Paghihintay (Part 2)

Dear Lord,

Naniniwala ako na wala kang creation na panget, at dahil ako ay isa sa mga creation nyo, hindi ako panget. Magaling ka rin sa art, laging may balance; kung may araw,  may buwan, may langit at may lupa, ang  kutsara may tinidor pero bakit ako walang katinidor?

Naniniwala ako sa sanctity of marriage, in fact no to pre marital sex. In short Lord,  virgin pa ko. Kapag nagkukwentuhan na ang mga friends ko regarding sex life, hindi ako makarelate. Wala akong mabida at syempre ako na naman ang pinagtatawanan nila sa huli. Nakakapressure Lord.

Minsan iniisip  ko, may problema ba sa’kin? Bakit hindi ako ligawin? Matalino naman ako. Marunong akong maghandle ng conversation. Kaya kong makarelate sa kahit kaninong tao, mahirap, mayaman at papayaman pa lang. Binata, binatilyo o kahit DOM. Pero parang wala akong dating sa kanila.

Ayoko namang magfirst move. Dalagang Pilipina ako. Hindi ako easy to get. Hindi ko naman kailangan pang patunayan yun di ba? Mid 30’s na ko at wala pang natitikman na luto niyo. Ooopps sorry Lord. Masarap ba talaga ang luto nyo?

Hindi na po ako mangangahas na sabihin sa inyo na gusto kong mag-asawa. Sabi kasi, may mga pinipili kayo for single blessedness, pero for the record, please consult me naman po, kung ano ang nasa kalooban ko – at yun nga po, ang nasa kalooban ko ay gusto kong mag-asawa.

Gusto kong maranasan na maging ganap na babae, magkaanak,  magpasuso ng bata – gusto kong makapagcontribute ng buhay sa mundo.

Handa naman po ako, financially, emotionally at psychologically.  Meron nga pong iba dyan, ang daming anak, hindi naman kayang buhayin. Ako po, may magandang trabaho, may ipon at galing sa mabuting pamilya. Nasisiguro ko po at magagarantiya ko na hindi salot sa lipunan ang magiging anak ko.

Sige na po, kahit birthday gift na lang. Nakailang novena na po ako kay St. Jude, kahit kay San Lorenzo Ruiz na inaasahan kong magiging padrino ko  dyan pero parang walang nangyayari. Kahit po kay Mother Mary, nakailang sali na nga ako sa Sta. Cruzan at Flores de Mayo pero parang deadma sila sa akin.

Ano po ba ang plano nyo sa akin? Magkakaasawa’t anak  pa po ba ako?

Tugon ni Lord

My child,

In as much as I want you to be happy, and in as much as I want to sacrifice my life again, your prayer is not possible as of the moment, since you are asking for a miracle. Lalaki ka anak. Sana maunawaan mo muna iyan.

—–
Tugon mula sa patimpalak (sa paramihan ng comment para sa isang t-shirt hehe) ni ka-blog na Otep na Libre Lang Mangarap sa kategoryang Mga Imposibleng Pangarap.

Advertisements

23 comments on “Paghihintay (Part 2)

  1. oki ang letter nya kay lord ha… pero nd tlga xa pede at sana maunawaan nya un hahaha…

    nice ang galing! heheh

    blue : in fairness, mabait pa rin si Lord.

  2. this is funny. magcocomment ako. i hope u get your shirt. 😀

    nagtataka ako.. sabi ko db lalaki may ari ng blog na to? ahaha

    blue : yeah, nakakadisorient na ba? sa ngalan ng t-shirt ni otep.

  3. hahaha…ok ka din noh? alam mo bang binabasa ko ‘to nang may pagtataka? kasi sabi ko sa sarili ko habang binabasa ‘to, “grabe naman yun, walang nanliligaw? imposible!” tapos ang ending bading pala sya! hahahaha!

    blue: konting twist though hesitant ako sa ending kasi nga cliche.May nagugulat pa rin pala

  4. haha..
    nice ang galing mid 30’s na nga wala pa din bi-ef..pero eniway ..
    magaling ang kwentong to..astig..
    sana isa din tayo sa makakuha ng libre lang mangarap ni kuya otep hehe..:)
    kuya bernard

    blue: hehehe salamat. abangan ko rin entry mo

  5. naisahan mo rin ako ha? akala ko nagkamali ako.. may twist pala sa dulo..hahaha 🙂

    galing mo talaga!

    blue : pangbreak ng seriousness. lol

  6. hahahahahaha…galing ng bernard! wala akong masabi…o sige na nga kung ako si otep …bigay ko na sa yo ang t-shirt…hehehehhe…tapos pahiramin mo rin ako ha!

    blue: uy mala sisterhood of the travelling pants lol nice idea? try kaya natin, magkukwento ako ng 1 day experience ko wearing the shirt, then il send it sayo, wear it and then share your 1 day activity then send it kay sandi, hanggang sa umabot kay kengkay, kay otep, azul, bionic, literantado at sa lahat ng kaexchange link natin! Ang saya di ba?!

  7. talagang tumugon si Lord haha! Neng may pag asa pa, kusang dadating sa ‘yo yan wag mong hintayin..nga pala pag nanalo ka hati tayo sa t-shirt promise?

    blue: sige hatiin natin ang t-shirt. lol

  8. Pingback: LLM T-SHIRT (UPDATE) « Libre Lang Mangarap! :)

  9. Pingback: LLM T-SHIRT MAKINIG KAYO! :) « Libre Lang Mangarap! :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s