101 Ways to Kill Boredom

1.      Wag ngatngatin ang kuko, instead kulayan na lang. lagyan ng glitters o kaya ay lagyan ng tattoo!

2.      Tumawag sa radio station, makigulo, makibati at maki- can I pass the phone. Hintaying mapikon ang DJ sa haba ng babatiin mo.

3.      Kung ang wrists watch mo ay nasa kanan, ilipat mo sa kaliwa.

4.      Magpagupit ng buhok. Pwede ring pakulayan, i-rebond, pakulot, pa-istraight… bahala ka na sa style. Kung kinakailangang mag wig, why not!? O kaya magpakalbo.

5.      Manood ng movie, yung bagong genre. Kung hindi ka mahilig sa action, I try  mo, subukan mo ring manood  mag-isa.

6.      Go places. Para unique, subukang magbisikleta, tumakbo o kaya ay magdrive. Kung wala kang sasakyan  o kung hindi marunong magdrive ay mag-aral muna, hindi ka bibigyan ng Diyos ng sasakyan kung hindi ka naman marunong magdrive!

7.      i-express ang sarili, ang sama ng loob. Magmura ka kung gusto mo. Para kakaiba, sulatan ang katawan mo, kahit ano, pwedeng sexy ako, gago kayo! Ang eepal ninyo. Walang makakabasa nun kasi sa katawan mo nakasulat. I-try mo, iba ang pakiramdam… para kang nakakaloko ng mga makakasalubong mo.

8.      Palitan ang paborito mong kulay. Subukan naman ang iba, tulad ng puti, or itim o kaya naman magsuot ng damit na may wild prints.

9.      Sulatan ang ex mo. O kaya tawagan. Kamustahin siya. Makipagmeet. Be sure na pag nakipag meet ka sa kanya ay natulog ka ng mahimbing at maganda ang gising para mukha kang fresh. Sa gayon ay pwede siyang manghinayang.

10.  Mag gym. Masarap pagpawisan!

11.  Pumunta sa Divisoria, mamili!

12.  Balikan ang mga photo album. Kung kinakailangang i-scan ang ilang picture at i-share sa facebook, friendster o blog ay gawin. Ipakita mong minsan ka ring naging jologs.

13.  Mag stalk. Subukang maging mystery sa iba. Malay mo, may talent ka sa pang-iinis ng tao.

14.  Tawagan ang mga hotline. Tulad ng Wyeth, Dial a friend, Prolife, Bantay Bata. Batiin mo lang sila, kailangan nila ng kausap. Yun ang trabaho nila.

15.  Magpa VTR. Hindi kinakailangang may itsura. Basta character pwede. Extra income rin yun pag napili ka. Kailangan ng bagong commercial model ng  bayantel. Makakasali ka na sa chant ng ‘ sige, gastos lang ng gastos,’

16.  Umattend sa mga Church fellowship, cell group at prayer meetings. Magtaas din ng kamay pag nagdadasal. Pakiramdaman mo lang kung carry mo. Pag hindi, baka hindi mo pa calling. Hintayin mo na lang. yun nga lang, minsan pag calling mo na, dinadaan sa disgrasya. Ayayay!

17.  Manood ng local news. Yung top 10 sa tv5. Sundan ang tinginan ng 3 hosts sa isa’t-isa. May mabibisto ka. Hmmmm

18.  Titigan ang boss hanggang sa maconscious.

19.  Huwag magsalita. Isang araw lang. Huwag silang pansinin. Hayaan mo munang mag-alala sila.

20.  Huwag magtext, tumanggap ng tawag at mag-email. Isarado ng tuluyan ang mundo. Magdetach sa lahat. Subukang makiconnect sa mga alien. Astig ‘to!

21.  Magdevelop ng bagong talent. Para makapili ng idedevelop, manood ng Talentadong Pinoy!

22.  Sa halip na uminom ng alak, magbilang ng tupa at magpatugtog ng radyo ay manood ng walang tulugan. Magreregress  ka pihado!

23.  Paliguan ang pet mo. Ipasyal. Turuan ng tricks. Kung fish yan, turuan ng sychronize gymnastics. Wala pang trainer na nakakagawa nun. Gawing pet ang butiki, ipis o daga. Turuan ng kakaibang talent. Subukan ding palanguyin ang pusa, lagyan ng rhythm ang paghampas ng butiki ng kanyang buntot, dagang kumakain ng sili, goldfish na tumatalon sa aquarium.

