Pagudpud Trip

Natapos ang bakasyon nang hindi ko man lang naenjoy ang beach dahil nga sunod-sunod ang activities / openhouse namin tuwing weekend nitong buwan ng Mayo. Corregidor lang ang napuntahan ko at matapos nun ay trabaho na.

Kaya nga nitong Huwebes ng gabi ay takbo agad kasama ng mga kaopisina  sa Pagudpod, bayan sa Ilocos Norte na sa tingin ko ay mula sa salitang pagod at pudpod; pagud ka na, pudpod pa ang sapatos mo hehehe

Naunawaan ko ang depinisyon ng Malayo. Ang pagudpud ay malayo! Sa tingin ko nga ay excited ang shuttle namin, ayaw tumigil sa pag-andar. Hangga’t may nasasayarang daan ay andar ng andar na para bang walang katapusan.

Biyernes ng umaga ay nasa Vigan na kami. Dito kami nagbreakfast at nakilakad sa kalyeng mistulang nagbalik sa amin sa nakaraan. Nakakahiyang magsalita ng Ingles, kaya nga Kastila ang ginamit naming wika. lol.

vigan heritage site
Matapos mag breakfast ay takbo na naman patungong Pagudpud.

Apat na beses na akong nakarating dito sa Ilocos, ngayon ko naramdaman ang layo. Dati kasi ang daming stopover, ngayon ay beach lang ang sadya namin, isa pa, hindi ito yung dati naming pinupuntahan na pagudpud kung saan matatagpuan ang Saud – mas malayo pala ito, Pero infairness tumigil siya nang mangamoy at masira ang goma sa may bering! Buti na lang malapit na kaya sige go kahit sira, bukas na lang natin ipagawa. Inip na inip na ko magtampisaw. Nasa isip ko kasi langit ang pagudpud, madisgrasya man kami, langit din ang pupuntahan namin so pareho lang, Go! Go! Go!

Hannah’s Beach Resort ang pinuntahan namin. Sa dulo ng Luzon! Isang tambling, dalawang backstroke at samahan ng floating ay nasa Batanes ka na! Binuksan ko nga agad ang TV para malaman kung Taiwanese program na ang palabas, hindi pala, nakacable (satellite dish pala, pareho ba yun?) naman kaso puro Chinese, Japanese at Korean ang palabas. May kapamilya channel din kaso ang mga katrabaho ko, adik kay Regine Velasquez at sa All about Eve kaya nag internet na lang ako! Walang Globe at Sun and for the first time ay naappreciate ko ang Smart – SmartBro!

Maganda ang beach resort  :

  1. Hindi maalon kasi ang beach shore ay nakapasok o bahagyang nakapaloob, hindi siya deretsong tinatamaan ng alon di gaya ng ilang resort sa pagudpud. Para siyang isang lagoon!
  2. Image291

  3. Tahimik at hindi maraming tao.
  4. Image282

  5. Bago ang resort, 2 taon pa lang daw. Ang masaya dun, may bar,
    bar
    function room, swimming pool,
    pool
    game room at fitness gym,
    Image288
    malalaki rin ang room at spacious.
    Image281
    yun nga lang medyo mahal. 5,500 ang isang room good for 4 pax.
  6. Image289
    kaya nga kailangang mag tong-it para mabawi ang pinangbayad!

  7. Kung nagtitipid ka, magpaluto ka na lang sa labas dahil may kamahalaan ang food at walang libreng tubig. So kailangang mong bumili ng bottled water. Kaya nga para makatipid sa tubig ay nag Gran Matador na lang kami.  hik.
  8. May mga banana boat ride, kayaking at island hopping. Kaso nagtitipid kami kaya nilakad na lang namin papuntang isla! Sayang ang P500 na bayad sa bangka
  9. Image299

  10. may feeling of security ka sa lugar. Kahit pito lang daw sila na nakatao sa resort, kahit papaano ay madali silang pakiusapan at tawagin.

Umaga ng Linggo ay umalis na kami sa Pagudpud. Weird lang din dahil 5:00 am pa lang ay maliwanag na.

Syempre dumaan muna kami sa Bangui! Dahil nga fan ang mga kasama ko ni Regine Velasquez ay hinagilap namin ang lugar kung saan niya kinanta ang Biyahe Tayo ad na balita ko ay sa studio lang ginawa, pero sige na nga masunod lang ang luho! Balita ko ay 40% ang naibibigay nito na enerhiya para sa Ilocos Norte. Meron itong 20 wind turbines at nakatutulong ito para mabawasan ang emission ng greenhouse gasses. 70 meters ang taas na tila isang 23 storey building! Ang lapad ng elisi nito ay 41 meters. Kaya nga mapapanganga ka sa laki nito. Akala ko dati sinlaki lang ng bahay! Nasanay kasi ako sa mga lumang pelikula at sa picture sa birchtree milk ba yun?!
Image306

Tapos inakyat naman namin ang  Cape Bojeador sa Burgos Ilocos. Tanaw na tanaw rito ang South China Sea. Sinasabing ito ang pinakamataas na lighthouse sa Pilipinas.
Image316

Dumaan din kami kay Apo (Marcos Museum) na matatagpuan sa Batac.
ooopppss sorry bawal magpakuha, baka matunaw este for solemnity and respect ata ang dahilan.

