May Learning

Mga natutunan ko nitong buwan ng Mayo.

  1. Ang Corregidor pala ay parte ng Cavite at hindi ng Bataan.
  2. Mayroon palang tinawatag na Jabidah Massacre, nakakapanindig balahibo.
  3. at may plano palang bawiin ng Pilipinas ang Sabah noon!
  4. Hindi naman pala maliit ang isdang butete
  5. Ang sea horse ay ang nag-iisang lalaking  hayop na nabubuntis
  6. Ang ecstacy at absolute mineral water ay mainam na pampagana.
  7. Hindi bagay ang bandana kung nakahubad.
  8. Mahirap makipagrelasyon sa marunong mag lypo. Para ka lang nilalypo!
  9. Mas importante ang issue ng sex scandal kesa sa isyu ng mga isla sa Kalayaan!

10.  Mahahalata mo ang gender ng isang tao kapag nag ingles na siya.

11.  Green ang kulay upang makatawag simpatya.

12.  Puti naman kung sobrang desperado na.

13.  wag nang bumili ng Royce black chocolate para hindi maoffend pag nilapitan ka ni Mandy at sabihing tito byu, I don’t like the taste.

14.  Election na! Malalagpasan natin ang krisis dahil lalakas na naman ang mga negosyo.

15.  May dalawang klase ang mga bloggers, 1. Serious bloggers 2. bloggers na wag mong seseryosohin hehehehe

Advertisements

22 comments on “May Learning

  1. “Mas importante ang issue ng sex scandal kesa sa isyu ng mga isla sa Kalayaan!”

    -tama to… nakakahiya na ang bansa natin

    “May dalawang klase ang mga bloggers, 1. Serious bloggers 2. bloggers na wag mong seseryosohin hehehehe”

    -san kaya ko d2??

    blue: ay nabasa ko. cute ang mga artik mo. kakaiba hehehe

  2. ayus tong mga learnings mo ah…..ang iba dito natutunan ko rin this month…ang iba ewan ko kung matutunan ko next month! hehehehehe,….wag mo na akong seryosohin…….

    blue: hehehe pwede ba yun, madalas nga seryoso ang blog mo 😉

  3. “15. May dalawang klase ang mga bloggers, 1. Serious bloggers 2. bloggers na wag mong seseryosohin hehehehe”

    alin kayo ako dito…aluy!

    blue: nakup! parang ang daming naconscious. hehehe hindi naman ako nang aaway. may nabasa lang kasi ako na hindi dapat basahin. sayang oras hehehe pero hindi kasali dito ang mga usual na binibisita ko sa blogroll ko. 😉

  4. Additional Info Abt. isdang butete: Hindi kinakain ang isdang butete kung hindi magaling magtanggal ng lason ang magluluto nito. Otherwise dedo ang kakain nito.

    Di ko na-gets yung no.10?

    Abt. no.15 : Hehehe. Kahit ano sa dalawang yan ride ako.

    blue: hehehe re number 10. pakinggan mo ang intonation at pronunciation. hehehe

  5. wah..hindi talaga bagay ang pulang bandana sa nakahubad at kung simpatya ang hanap mo..mag green ka hehe hang kulet eh noh…

    blue: basta ako kakanta na lang ako.. i feel so unsure, as i take your hand and leads you to the bedroom ay dance floor pala…

  6. haha..ayos ‘tong learning mo..
    yung 1 to 5..ewan ko ba kung kailan month of may ko natutunan ‘to.

    at yung iba ay nalam ko lang ngayong month of june pagkabasa ng paskil mo 🙂

    sa # 15.. hehehe dun na lang ako sa # 2 😉

    blue: uy sobra ka naman. patok na patok nga ang blog mo.parang our daily bread

  7. Mga natutunan ko nitong buwan ng Hunyo.
    1. Ang Corregidor pala ay parte ng Cavite at hindi ng Bataan.
    4. Hindi naman pala maliit ang isdang butete
    5. Ang sea horse ay ang nag-iisang lalaki
    Ang sea horse ay ang nag-iisang lalaking hayop na nabubuntis.

    hehe…nice post. 🙂

    blue: uy may naidagdag ako sa learning mo hehehe

  8. ayos ayos!
    napakaimpormatib.
    isasaksak ko lang sa utak ko.

    tit di dit ti dit

    wala ako sa dalawang bloggers na iyon! nakakalungkot naman! hakhak!

    blue: talagang may sound effect pa hehehe

  9. eekk, asa number tu yata ako, hahaha.

    hindi ko rin alam na parte pala ng cavite yun?

    blue: cavite nga dami rin nabibiktima hehehe. number 2? pahumble, ikaw nga ang mommy ng blogosphere lol.

  10. o talaga? ang corregidor ay parte ng cavite? AW!
    eh ganon talaga dito sa Pinas, mas mahalaga talaga ang sex issue kesa sa ibang mas mahalagang isyu kaya nga ang unlad ng ekonomiya natin eh. AWU!

    blue: sad n ga. lahat dito public entertainment.

  11. teka pag eleksyon ba, lalakas negosyo? kaninong negosyo? ng masa? o negosyo ng mga politiko na pangungurakot? hehe

    gayunpaman maayos din ang krisis at malalagpasan natin yan.

    blue: marami, mula sa tarpaulin, pagkain, volunteer at iba pa. sanay na naman tayo sa krisis so okay lang. hehehe

  12. napadaan lang po. nice post! 😀
    eleksyon na naman.. tsk.. tsk..
    parte pala ng cavite ang corregidor? di ko alam yun ah. hehehe. kabitenyo pa naman ako. hehe. thanks! 😀

    blue: nice, now u know 😉 spread the info lol

  13. oo nga, sobrang nasensationalise na yung scandal issue na yan..pati mga politiko tuloy nakikishowbiz na din..haha..

    blue: syempre election kaya pacute ang mga politicians hehehe

  14. katuwa.dami mong natutunan.hehe

    btw,maraming pinoy sa sabah.dito nga sa KL,napagkakamalan akong taga Sabah.hahaa

    blue: hehehe marami nga dyang pinoy, baka nga kamag anak pa natin sila.

  15. “Hindi bagay ang bandana kung nakahubad.”

    oo nga, pang aktibista lang dapat yun. eh yung lalaking nagsuot ng ganun sa ibang aspect active e.

    blue: wahahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s