively run the country and curb our growing poverty if in fact he can’t help alleviate poverty in his own province.

    http://blogs.inquirer.net/philippineelections/2009/06/23/the-challenge-for-chiz/

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s