Nawawala si Faye

Isang email ang natanggap ko, ang subject : nawawala si Faye. Ang weird dahil ang sulat ay galing mismo sa kanya.

Hi Blue,

Thank you sa musical box. Alam ko na ang sagot. Nawawala si Faye! Sabi mo wala akong karapatang mawalan ng boyfriend. Youre really good at that – magbigay ng pressure. Bothered ako at wala pa kong tulog. E sa wala nga, anung magagawa ko. Yes, I’m beautiful, ooops kulang ng adverb, very beautiful! wag kang kokontra dahil inamin mo rin yan, I have a good job, actually sa sobrang desperado ko kahit walang trabaho sige na kuya papatulan ko na dahil may trabaho naman ako – kaso nga walang match sa kin! Ano va?

Pero pano na si tall dark and handsome? Pagod na ko, may dumating nga, tall dark and happy, meron pa, narerealize ko na minsan, tall dark and gay. Ganun-ganun na lang ba yun? Dahil hindi na ako teen, dahil urban professional ako, dapat modern na rin sa pagpili? Dapat practical? Wala na ba talagang Prince Charming?

I have this feeling kung bakit musical box. Ididisplay ko na sana si musical box when I saw my doll –  Princess, meron ako nun with matching complete set of fairy tale books.  May imaginary friend din ako, kami ni Princess. Ang imaginary friend namin e si Faye. Faye dahil fairy God Mother.

Matatawa ka pero noon, totoong totoo sa kin ang Fairy God Mother. Naniniwala ako na nakatingin siya sa’kin, that someday I will live in a castle. That my prince charming will come, nakakarwahe, na susunduin ako. Alam mo yung walking like a princess, yung may trumpets na sasalubong pag pasok ko sa castle. Na magsasayaw kami ng magsasayaw wearing my long and beautiful gown. Na ikikiss niya ako, mag a i-do at may fireworks na sasabog sa langit. I lovi’t! Very magical. Matagal kong inasahan yun. Nakatingin ako lagi sa mga stars at yun lagi ang wish ko everytime na may falling star. Kaso ewan ko kung kelan siya nawala. Narealize ko na lang, kasama sa pagtago ko sa doll and fairy tale books ay pagtago ng wishes ko, the dreams and the magic.

Hindi ko na nasundan ang kwento ni Princess. Hindi ko rin alam kung saan nagtago si Faye. Natabunan ng napakaraming research and reports. 2 R’s na effective magpawrinkle. Maybe because im too busy. I lost Faye. I don’t have time to dream, even daydreaming. Dapat lahat ng gagawin planado contradicting sa idea na time is spontaneous, wala na yung magic bell? Narealize ko na kung may darating, may ready akong list of qualifications sa mind ko. Magsneeze lang ayoko na. Pag hindi match ang tie nahihiya akong kasama siya, kung gumamit ng credit card sa date naiinsulto na ko, pag madumi ang kuko, pag nakalipgloss, at pag walang alam na topic kundi basketball. Hello, near 30 na ko and worst ni reserve wala ako.

Sorry wala ako kahapon. Update nyo na lang ako. Andito ako sa Bora. Hindi para magpapansin kundi para hanapin si Faye.

I’ll read all my Fairy tale Books. Hihilata lang ako dito. Titingala sa langit at aasa na magpapakita si faye – ang imaginary friend ko. Gusto ko ulit maniwala sa magic. Nakakapagod sa mundo natin.

Wish me luck.

Faye

Happy for you Faye,

Pamper your self. May you find your destiny, maniwala ka lang sa Magic!

Blue 😉

Advertisements

7 comments on “Nawawala si Faye

  1. hmmmm…hindi nawawala si faye..nakalimutan lang talaga….kaya hayun di alam kung saan nagtatago….makakabuti nga ang rest at konting panahon sa sarili…baka sakaling di lang si faye ang matagpuan …kundi ang lalaking mamahalin (at hindi na kung sinong prince charming)….

    blue : ikaw ba? naniniwala ka rin ba kay Faye? sa Magic?

  2. parang type ko din yung ginagawa niya. well, may point din siya dahil nakakapagod na talaga ng mundo naten.. well, nung bata pa ako mahilig ako sa fairytale pero di na ako naniniwala na may prince charming chrvah ngayon, pero i still believe in Magic, Maggi magic sarap! lol ^^

    blue : uy, pakain ka. lol

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s