24.  Sumulat sa mga senador. Yung chain letter ng Perpetual Help. Sabihin na pag hindi nila ginawa ay matatalo sila sa halalan. Sabihin rin na kailangang ibalik sa nagpadala sa loob ng isang araw na may kalakip ng tseke katumbas ng isang buwang sweldo nila plus kickback.

25.  Maging racist. Sumulat ng entry tungkol sa mga dayuhan. Sa Chinese, Japanese, Americans, Indian o Koreans. Subukan mo lang kung may papansin sa’yo. Pag walang pumansin. Tigilan na ang pagsisintimiento at paghingi ng mga public apology, OA na ang pagiging balat-sibuyas. Sumigaw ng I hate Koreans kapag may nagdadaang Koreano. Tignan mo itsura nila, nakanganga sabay tatakbo.

26.  Idevelop ang ang third eye. Kusutin ang noo nang lumabas ang isa pang mata. Isulat ang mga naiisip mong mangyari sa loob ng isang buwan. I-tsek kung alin ang nagkatotoo. Tapos ipagkalat mo na nakikita mo na ang future, instant celebrity ka.

27.  Maglakad at humanap ng taong handang tumulong para ikabit ang necktie mo, kung babae ka naman, mangharang sa daan at itanong mo kung pantay ba ang foundation mo.

28.  Dalhin ang camera at pumunta sa mendiola. Makiusyoso sa mga nagrarally.

29.  Subukang sumulat ng tula. Yung may sukat at yung may tugma. ‘Pag nakagawa ka, ipost mo sa blog. Pihado mag-aalala ang mga kaibigan mo.

30.  Makipagkilala. Pumunta sa bar mag-isa. Tumoma.

31.  Mag check – in sa  hotel. You deserve a break. Manood lang maghapon. Magswimming. Tumambay sa lounge. Tapos guluhin mo ang kwarto. Para mahirapan ang mga maglilinis.

32.  Bumalik sa dati mong paaralan. Kumustahin ang titser na namingot sa’yo dati. Sabihin mo na ikaw yung piningot dati. Ipaalala mo at iparealize mo na hindi mo iyon malilimutan. For Life!

33.  Magluto. Magexperimento ng bagong putahe. Ipatikim sa boyfriend o girlfriend. Dapat ngayon pa lang ay alam mo na ang magiging reaksyon niya pag mag asawa na kayo.

34.  Pahirapan ang mga bloghopper at ka exchange link mo. Gumawa ng creative na I01 ways to kill boredom tapos I – tag sila.

35.  Sulatan ang sarili. Snail mail dapat. Lagyan sa labas ng envelop na don’t fold, picture inside at saka deliver immediately, money inside. Sa gayon, masusukat mo ang katapatan ng matagal nyo ng kartero. Araw-arawing kumustahin ang kartero kung may sulat ka.

36.  Matulog ng buong araw. Huwag bubuksan ang ilaw. Isara ang pintuan at bintana. Bumawi sa pagtulog at hayaang magregenerate ang iyong mga cell. Mukha ka ng matanda.

37.  I-overcome ang fear. Gaya ng spider, snake, at heights. Sumali sa Survivor o Pinoy Fear Factor.

38.  Mag-audition. Makipila. Pwede sa PBB o kaya ay sa wowowee. Alamin ang dahilan kung bakit maraming nag-aaudition.

39.  Wanna Feel like a king or queen? Magtip ng P500 sa hairdresser, masahista o kaya dispatcher. Huwag ka ng bumalik pagkatapos. Hayaan mong hanap-hanapin ka.

40.  Itext ang ex mo ng I miss you. Pagnagreply, sabihin mo sorry missent. Sabay dugtong ng ambitious!

41.  Sumulat sa Wish ko Lang! I wish mo na magkabati na si Annabel Rama at Wilma Galvantez.

42.  Tumambay sa Powerbooks. Basahin ang paborito mong libro. Kumuha rin ng Bible. Pag sinita ka dahil antagal mo ng nagbabasa, tanungin mo kung ano ang masama sa pagbabasa ng Bible.