Nakisilip din kami  sa Baroque architecture na Paoay Church. Nagulat ako dahil noon maaliwalas ang harap nito, nainis ako dahil nilagyan nila ng court

Image325saka ko napansin na wala itong pinto! Ay mali! nasa likod pala kami. Eto pala ang harap!
Image332
Earthquake resistant ang porma!
Image326
Nakilala rin ang Paoay sa kanyang payapang Lake at sa urban legend na noong EDSA revolution, hiniling daw ni Marcos sa mga Americano na dalhin siya sa Paoay kaso ang pagkarinig ng piloto ay Hawaii kaya doon siya napadpad. Nyek!

Sa ilang daan ko sa Ilocos ay hindi ako nakapunta sa Sand Dunes kaya nga kahit mainit ay sige, pinagtyagaan ko ang init. Malamang disyerto to kaya mainit!
Nabalitaan ko kasi na dito ginawa ang pelikulang Panday at ang Born on the Fourth of July ni Pareng Tom Cruise.
Image334

At sa wakas, hapon na ng makawala kami sa ilocos sur. Ang hirap nung pakiramdam na matutulog ka at magigising tapos ilocos pa rin! Alas dos na ng nakalabas kami ng Ilocos Sur, gusto ko na ngang magbaliktad ng damit dahil parang paulit-ulit lang ang dinadaanan namin. Napakaredundant kasi ng Ilocos Sur; daan, ginagawang daan, lubak, ginagawang tulay, daan, ginagawang daan, lubak, ginagawang tulay…. o di ba parang naligaw ka bigla sa diskripsyon ko ng Ilocos Sur!

At saka kami  naglunch sa San Fernando La Union.

9:30 na ng gabi ng makarating kami sa Makati at syempre pasok naman kinaumagahan para sa usual Monday Meeting.

Okay lang kahit pagod, enjoy naman sa Ilocos.

Halos marami na akong napuntahan sa Mindanao at Luzon pero sa Visayas, Boracay pa lang ang nararating ko kaya nga  sa June 26 – 28, pupunta naman ako sa Cebu at Bohol.  Update ko kayo!

Advertisements

28 comments on “Pagudpud Trip

  1. Ang ganda-ganda ng Pagudpud..Sana next stop mo Sagada tapos share mo sa lahat ng experiences mo…..tapos baba ka ng Bontoc kasi marami ding nice places to see there..pero mas masaya kung kasama mo love mo..hehehheheheh….cinnamon bread and brewed coffee in the morning while the mist slowly lifts up to reveal the never ending mountains of the North…hayyyyyyyyyyyyyyyyy

    blue; yes, napuntahan ko rin ang sagada at bontoc. gandang experience pero that was 4 years ago. hanapin ko mga pix ko and post ko next time hehehe pero yunng idea mo na kasama ang love ko, pag iisipan ko muna ha. parang kailangan kong maghanap muna lol hehehehe

  2. ok ka talaga sa conceptualization.. kay lawak ng isip mo.. akalain mo nabuo mo ang ganung iteresanteng kwento…your so galing… parang walang dull moment yung haba ng biyahe natin… hehehe.

    blue: hehehe kwentista ata ‘to. lol

  3. alam mo nakarating na rin kami dyan. ang biyahe namin inabot ng isang milyong taon, feeling ko lang ha, kasi ba naman nasiraan yung bus namin sa walang kawalan, waaaaa. mabuti na lang may nabili kaming chicharon ng ilocos, kaya kahit na tagal ng antay e busog naman 😀

    blue : hehehehe yun nag hindi ko nakain, ang chicharon! nalimutan ko.

  4. ang ga ganda ng mga tanawin…

    gusto ko ring mapuntahan yung simbahan
    pati yung kanyon sa korehidor.

    pasali naman sa tong its

    blue : hehehe baka mapasma ka lang kakabalasa lol

  5. huwaw! grabe ang trip to jerusalem mo kuya Bernard! actaully sa Friday pupunta yung mga kaibigan ko dyan. ilocos trip: Ancestral Houses, Vigan, Heritage Village, National Museum, The Padre Burgos House , Winding Patapat Bridge, Bangui, Windmills, Cape Bojeador Lighthouse, Kabigan Falls. Hindi naman ako makakasama kase hindi ako nakapag paalam para sa holiday! hay. buti pa kayo! at pupunta ka pa ng Bohol, kuya!

    package ba yang trip niyo?!

    blue: hehehe napost mo ulit. at pinost ko naman lol.

