Coffee Talk

Matagal na kong barista. Sabi ni dad, mag-aral daw ako ng medicine, ayoko nun. Pakiramdam ko mauubos ang oras ko. Sayang ang oras na ipanggigimik ko. Short course lang. Sabi ko nga, Management na lang dad. Sabi niya, hindi daw niya ko pinalaki para maging tagatimpla ng kape. Abogado si Dad. Namaster  niya na ang panlalait at paninira ng loob. Pero ako, namaster ko na ring kontrahin ang decisions niya.

Hindi ako nagcollege. Kikita ako on my own. Hindi pa sikat ang call center nun. Pero may isang sikat na trabaho para sa mga pasosyal na tulad ko – ang maging barista.

Hindi biro ‘to. Kailangan kong mag enroll. Pag-aralan at ipasa ang training. Ngayon, maglilimang taon na akong barista.

3 years na tagatimpla ng kape. Nag eenjoy ako, hindi lang sa pagtitimpla ng kape, nag eenjoy din ako sa t’wing hindi makatingin ang dad ko sa akin na parang ayaw makakita ng pagkabigo. Kung sa courtroom lagi siyang winner – sa bahay, bigo siya sa kin.

Hindi ako nag management, hindi ko kinakailangang maging management graduate para maging tagatimpla ng kape!

Sa bawat couch, sa bawat sulok ng kwartong to, hindi pwedeng hindi ka makakita ng estudyante, pwedeng nurse at nagte take-up ng medicine. Come to think of it. Hindi man ako naging duktor, maraming naging nurse at duktor sa masarap kong kape!

Claim to fame ko nga, kilala niyo ba ang nagtop sa recent board exam ng med, at yung isa na nag top din sa bar? Dito nagreview yun!

Masaya dito. Hindi lang mga estudyante ang mga tao dito, laging may nagkukwentuhan, may mga small fellowship minsan, nakita ko minsan ang dalawang senador dito, the next day may pasabog na sila, may mga nagrarally na ibaba ang gasolina, pagkatapos, dito rin sila magkakape,  may celebrities na friends lang daw e PDA naman dito, sarap busan ng malamig na malamig na ice blended mocha – pandagdag tamis!

Pero hindi lahat may kasama.

Si Drake. Suki namin. Minsan sa isang Linggo andito yun.

Walang kausap. Walang kasama. Nakatingin sa malayo. Siguro pagod sa work.

Minsan nakita ko may kasama. Pero minsan lang.

May pwesto siya na paborito niya. Sa smoking area.

Hi Drake, hows your day?

Ngingiti lang siya at oorder.

Hanggang dun lang.

Mysterious si Drake. Late 20’s. Laging lost in space.

Isang tanong isang sagot. Yun siya, nakakaintriga.

Lumabas ako. Umupo malapit sa kanya. Cancer break. Yosi muna. Inalok ko siya.

Hindi ako nagyoyosi thanks.

Weird. One stick of cigarette will start a conversation. Formula ko ‘to. Pero hindi sa kanya. At isa pang weird. Hindi siya nag-i smoke pero tambay  sa smoking area.

Anong work mo, if you don’t mind?

Ngumiti lang siya. Wala akong work. Saka tumingin na naman sa kawalan.

Wala siyang work. Wala siyang kausap. Hindi siya nag i-smoke. Wala siyang kaibigan. Wala siyang life?!

I’l go ahead. Thanks for the company. Sabi niya

Isa pang weird. Isang tanong lang company na? alam kaya niya na world ito? Na uso ang tao at uso ang kwentuhan dito?

The next day.

Hi Drake, hindi na kita aalukin, hindi ka pala nagyoyosi,

Thanks.

Dead air na naman. Lakas sumopla. Magkakasundo kaya sila ng dad ko? Naglakas loob ako.

Hindi mo ko gustong kausap ano?

Huh?

Parang one question one answer ka. Pre occupied ka e. Sabihin mo nga, mas marami bang magagandang creatures sa isip mo kesa sa ‘kin.