43.  Pumasok  ng magkaiba ang kulay ng medyas. O kaya naman ay walang undershirt.

44.  Uminom ng malamig na malamig na malamig at nagyeyelong Coke!

45.  Kumain ng exotic food gaya ng daga, sawa, kambing, palaka, aso, kuliglig, soup numbers 1 – 100, sosohong, alitaptap, basta kakaiba.

46.  Sumakay ng tatlong beses na magkakasunod sa anchor’s away tapos mag space shuttle sa Enchanted Kingdom. Good luck sa mga kasamahan mo at sa mga nakikinood sa space shuttle. Uulan ng kaning malata!

47.  Bumili ng 5 panyo sa SM tapos hingan ng resibo bawat isa.

48.  Magrandom sampling ng text. Imbento ka lang ng number. Siguraduhin mong nakapostpaid ang itetext mo. Pag Smart dapat after ng first 4 digit, nagstart sa 9, pag globe at sun, sa 8, itext mo ng Help, im depressed. Pagsumagot, sabihin mo pasaload muna.

49.  Mag nose test. Alamin kung gumagana pa ang pang-amoy mo. Mag MRT loop. Simulan sa Baclaran, bumaba sa Doroteo Jose, sumakay ng LRT 2 tapos bumaba sa Araneta then sumakay ng MRT 3 Bumaba sa Edsa Pasay! Lahat ng klase ng amoy, masusubukan mo.

50.  Magpack ng gamit. Sumakay ng bus sa Edsa. Kung may makita kang provincial terminal bus, bumaba at saka sumakay ng kahit anong bus. Siguraduhin lang na may pera ka good for 3 days and 2 nights plus accommodation kung saang probinsiya ka man mapadpad.

51.  Mag-aral mag paint. Simulan muna sa coloring book. Magastos kasi ang painting kaya alamin muna kung ito ba talaga ang gusto mong gawin. Pag hindi atleast hindi nasayang ang pangkulay. Mura naman ang crayola.

52.  I-entertain at mag-inquire sa lahat ng booth ng real estate sa mall. Kung wala kang magawa ay sumama sa tripping sa site. Makikain, makiinom ng juice. Wala namang mawawala sa’yo.

53.  Mag apply ng loan. Malaking amount. Pag napprove at hindi mo kailangan, ‘wag mong kunin. Atleast nalaman mo ang credit worth mo.

54.  I-update ang resume. Mag-apply, humingi ng mataas na sweldo. Malalaman mo rin ang present value mo.

55.  Nabanggit ko na bang maging studio audience. Pwede sa ASAP o SOP. O kaya mga game shows. Makitour sa mga studio. Pero deadmahin ang mga artista. Wag mag papicture at magpa autograph. Wag ding ngitian. Kunwari ay di mo siya kilala o kaya naman ay anak ka ng big boss.

56.  Makipagtitigan sa kaopposite sex. Wag kang kukurap. Pag lumapit at nagpakilala, sabihin mo – Mahal ka ng Diyos. Basahin mo ang John 3:16. Sabay alis.

57.  Magrecording. Tapos ipost sa youtube. Its your time to shine!

58.  Magpabutas ng tenga. Kung meron na, dagdagan. Pwede sa ilong, sa dila, sa nipple o sa pusod. Depende sa trip mo.

59.  Magpatattoo! Yung kakaiba. Pwedeng Winnie the pooh, astroboy, Dora the explorer. Tigilan na ang pagpapatattoo ng mga vine, 3 stars and a sun, tribal, at pangalan ng shota. Maghihiwalay rin naman kayo.

60.  Magtake out ng food and drink sa coffee bean at saka pumasok sa starbucks. Bumili lang ng  (after) coffee mint sa starbucks. Yun lang ang recommended ko dun.