  6. hehe. hindi pala napublish yung pinakauna kong comment. yay, kelangan ko pang ulitin!

    huwaw! kuya Bernard, grabe yung trip niyo! actually yung mga kaibigan ko din, balak nilang pumunta diyan ngayong Friday kaso di naman ako makakasama! Ilocos Trip din: Ancestral Houses, Vigan, Heritage Village , National Museum – The Padre Burgos House, Winding Patapat Bridge , Bangui , Windmills, Cape Bojeador Lighthouse, Kabigan Falls. Yan yung package, package din ba sa inyo?!

    kaso di ako makakasama kase nga holiday sa friday, di naman ako napagpaalam sa opis! at hectic ang sched mo! pupunta ka pa ng bohol!

    blue: sayang, kung may chanceka, visit the place. hindi kami package. kami kami lang anyways napuntahan ko na yung place, ako na lang ang tour guide nila lol. matagal ko ng nabook yung cebu-bohol trip, mura lang ang eroplano. Php 700 lang roundtrip na.

  7. ok, ang mga larawan na kuha mo. parang postcards. napunta na rin ako ng ilocos. talagang magandang magpunta dun. may kalayuan lang.

    blue: very panoramic nga ang place, actually phonecam nokia6151 lang ang ginamit dyan kaya madilim at flat ang kulay.

  8. wow ang ganda ganda naman jan sa pugudpud… balita ko mula maynila to jan e PAGUDpod talaga… hehehe… ang maganda kasi jan parang sa isang lakaran andami mo ng madadaanang mga lugar at mga tanawin…

    nice post… madadalas ako dito… salamat po.

    blue: ako rin, tumatambay sa blog mo. ayos mga pic mo sa bolinao!

  9. ahahay pag muuwi kami sa la union panay reklamo na ko sa tagal ng byahe baka kung kasama nio ako nian ee uber kapal na ng kalyo ko sa pwet dahil sa tagal ng byahe..

    blue: hahahaha may paraan dyan, yung unang 7 oras, umupo ka na nakatagilid, yung susunod naman na 7 oras, sa kabila naman, para pantay pa rin ang pisngi ng wetpaks!

  10. i love pagudpud, nakita ko yan sa movie ni maricel at snooky “Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin” movie[1999 ata] ive never been there gusto ko mapuntahan yan kase yung sceneries eh at ambiance… uber!!!!

    blue: uber talaga. isama mo na sa places to visit mo.

  11. itp ang nais kung marating ang pagudpud…..sayang lang at sa aking paglagalag sa pinas di ko ito naabot…..salamat sa post na ito blue! i do really appreciate the info at with matching pics pa!

    blue: thanks din. okay lang, nalibot mo na naman ang roma hehehe

  12. isa lang ang masasabi ko WALANG GANYANG KAGANDANG LUGAR DITO SA DUBAI! napaka looooser kasi ng lugar na ‘to haha. da bes pa dyan kasi may fitness gym at kaunti ang tao. astig!

    blue: hehehe yun nga kakagulat dun, nakarating ang fitness equipment dito. oo nga, ang dubai, nagke create na lang ng mga manmade structure para puntahan ng mga tourist. hehehe

    • nagke create na lang ng mga manmade structure

      **asusme, nasundot mo. ang sand nga ng mga beaches dito import pa. at may treatment regularly para maging natural at umayon sa environment. well at least they are trying, makakatulong din siguro sa global warming ang pagpapahalaga nila sa nature 🙂 pero kung anu pa man e da bes pa di sa atin at ang mga shots mo hehe

  13. saya-saya naman at pagod-pagod!

    nakakatuwa itong pagkakakuwnto mo, parang nai-imagine ko na kasama mo ako sa biyahe. wahhhh gusto ko rin marating yan. pero unahin ko muna yung Corregidor kung saan ako naunang mag-comment. hahaha

    mabuhay at ipagpapatuloy ang iyong pagta-travel journal!

    • around Php500 ata ang bus to pagudpud. so around Php 1000 roundtrip. sa Pagudpud, kuha ka na lang ng mga murang resort. Para sure mga Php3500-Php4000 3d/3n na yun. dapat lang may kasama ka para mas tipid sa food and accommodation.

  14. Di kaya nagkasabay tayo sa Ilocos? We were there from June 4 to 8… 😀

    I was amazed with the province… It was like an insect trapped in amber… trapped in time… 😀

    Nice pics… Salamat sa pagdalaw sa bahay ko… At pupunta ka pala dito sa Cebu… 😀

  15. i’m a new member of WPP…

    about your trip, kagagaling ko lang din dun last 2 weeks ago…

    sarap sa Ilocos esp yung bagnet at yung longanisa… ang comfortable din ng kumot…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s