Paghihintay

Dumating ka at nagbigay liwanag. Nakita ko ang umaga’t nakayakap ang tanghali.

sunny

Buong araw, kay sigla nitong araw! Anu’t nagpaalam ka? Dahan-dahan, kinikitil ako ng sandali, sa walang katiyakang paghihintay kung muli kang makikita.

sunset 1

Umaasa akong magbabalik ka, pinangako mo yan, panghahawakan ko habang nabubuhay.

new-years-eve-pics_2008-320

O ang haba ng gabi. Kay lungkot. Natatakot akong mag-isa.

new-years-eve-pics_2008-404

Nangangambang hindi ka magbalik. Sa lalim ng gabi’y nakatanod ang takot – ang walang katiyakang paghihintay.

moon face

Sa laot kung saan tayo naghiwalay, inabangan kita. Muling hinintay, nananalig sa mga salita mong magbabalik.

sunrise

Sa likod ng mga ulap, nasulyapan ka, dumaan.Subalit hindi na nagawang huminto upang kumaway.

new-years-eve-pics_2008-441

Nariyan ka ngayon. Tumupad sa pagbabalik… subalit hindi sa akin.

lighthouse

Mga kuhang larawan mula sa aking bakasyon sa corregidor nitong May 1 – 2, 2009. Upang puntahan ang iba pang larawan, i-click : corregidor 2009

Advertisements

21 comments on “Paghihintay

  1. Hello, I am new to your page but I find it interesting. I will read more about it. Go go Blog jud bai..TC..

    ^ ^

    blue: hey thanks. i’l add you later sa roll.

  2. “Hello, I am new to your page but I find it interesting. I will read more about it. Go go Blog jud bai..TC..”

    same here dude!!!

    ang ganda nung kuha sa araw at buwan…

    blue : salamat. hiniram ko lang yung camera sa sis ko. love ko talaga kumuha ng pix.

  3. ang nice ng mga shot’s at ang ganda ng tula..galing mo talaga kuya..

    blue : salamat. kung may maganda nga sana akong camera siguro m arami akong maipapakita. nakikihiram lang ako muna sa sis ko. 😉

  4. clap, clap, clap

    Ayos, maka-makata.
    Mga kuha pala iyong mga larawang iyon sa Corregidor, buti walang Ghost Foto. ^_^

    blue:wla nga. weird lang dahil nung kinuhaan ko yung ruin may lumabas sa camera na deteted face. pero wlang face

  5. makakalikasan ka talaga bro. ayos to ha. parang naka adobe. he he

    blue : hi junrey. raw pix yan. no to adobe photoshop, masisira ang concept ng nature, wala daw sa camera, nasa composition, composition, composition 😉

  6. Mother’s day is makata day..

    astig ng mga post puro mga patula/tula..

    galing galing!!

    Happy Ermat day!

    uy.. nice images ha. astig!

    blue : tank yu! hapi maders dey din sa lahat!

  7. The last photo is simply beautiful. One day, gusto kong akyatin ang parola.

    I’m here returning the favor.

    blue : ey tenks. buti magaling ka na. yup though mas mataas ata ang parola sa ilocos, sa corregidor 50+ steps lang. Medyo mababa, nagkataon lang na nasa mataas na place.

  8. nice po! nag-aral ka ba ng photography?

    yung last pic, reminds me the movie “the promise”. dyan sa tore na yan nalagutan ng hininga yung matandang lalaki.

    blue: nope. actually basic knowledge nung high school. hilig lang talaga.

  9. ganda ng mga kuha mo lalo na yung sa buwan, sa life house at sa blue na dagat. and on top of that, may mga tula pa na in fairness ay nakagawa rin ng kwento.

    saya!

    mahal ba pa- Corregidor?

    blue: 2800 lang ang corregidor, overnight; all in na yun. ferry, hotel, tour at lunch.

    • okay na pala, kaya ng pag-ipunan hehehe. salamat sa info. punta ako roon pag may naaya na at pag tapos na ang rainy season.

      blue: yup hindi ka magsisisi, mag eenjoy ka dun. pwede ka ring pumunta mag isa, sama ka lang sa tour package, enjoy din naman.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s