Pangkaraniwang Puno

Kasabay ng taglagas ang paglipana ng mga ibon, mula sa iba’t-ibang kakahuyan, nakikipagsapalaran sa kung anong posibleng matuka nila. Ilang dahon ang unti-unting natuyo at nalaglag sa lupa. Pangkaraniwan na ito, gaya ng mga bungang natuyo na at napipigtas sa pagbayo ng hangin.

Walang nakakaalam kung kanino nagmula, kung mula sa mga ibon o sadyang tinangay ng hangin. Isang butil ng buto ang napadpad at kumapit sa lupa. Sa likas na pag-aalaga ng daigdig; nadiligan, naarawan at naipunla sa matabang lupa ang butil hanggang sa magising at naging ganap na halaman.

Wala ni isang katulad, napansin siya sa panahon ng tagsibol. Tirik ang araw, namumukadkad ang mga bulaklak at masayang nag-aawitan ang mga ibon. Wala siyang pangalan, walang maitawag. Isa siyang panibagong halamang naghihintay ng pagkakakilanlan.

Lumaki siya’t lumago. Walang nagkainteres sa kanyang bunga – pagkat wala siyang pangalan, wala siyang pagkakakilanlan. Pinagmamasdan lamang siya ng mga kasama, paminsan-minsa’y pinupukulan ng atensiyon upang alamin kung  anong bago sa kanya. Wala ring ni isang nagtanong kung ano siya o kung saan siya nagmula.

Nahulog ang mga bunga, natuyo at umusbong. Ganito ang kanyang kapalaran. Dumaan ang panahon at nagmistulang taniman ng gayong puno. Nawala unti-unti ang maliliit na halaman sa kanilang tabi. Doon nagsimula ang kanilang paglago. Dumarami sila ng walang nakikinabang. Hanggang sa ituring silang pangkaraniwan.

Ang isang nag-iisa, bago at walang katulad na halaman ay naging ordinaryo na lamang sa kanilang paglago.

Lumago silang nanatiling walang pangalan.

Bahagi ng Mga Kwento sa Hardin

Advertisements

5 comments on “Pangkaraniwang Puno

  1. hmmm.. isang low profile na puno.. minsan ganyan ang buhay.. kung ordinaryong tao ka lamang, hindi ka pinapansin at hindi sinusubukan ang iyong mga gawa. Minsan pa ay pinagdududahan, nakakaranas ng pangmamata ng kanyang kapwa..ngunit ang ganitong mga puno ay may bungang may taglay ng kapakumbabaan, katapatan, kagandahan at kadakilaan sa kanilang kalooban.

    hehe..nagmamarunong kuno! 🙂
    tugma ba sagot ko sa iyong iniisip?

    blue: yup. ang mga pangkaraniwang puno at ang tao, madalas hindi nakikita ang kabutihan, hindi nararanasang maging espesyal sapagkat nasa gitna ng karagatan ng mga puno….

  2. the path to obscurity….
    ang maging karaniwan….
    di pansin ng karamihan….

    dito gumagawa ng kanyang kwento ang Diyos na Maylikha!

    matalas na mata ang kailangan
    upang mapagsino ang tunay na kahalagahan
    ng isang nilikhang pangkaraniwan.

    ayan…napatula tuloy ako…kakainspire naman ito Blue!
    ang kakulay mo…si bluguy

    blue: hi blu! medyo busy kaya ngayon lang ako nakapagapprove ng mga comment. salamat sa madalas na pagdaan.

  3. I beg to defer..Tingin ko naging important yung original na puno kasi nagbunga siya ng marami pang puno. Sa dami ng naging bunga, ilan sa mga yun sisbol ng merong pangalan–meaning FAME. Katulad nga ng tao, yung nagsimula na hindi kilala, pero yung mga sumunod sa kanya, makikilala na rin. Or sa Road Less Travelled, yung original traveller hindi alam ung daan pero pagdaan ng panahon, dadami ang travellers at bibigyan na nila ng pangalan yung road na yun. Yun lang po. Bow!

    blue: yup. tama ka or pwede nating sabihing madalas, ang appreciation, naipapakita pag wala na yung subject.

  4. ouch… tinamaan ako dito ah. i agree lahat ng ginagawa ng isang tao , hindi nabibigyan minsan ng sapat na appreciation, pag wala na at saka nagkukumahog.

    lahat ng tao siguro guilty dito. pero ang nakakalungkot malamang isa sa bawat sa atin laging maihahalintulad sa low profile na puno…

    salamat sa napakainteresanteng post.

    blue: walang anuman

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s