61.  Magpableach ng underarm.

62.  Magsulat ng short story. Gawing bida ang iyong mga kaibigan at kontrabida ang mga pasaway sa buhay mo.

63.  Bilangin kung ilang water sprinklers at smoke detector meron ang building nyo.

64.  Gumawa ng fan mail. Sumulat sa idol mo. Sabihin mo kung bakit mo siya idol. Hingan din ng picture with autograph.

65.  Muling gumawa ng slumbook.

66.  Magtanin ng halaman. I challenge ang sarili na mapabulaklak o mapabunga to.

67.  Makipag EB (eyeball). Makikilala mo ang iba’t-ibang klase ng tao. Simulan sa mga bloggers.

68.  Gumawa ng sarili mong crossword puzzle. Para mas challenging, subukan na padiagonal.

69.  Mag-aral mag ikebana gamit ang batang puno ng balete.

70.  Pumunta ng Luneta hanggang Intramuros. Kumuha ng mga larawan gamit lang iyong phone camera.

71.  Magmural painting. Simulan sa kwarto mo.

72.  Gumawa ng wine mula sa katas ng durian. Malakas ang tama nun, isipin mo na lang kung ano ang magiging reaksyon ng aamoy nun pag naibuhos na sa wine glass.

73.  Umisip ng unique business sa panahon ngayon. I-email sa mga foreigners. Talunin ang mga African sa pag – spam ng kung anu-anong mana, lottery, at secret bank account.

74.  Manood sa youtube ng mga aspiring singers. Magcomment ng magcomment.

75.  Mag-abang ng falling star. Magdala ng payong pansalo.

76.  Magcross dress at rumampa sa Mabini. Kung sosyal ka, sige sumama sa mga transgender sa Greenbelt.

77.  Sumakay ng bus at sabihin sa driver na wala ka pa lang barya. Buong 1000 ang dala mo. Sigurado makakalibre ka. Subok ko to. Hihingan ka na lang nila ng barya kahit magkano na lang ang nasa bulsa mo. Madalas P2 lang ang naibabayad ko.

78.  Sumakay ng elevator at pindutin lahat ng level. Lumabas ng elevator at hayaang umandar ito. Goodluck sa sasakay. Lalo na kung masama ang tiyan.

79.  Makipagchat. Humingi ng picture. Gamitin ang picture ng lahat ng makakachat hanggang sa magkagulo silang lahat sa bigframe / big window dahil nagpapalitan lang sila ng picture! Hindi nila malalaman kung sino ang totoo at sino ang hindi.

80.  Kumuha ng magnifying glass. Itapat sa araw at itapat sa langgam. Panoorin kung paanong madead ang mga langgam. Subukan naman ito sa ipis at langaw.

81.  Turuan ng bagong salita ang mga pamangkin at kapatid mong bata. Turuan silang magsalita ng dork, fcuk sh*t, ____ your face, talk to my hand at iba pa.

82.  Umupo sa coffee shop at makinig sa usapan ng may usapan.

83.  Sumali sa mga organization. Piliin yung may advocacy. Gaya ng Grupong Tanggal Kalikasan, Kulot Salot Network, Akyat Baba Walang Tirahan si Bebe,

84.  Mag-aral manahi! Simulan sa kurtina, punda ng unan at padyama.

85.  Pag-aralan ang sign language. Tapos mag-apply sa Bagong Kapwa ko, Mahal Ko. Pinagpipilian pa kung sino sa mga hunk artist ng Star Magic ang maghohost ng programang ito.

86.  Pag-aralan din ang braile. Pag natuto na ay isalin ang series ng Harry Potter na Novel sa braile para sa mga bulag. Malaki ang kikitain mo dito. Baka gawaran ka pa ng award sa labis na pagsuporta sa mga bulag.

87.  Bumisita sa bahay ampunan o kaya naman ay sa Home for the aged. Turuan silang mag Rock and Roll!

88.  Gumawa ng fruitshake! Wala lang, ang init eh.

89.  Magvolunteer sa Gawad Kalinga. Taga timpla ng juice kung hindi mo kayang magbuhat.

90.  Magkalat ng tsismis. Simulan mo sa. ” hoy anong nangyayari kay ____, parang may iba” hayaan mong dugtungan ng mga kasama mo.

91.  Gumawa ng text joke series. Bumuo ng bagong character na tatalo kay Inday. Pwedeng quotable quote ni Bebe Gandanghari, kris Aquino syndrome, and Marian Rivera’s sweet denial

92.  Bumuo ng mga bago at kakaibang title ng pelikula.

93.  Ilista ang mga Top ng buhay mo. Top 10 – favorite artist, singers, songs, embarrassing moments, kontrabida sa buhay mo, corrupt politicians, ex mo based on performance.