At ngumiti siya. Tumungo. You’re beautiful.

Binuksan niya ang laptop niya at nagbasa.

Very courteous di ba? May art sa pang isnob

Hindi na ako nag attempt magtanong. Mga 2 years siyang ganun. Para sa akin isa siyang resident na ang requirement ay ambiance lang ng coffee shop at syempre, ang aking style sa pagpeprepare. Iba ang timpla ko sa kanya. May emosyon na. in fact may dasal na sana makilala ko siya o sana ma enjoy niya ang coffee ko.

Minsan binati ko siya, sabi ko, uy mukhang mamimiss kita, im leaving for Singapore. Magtatransfer na ko.

Wala siyang salita. Kinuha niya ang coffee at naupo agad sa pwesto niya. Nagbukas ng laptop at nagsulat

Oo nga naman. Ano naman ang pakiaalam niya sa akin di ba?

Napansin ko na lang na unti-unti ay dumadalang ang pagkakape niya. Weeks na pala siyang wala. Parang may kulang. Siya. Yung mystery niya. Hindi ko naman siya mahagilap kasi hindi  ko alam real name niya.

Hindi ko alam kung namimiss ko siya o sadyang nachachalenge pa rin akong hanapin ang kalooban niya. Kung sino ba talaga siya.

Magreresign na ko. Para kasing wala ng nangyayari sa buhay ko dito. Masaya naman, promoted nga ako at family na nga kami dito pero gusto ko iba naman. Kaya nga tinanggap ko  ang offer na magtransfer sa Singapore.

1 week before ako magtransfer sa Singapore, may lumapit na matandang babae.

Hi Tess?

Hi mam, can I have your order?

1 tall Earlgrey tea. Pwede ba kita makausap during your break?

Po?

May importante lang sana akong sasabihin sa’yo.

Okay po. Ako ang nagserve ng tea at kinausap ko na rin siya.

I’m  Ms. Pascual. May ibibigay lang sana ako sayo

Saka inabot niya ang isang book.

Ano po ito?

Book made by my son – Drake.

Okay? Ang pamagat ng libro : What’s with Coffee?

Compilation of different stories yan. Pero merong isang page about you?

About me?

Basahin mo muna, last page.

I start reading the last page. At walang patid ang pagtulo ng luha ko.

Ang fairy tale, laging nagtatapos sa and they live happily ever after. Maraming kwento akong naisulat sa aklat na ito. Pakiramdam ko yung iba hindi luto. Kulang sa emosyon. Nagiguilty ako. Parang hindi ko nabibigyang justice ang kapeng kasalo ko. Giniling, niluto, mabangung-mabango.

Sa labindalawang kwento ng pag-ibig na ito, siguro yung panlabintatlo ang totoo.

Para kay Tess na walang sawang gumawa ng kape ko. Sa mga pagtatangka niyang pakikipag-usap sa akin. Sa lahat ng inspirasyon.

Gustuhin ko mang makipagkilala, alam kong hindi magbeblend ang aming timpla.

Masaya siya sa buhay niya. Nakikita ko yun sa bawat galaw niya, sa kanyang mga ngiti at kinang ng kanyang mata.

Gusto ko man siya, sadyang hindi ako para sa kanya.

Sapat na ang inspirasyon. Ang mabigyan ko ng katotohanan na nakakaintindi ako ng buhay, nakakakilala ako ng pag-ibig, sa kabila ng lahat.

Sa twing isisigaw niya na  1 Kenya Blend Coffee for Drake

Nanginginig ako, natutuwa, nakikiliti. Pinapansin niya ko. Siya lang ang masayang tumatawag sa’kin. At nabubuhay ako.

Ms. Pascual, ano pong ibig sabihin?

