Buknoy

Si Buknoy. Mala-alikabok na lumulutang-lutang, magaan na magaan, namamasyal sa kalawakan.Hindi niya alam kung saan siya galing at kung ano ang kanyang mararating, gaya lamang siya ng bilyung-bilyong alikabok sa kalawakan. Walang nakakaalam kung  ano siya, at dahil wala siyang pagkakakilanlan, hindi alam kung paano siya titimbangin. Wala siyang bigat para ibilang. Masyado naman siyang maliit para sukatin, wala siyang halaga. Napakaordinaryo, ni hindi matawag na nilalang.

Sa kanyang paglutang-lutang, nagawi siya sa isang maliwanag, kabigha-bighaning pangitain, isang bolang may tubig at lupang napupuno ng hardin. Nanlaki ang kanyang paningin… Daigdig! Magpatuloy sa pagbasa

Ang Best Friend kong si Pluto

plutoLahat naman tayo may paborito di ba? Mula sa mga subject, classmate, teachers, at minsan kahit notebook, meron tayong gustong-gustong sinusulatan. Nung tinuro na sa klase ang solar system. Syempre, bukas na bukas ang mata ko with matching nakanganga pa habang namamangha sa ganda ng mga planeta. May pula, may malaki, merong may ring… pero sa lahat ng iyon, ang naging paborito ko ay ang Pluto.

Maliit lang siya, malayo, halos hindi naaarawan. Nasa isip ko, kawawa naman siya. Siguro nalalamigan siya. Wala siyang makausap at ni hindi siya maabot ng tanaw. Kaya siguro naging paborito ko ito, sa loob-loob ko kasi, kailangan niya ng atensyon. Mula noon, naging paborito ko ang Pluto.

Hindi lang ako, kahit mga barkada ko. Pag planeta ang pag uusapan, si Pluto ang bida. Kasabay niyang sumikat si Pluto na aso. Siguro kaya naging malapit siya sa loob namin dahil sa asong si Pluto. Magpatuloy sa pagbasa

Class Picture

Noong gumaradweyt ako ng college, hindi ko pinangarap magturo ng elementary. Una ay hindi ko ito forte, pang high school kasi ang tinapos ko pero dahil nga ayokong magturo ng Christian Living,  Filipino ang tinuro ko at sa elementary ako naassign.

Hindi ko rin inisip na magugustuhan ko ang experience na yun. Masarap pala sa piling ng mga bata.  Marami kang matututunan nang hindi sinasadya.

Diskarte ko noon, kahit hindi sila matuto sa subject ko. Ang mahalaga maging masaya sila. Kaya puro kulitan ang naging approach ko.  Pagtanda ng mga iyan, hindi nila maaalala kung saan nila natutunan ang gamit ng pangatnig, pangngalan, pantukoy, pandiwa o kaya pang-abay na pamanahon.  Ang mag-iiwan ng marka sa isip at puso nila ay kung sino ang gurong nakakakwentuhan nila ng madalas, nakalaro ng taguan, nagturo ng mga kantang nilagyan ng actions, nagpanalo sa kanila sa mga sayaw at nagbahagi ng sari-saring kwento. Hindi mahalaga kung hindi ka matutong magbasa, ikukuwento ko na lang sa’yo. Im sure, pag nagustuhan mo ang mga kwento sa libro, gagawa ka ng paraan para matutong magbasa. Simple lang. Huwag piliting mahinog para hindi mabugok.

Limang taon na rin ang nakalipas. Iyon ang huling taon ko sa pagtuturo. Bihira akong makapagbukas ng Friendster kaya hindi ko na nasusubaybayan kung kumusta na sila.  Highschool na ang mga iyon.

Sa t’wing iniisip ko kung ano na ang nangyari sa kanila, pinagmamasdan ko na lang ‘to, at gaya ng nasa class picture, sana manatili ang ngiti sa kanilang mga labi.

Ang mababait kong estudyante.

Grade 3 - St. Sealtiel

Winding Road

(sa mga naghihintay kung ano na ang nangyari kay Ning, narito ang kasunod na bahagi)

Uy! Hello, hello, hello, im back!

Oh My God, what a surprise, ano ba? Anong nangyari sayo?

Hindi naman halatang namiss mo ko ng sobra

Yan ang namiss ko sa’yo! Yang mga linyang yan. So anong nangyari? After ng pageant hindi ka na nagparamdam

Hahaha at talagang pageant pa rin ang nasa isip mo. Ang dami ng nangyari no,

So ano na nga?

Okay sige para matapos na to, ganito yun, nagbackout ako 2 hours before the pageant.

Bakit nga? Sinabi na lang ng host na one of the contestants was sent to the hospital

alibi na lang syempre. Pero ang totoo, masyado silang magaganda. Alam mo yung pakiramdam na para kang nasa gitna ng prusisyon ng mga santo? Lahat sila kutis porselana, ang tatangkad, ang lalaking bulas, as in inenjoy ko naman ang mga activities pero ayokong maging ordinary kapag nasa stage na. Magpatuloy sa pagbasa

Pagudpud Trip

Natapos ang bakasyon nang hindi ko man lang naenjoy ang beach dahil nga sunod-sunod ang activities / openhouse namin tuwing weekend nitong buwan ng Mayo. Corregidor lang ang napuntahan ko at matapos nun ay trabaho na.

Kaya nga nitong Huwebes ng gabi ay takbo agad kasama ng mga kaopisina  sa Pagudpod, bayan sa Ilocos Norte na sa tingin ko ay mula sa salitang pagod at pudpod; pagud ka na, pudpod pa ang sapatos mo hehehe

Naunawaan ko ang depinisyon ng Malayo. Ang pagudpud ay malayo! Sa tingin ko nga ay excited ang shuttle namin, ayaw tumigil sa pag-andar. Hangga’t may nasasayarang daan ay andar ng andar na para bang walang katapusan. Magpatuloy sa pagbasa

May Learning

Mga natutunan ko nitong buwan ng Mayo.

  1. Ang Corregidor pala ay parte ng Cavite at hindi ng Bataan.
  2. Mayroon palang tinawatag na Jabidah Massacre, nakakapanindig balahibo.
  3. at may plano palang bawiin ng Pilipinas ang Sabah noon!
  4. Hindi naman pala maliit ang isdang butete
  5. Ang sea horse ay ang nag-iisang lalaking  hayop na nabubuntis
  6. Ang ecstacy at absolute mineral water ay mainam na pampagana.
  7. Hindi bagay ang bandana kung nakahubad.
  8. Mahirap makipagrelasyon sa marunong mag lypo. Para ka lang nilalypo!
  9. Mas importante ang issue ng sex scandal kesa sa isyu ng mga isla sa Kalayaan! Magpatuloy sa pagbasa