years after…

Nakausap kita, nangangamusta. Binalita mo na okay ka na. Nakamove on na.Kinalimutan mo na siya. Natatawa ka pa nga. Sinasabi mong mabuti at wala na kayo. Nalulungkot ka sa nangyayari sa kanya pero wala ka ng magagawa. Nagkanya-kanya na kayo at nagpapasalamat ka sa Diyos dahil ginising ka niya. Iyon ang sinabi mo.

Hindi ko alam kung bakit iba ang narinig ko. Hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan ang pagkakaintindi ko. Na naaapektuhan ka sa nangyayari sa kanya. Na nais mong malaman kung ano na ang balita. Na wala kang magawa o sana may magagawa ka sa kinasasadlakan niya pero hindi na kayo at wala kang paraan para muling mainvolve. Hindi mo man sabihin, parang ang pagkakaintindi ko ay nais mong malaman ang contact number niya o kung paano siya makakausap. Tinapos natin ang pag-uusap na parang bitin, na parang nais mong malaman kung ano ang mga sinabi niya tungkol sa iyo o kung nabanggit ka man lang ba niya.

Hindi ka bitter, hindi yun ang nais kong iparating. Gusto ko lang sabihin na minsan, hindi maitatago ng mga salita ang hinanakit ng loob. Matalim ang boses, malalim ang hinga, may tonong naghahanap pa rin ng sagot.

Hindi kinakailangang magpaliwanag at patunayan sa lahat na okay ka na. Malilimutan rin ng mga tao; ng mga kaibigan mo ang pinagdaanan mo. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang problema, naging bahagi man tayo sa isa’t-isa, hindi  kinakailangan ng paliwanag o kwento kung  kumusta ka na.

Kahit taon ang lumipas, kung sakaling nasasaktan ka pa rin o nalulungkot o nag-iisip kung bakit nangyari yun, ganun talaga. Hindi lang tayo rational being – emotional and social being rin tayo. Hindi ibig sabihin nun na hindi ka nakamove on. Minsan ang ibig sabihin nung ganung sakit sa kabila ng taon na lumipas ay – nagmahal ka ng tunay. Malalim at totoo. Dahil dun, hinahangaan kita.

Advertisements

20 comments on “years after…

  1. mahirap na usapin talaga ang moving-on, may mga bagay kasi sa ating buhay na parang multo na sumusunod sa bawat hakbang ng ating buhay. tama you dont have to prove na naka-move-on ka na….ang mahalaga patuloy ang iyong paglalakbay…at kahit paminsan-minsan binabalikan ka pa rin ng bangungot ng iyong kahapon….sino ba ang hindi?

    blue: well said. got my point. 🙂

  2. sa una masakit talaga pag gnyan, marami kang hindi maiintindihan, maguguluhan ka, mgtatanong at magiisip ng magiisip.

    pro sabi nga nila kahit anong sugat naghihilom, pati sugat sa puso.

    blue: yup. hindi lang natin alam kung kailan.

  3. Totoo un. Mahirap mag-move on at hindi lahat ng tao magaling maka-get over. That’s why we have friends..Minsan unfair sa mga friend mo kasi sounding board na sila ng mga paulit-ulit mong litanya. 🙂

    blue: buti kamo at friend sila. naiintindihan nila kung bakit paulit ulit ang iyong litanya.

  4. agree ako sayo..ang mga taong nasasaktan hindi na kailangan magpaliwanag sa taong hindi aman alam kung anu pinagdaraan nia..

    kung hindi maka move on agad,we all know na eventually magagawa din nia yun.

    blue: yup para kasing we owe an explanation to everyone

  5. hehe.. di ako makakarelate dyan NBSB member ako. (hindi ako nahihiya dahil case to case basis naman ‘to at di naman talaga dapat ikahiya or ika conscious) pero siguro sa case ng unrequited love possible pa rin ang moving on.

    thanks for that post 🙂

    blue: thanks din sa pagdaan

  6. tulad nga ng sinabi ko dati sa post ko, sa heart for sale.. “wala kang makukuhang bago. kung di ka bibitaw sa luma.” well lahat ay may tamang panahon.. ako move on naku jan.. sa una lang masakit talaga.. pero time flies so fast.. 🙂

    blue: tama… sa una masakit! nakanang hahahaha

  7. Hindi ako naka-relate . . . Nung may ka-MU ako dati – wala ng tanong-tanong kalimutan kagad. Hehehe. Siguro selfish lang talaga ako at matigas ang puso ko NOON.

    Ngayon siguro gagawin ko na lang ihemplo ang isinulat mong ito, para sa darating na panahon kung dumating yung para sa akin magkaroon na ako ng script sa utak katulad niyan.

    blue: hahaha talagang skrip lol

  8. mahirap naman talaga ang moving on lalo pa’t binigay mo ang lahat.
    pero, sa una lang talaga mahirap.

    blue: hahaha oo nga, lahat naman sa una lang mahirap 😉

  9. totoo ang kwento mo tinamaan yata ako….lam mo 3 years ago na din kaming hiwalay at ang sabi ko sa sarili ko bahala na xa dahil tapos na kami na ala na akong paki alam sakanya…pero minsan pag may pagkakataon gusto kong makarinig ng tungkol sa kanya sa mga kaibigan nya,,ipokrita yata ako kng sasabihin kung okey at naka move on naku pero ang totoo mahal ko parin xa hanggang ngayun at iniiyakan ko parin sya sa gabi sa twing naalala ko ung mga panahung magkasama pa kami….thank u sa story mo maganda….

    blue: walang anuman. ganun talaga pag nagmahal 😉

  10. baduy, pero sige, isisingit ko yung kanta ni vina morales na ka-love team ni liverlover boy robin:

    kung magkikita tayong muli
    relaks ka lang
    di kita ibubuko sinumang kasama mo…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s