May mild autism si Drake. Hindi siya nakapagcollege. Naghomeschool lang siya para makatapos ng high school. May difficulty siya sa socialization. Loner siya. Pero masaya naman sa t’wing may iniisip. Mag-isa siya palagi. Nakikilala lang namin siya at nalalaman ang feelings niya sa mga sinusulat niya.

Po? so nasan na po siya.

Masyadong lumalim ang imagination niya. Nagkukulong at nagsusulat. Akala namin may tinatapos lang, pero nainvolve siya. He committed suicide.

What!?

No suicide note except sa last story niya. Sabi niya, reality sa buhay na may mamahalin ka na hindi magiging iyo, na iiwanan ka. At iniwan daw siya ni Tess.

I really think kailangan  mong malaman ‘to. Hindi para mabother ka, kundi I guess for my son’s personal peace.

Hinawakan ni Ms. Pascual ang kamay ko.

Salamat sa lahat. Hindi ako galit. Walang dahilan. Naging inspirasyon ka. Gusto ko lang sabihin na salamat dahil nakahanap ng pagmamahal at naintindihan ng anak ko ang pagmamahal na hindi niya naranasan sa school.

Nagflashback ang lahat sa akin.Ang bilis. Yung salitang binitiwan ko nung sinabi ko sa kanya na mamimis ko siya dahil maaassign ako sa ibang bansa. Ang mga nagrereview sa coffee store, ang sabi ng dad ko na magduktor ako, ang decision kong mag apply dito, ang promotion ko – ang naging offer sa kin sa Saingapore.

Hindi ko alam kung mas magiging mabango ang kape sa Singapore. Pero natitiyak kong naging mabango ako hindi man kay Dad kundi sa ibang tao.

Bago umalis, pumunta ako sa memorial, dala ang 1 cup of Kenyan coffee – para kay Drake. Umiiyak ako, kasabay ng pag-iyak ng langit.

Drake, sinubukan kong dalhan ka ng mainit  na kape, kaso lumamig agad, umuulan e, I’m sure mage enjoy ka dyan. Iba’t-ibang klase ng kape ang matitikman mo.

Pumunta ako sa Singapore, dala ang pangarap na pag nakaipon, uuwi ako at magtatayo ng sarili kong coffee shop. Drake’s Coffee World.

Advertisements

27 comments on “Coffee Talk

  1. nak ng……. tagos lahat ang bawat salitang isinulat mo dito. saludo ako sayo pare.

    good luck sa planong coffee shop, asahan mong bibili ako ng kape sayo kahit hindi ako talaga mahilig sa kape. 🙂

    blue : hahaha sige, hanggang sapagbubukas ng Drake’s Coffee World

  2. natouched naman ako sa kwento…

    wag mong tagalan yung pagtatayo ng coffee shop ha? may sigurado ka ng suki…:)

    blue : Yahoo! hindi na ko mawawalan ng client pag nagkataon LOL

    • pero dapat may libreng story telling habang nagkakape 🙂

      Goodluck!

      blue : hirap nun hehehe peotry reading na lang. nakakainip ata pag story telling, okay ba sa yo kung si kuya bodgie ang magkukwento? lolz

  3. wow…..bilb ako sa post na ito…malalim at maganda ang pagkahabi parekoy…
    ika nga tumatagos….
    salamat ha….siyanga pala..
    kailan ang opening ng Drake’s Coffee World,

    blue : actually plano ng ang kaibigan ko na magtayo kami ng coffee shop kaso hindi sa manila, sa area nila near University. Pag natuloy at pag may branch na inform kita hehehehe

  4. ganda ng kwento… yan ang gus2 kong kwento ung may namatay.. sna makagawa ka pa ng isa pa.
    pero sana hindi lang isa.. sana marami pa. I LOVE YOUR STORY BLUE…REALLY…

    blue : masokista? hehehe btw, kilala ba kita?