94.  Pumunta sa mataong lugar. Yung siksikan gaya ng MRT, Divisoria, Quiapo. Tapos maghulog ng barya at saka sabihin mong  “ay nahulog ang pera ko.” Hayaan mong magkaumpugan ng ulo ang mga sindikato ng barya!

95.  Magbirthday Party sa Mc Donalds o Jollibee. Gawing children’s Party ang birthday mo. Pangbata rin ang ipapakain tulad ng spaghetti at 1 pc chicken para tipid. Huwag I inform ang host at store manager na ikaw ang celebrant para pambata ang ihanda nilang game.

96.  Pagtripan ang makakasalubong. Magbulungan kayo. Pwede sa dyip o kaya naman ay yung nasa kabilang table ng restaurant. Tingnan kung paano siya mako conscious.

97.  Magbigay ng special attention, extra bait sa isa sa kaopisina. Ipagtimpla ng kape,  bigyan ng regalo, tanungin lagi kung kumusta siya. Hayaang mapraning siya at mga kasamahan niyo kung bakit ganun ang atensiyon mo sa kanya.

98.  Magbake ng cookies o kaya cake. Ipatikim sa mga kaopisina. Pagkatapos makain ay sabihing dumating ang kapatid mo galing China at maraming dalang gatas. Sinusubukan mo kung masarap.

99.  Kolektahin ang picture mo mula pagkabata hanggang sa edad mo ngayon. Gawan ng Video na may background music na times of your life. Ipost sa Friendster o Facebook mo.

100.    Sulatan ang mga kaibigan. Maaaring gumawa ng blog tungkol sa kung paano mo naaapreciate sila at ang buhay mo ngayon. Bihira natin ito masabi di ba? Okay lang magpakasentimental, kahit lalaki ka. Masarap mabuhay, madalas nating nalilimutan na minsan lang ito dumaan, hindi lahat nabibigyang pagkakataon – makasama at makapatintero sa buhay.

101.    Sumulat ng sarili mong bersyon ng 101 ways to kill boredom.

Advertisements

14 comments on “101 Ways to Kill Boredom

  1. Addict ka kuya… grabe mga ideas mo… pero cge may mga susubukan ako sa mga tips na sinulat mo… dagdag ka pa damihan mo pa…

    blue : dapat para hindi ka iyak ng iyak!

  2. kadaming alternative….sa palagay ko walang puwang ang boredom sa mga suhestyon mo…mabuhay ka!

    blue : hahaha. syempre para maging masaya ang bawat araw!

  3. ayos ito! kapag hindi ka pa nalibang nito eh.. daming bagong ideya tulad ng # 87. Hataw na blue 🙂

    blue : hahaha sana makatulong, pwede ring seryosohin (yung iba).

  4. grabe ang dami naman nito dude! magandang guide ito dahil madami din akong oras na dapat i burn! dahil weekend! grabe kamusta ka naman mag aral ng braile at isalin ang harry potter! wahahah!

    blue : ayos yun di ba? atleast may pagkakaabalahan ang mga kababayan nating may kapansanan. isunod niya ang twilight, eclipse… hehehe

  5. grabeh! natatawa ako sa ilan… parang praning lang. as in BWAHAHAHAHAHA… pinsaya mo araw ko. ayus kah! grabeh total package mo. 🙂 good day blue!

    blue : hahaha mabuti naman at natawa ka. Masarap maging praning paminsan-minsan di ba?

  6. hindi nga halatang bored ka parekoy. antyaga mo magsulat ng isandaan at isang paraan eh. putsa, di ko kayang gawin yan. hehe. magtitikol na lang ako. sinama mo ba yan sa 101 ways? hanggang 99 lang nabasa ko eh.di ko narin natandaan yun iba sa sobrang haba. hehe.

    blue : wahahaha. Parental guidance ka. Hindi ko naisama, bawal yan ngayon, i need to suspend all my habits, requirement sa medication ko. lol

  7. wahahaha.. seryoso binasa ko to hanggang matapos.. at dahil sa pagbabasa ko nawala ang boredom ko… parang trip ko yung mga gusto mo.. gusto kong gumawa nyan pero di ko ipopost sa blog.. try kong gawin isa-isa.. ahehe…. cheers!!!!;p-glesy the great

    blue: sige at balitaan mo ako kung kelan mo maaaccomplish lahat at kung ano ang pinakadaring na ginawa mo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s