  5. wow naalala ko ung pagkikita namen ni ate winkie dahil sa coffe shop,sa starbucks kasi kami nagtuloy at dun nagkwentuhan..ang gandang kwento nito..
    nawa’y matuloy ang bubuksan nyong coffee shop ng pamuntahan namen at matikman ko din ang kenyan coffee, sayang si drake..hays..

    blue : sana nga, atat na atat na rin ako hehehe

  6. aw.. kakainspayr. kakaiyak. hanggang ngayon naggoosebumps ako. awoo. x(

    nice one, dude

    blue: hehehe kakainspire din magsulat. salamat sa comment. daanan ko blog mo later. medyo busy lang

  7. wow dude… kulit naman ng tatay mo,
    abogado kasi eh, siyempre ganun sa pinas.. gusto nila ganun ka din o kahit anung singtaas nun,

    ang lupit naman, grabe… sayang si drake..
    wow… wala akong masabi… nalungkot ako dun..

    hindi talaga ako nagkakape sa mga sosyaling coffee shop, kasi mahal at talagang hindi ko afford… wala nga akong idea kung anung meron dun…
    pero magiging customer mo ko sa Drake’s Coffee World.

    asahan mo yun,,

    ps

    nakakatuwa kung paano ako nakarating dito,
    naghahanap ako ng hints sa google kung paano madaling makapasok na barista kasi nagaapply din ako, tapos suwak.. dito ako napunta!!!
    ilalagay kita sa links ko kapatid! at babalik balik ulit dito! salamat!

    blue : itry mo rin minsan. pero coffee bean and tea leaf and recommended ko.

  8. Beautiful. Simply beautiful. Hindi dahil nag-suicide ‘yung isa sa characters. Hindi ako ganoon ka-morbid. But I really love the exquisite melancholy of love tragedies. Thumbs up, Blue!

    blue : thanks. anong blog mo menn

    • Hindi pa ako nagsisimula. Tatapusin ko muna ang mga obligasyon ko sa Rotaract, submission kasi ng year-end reports until Friday. Soon after, e-mail kita (at lahat ng nasa mailing list ko) kapag nakapagsimula na ako. Thanks for asking.

      blue : sige, abangan namin. 🙂

  9. ang ganda naman nito…. hayss.. sa nga lang ng kwento.. minsan hindi natin alam sa bawat kilos pala natin may tao tayong napapasaya.. may mga taong sa atin pala humuhugot ng inspirasyon…

    ganda nito… moving..

    blue: tenks. kaya dapat laging happy tayo sa ginagawa natin para happy feeling rin ang naitatransmit natin. hindi natin alam kung kelan may nakatingin at kelan wala. 🙂

  10. great story. kadalasan kailangan patayin ang father image (figurative sense) para makita ang sarili mo.

    blue : hey salamat sa pagdaan. thanks for the comment. buhayin ko muna ang father image, baka sakaling maintindihan ko hehehe

  11. this is so sad. in all fairness, i like how the ending was written. very unique and very fresh.

    nice blog! nagulat ako nakita ko sarili ko sa links.

    blue: napadaan ako minsan sa blog mo, interesting kaya inadd ko 🙂

  12. naiyak ako, pamis….. sana maishare ko rin yung kwento ko sayo no, mahilig din ako magsulat kaso sa mga sulat mo saludo ako.

    sana pag uwi ko ng pinas makainom ako sa coffee shop mo. (coffeedictus ako e)

    God bless!

    blue: uy salamat napadaan ka. share m rin mga sinulat mo. ano blog link mo? ingat dyan sa dubai!

  13. drake’s coffee world? ayaw. gusto ko **********. Bwahaha! Excited na ako. Here’s to a hundred cups of kenyan coffee served in our coffee shop!

    blue: hehehe inedit ko ang pangalan ng ating soon to launch – coffeeshop. baka may gumaya lol.

  14. ganda ng story..first time ko makabasa ng blog na ganito..pwde ba irepost sa fb kuya? =)..
    funny how you touched a life of an man who has a mild autism. =) ang galing tlga ng mga barista, sana ako rin 1 day maging barista =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s