Winding Road

(sa mga naghihintay kung ano na ang nangyari kay Ning, narito ang kasunod na bahagi)

Uy! Hello, hello, hello, im back!

Oh My God, what a surprise, ano ba? Anong nangyari sayo?

Hindi naman halatang namiss mo ko ng sobra

Yan ang namiss ko sa’yo! Yang mga linyang yan. So anong nangyari? After ng pageant hindi ka na nagparamdam

Hahaha at talagang pageant pa rin ang nasa isip mo. Ang dami ng nangyari no,

So ano na nga?

Okay sige para matapos na to, ganito yun, nagbackout ako 2 hours before the pageant.

Bakit nga? Sinabi na lang ng host na one of the contestants was sent to the hospital

alibi na lang syempre. Pero ang totoo, masyado silang magaganda. Alam mo yung pakiramdam na para kang nasa gitna ng prusisyon ng mga santo? Lahat sila kutis porselana, ang tatangkad, ang lalaking bulas, as in inenjoy ko naman ang mga activities pero ayokong maging ordinary kapag nasa stage na.

malay mo naman, umandar na naman ang insecurities mo, maganda ka, though hindi ganun katangkad pero may laban ka dun

wala, alam ko yun, iba ang batch na yun. Unang salang ko pa lang nung nakita ko sila, My God! Parang naligaw ako dun. Lahat pa sila inglisan ng inglisan, puro signature ang gamit at kung hindi kilala ng organizer, anak ng dating contestant, yung iba naman nanalo na sa ibang pageant.

Sayang naman, andun ka na e.

Okay lang, nag enjoy ako sa mga activities.

Buti hindi nagalit ang organizer

Nope, natatawa nga ako sa reaction. Parang wala lang. parang naintindihan nila ako, yun bang confirmed na naligaw ako

Hindi nga? Salbahe naman nun

Nope, hindi naman. Actually, may counseling pa nga e. kinausap naman ako at sinabi ko ang feelings ko. Naiintindihan daw niya. Hindi ako nagalit, natuwa pa nga ako. Tsaka  ang ganda niya. Para kang nasa langit at sila ay mga anghel.

So after nun?

After nun, syempre, ayokong pagpiyestahan ninyo kaya bakasyon muna ako. ikaw kumusta ka na?

Busy pa rin sa work.

Balita ko you’re dating someone

Ang bilis ah,

Yup got it from facebook status message ni Rachel, pinagkakalat niya ng nagdedate ka,

Adik talaga yun. Yup, im dating, exclusively dating

Wow, paano mo nakilala? Sino?

May common friend kami. Nagkita kami sa isang house warming party and then pinakilala. Yun na.

So how is it going?

Getting to know pa rin. Alam mo na

Talagang ingat na ingat ka ah

I guess walang masama dun.

Dapat kasi relaxed ka. Dapat spontaneous

Hindi ba ko spontaneous?

Nope, conscious ka masyado

Don’t worry, ill try na mabago.

Buti nakikipagdate ka na?

Boredom? Hehehehe

Ganun?

Bored na siguro ako sa buhay. Nakakamiss yung may kasama kang manood ng sine, may hinahatid, may kausap ka sa phone nightlong, yung may nakakaasaran ka, nagkakapikunan

Nakakamiss nga yun, masarap talaga yung feeling na nasa relationship. Nurturing each other kahit minsan nagkakasakitan na kayo

Exactly, youre learning from each other and you keep on discovering about yourself di ba?

Inlove ka na kuya

Hahaha, siguro nga,

so for good na ba yan?

Hindi ko pa masabi, pero sa ngayon im enjoying it, to be in a company

Alam mo, swerte niya sayo

Really, bakit mo naman nasabi?

Kasi kilala kita. Alam kong hindi ka mananakit, Lagi kang maingat sa feelings ng iba.

Actually medyo takot nga ako, tagal na kasing wala ako sa ganitong estado. Nalimutan ko ng magmahal, kung paano magcare, isipin ang feelings ng iba. Hindi na ako sanay na may itetext  bawat oras, kukumustahin. Though nag eenjoy talaga ako

E Ikaw?

Anong ako?

Kamusta lovelife?

Hahaha wala pa. no rush naman. Gusto kong maging maingat. Siguro nagpalit naman tayo ng estado ngayon. Ayokong mapahiya sa sarili ko, again and again. Kaya nga ako nagjoin sa pageant di ba? Kailangan kong idiscover ang sarili ko.

And anong nadiscover mo so far?

Honestly?

Hmmm, yup

That Life is not a competiton, no one told us to compete, that we can proceed to life without competing each other. The competition is within us, between our set of goals, our vision. Kung may nakasabay ka sa buhay, hindi kinakailangang unahan siya, hindi dapat matakot kung nasa huli ka niya, o isipin na may ibig sabihin kung bakit kayo nagkasabay, kase hindi mo alam kung gusto ka niyang kasabay o kaya ay tutuloy siya sa tinatahak mo, minsan kasi bigla siyang lumiliko. Iba pala ang gusto niya. Hindi ka lang nagtanong kung saan siya papunta. Nag assume ka lang na pareho kayo ng pupuntahan.

Wow, that’s deep. Pang pageant?

Hindi rin kailangang magmadali, pwede namang maglakad. i-enjoy ang paglalakad. Sa pageant, lahat sila nakatingin sa malayo, ako lang ang nakatingin sa kanila. Kaya ko naramdaman na hindi ako para sa contest na yun. Hindi pa ako handa. Hindi ako nakatingin sa malayo. Isa akong fan nang mga oras na iyon. Yun ang binabago ko ngayon, tingnan ang sarili ko at wag ang ibang tao. Isipin kung ano ang gusto kong maabot, baguhin ang sarili kung kinakailangan para ako naman ang titingnan. Ako naman ang mapapansin. Ako naman ang mamahalin. That’s what I’ve learned today.

Im speechless

No, actually you just said something hindi mo lang narinig.

———

Dahil Buwan na ng Hunyo at pasukan na, gawin nating mala-klase ang Pagbabasa

Sagutin ang Gabay sa Pagbabasa (Pumili ng isa kung nagmamadali, kung hindi, sagutin lahat, may naghihintay na magandang sopresa matapos masagot ang mga tanong at mapindot ang submit. Totoo to. Hintayin ang tawag sa telepono hehehehe)

1. Tama ba ang desisyon ni Ning na umatras sa pageant? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Kung tumuloy siya sa competition, may posibilidad kaya siyang manalo? Bakit?

3.  Bakit nasabi ni Ning na “You just said something, hindi mo lang narinig”?

4. May nakasabay ka na ba sa iyong buhay na inakala mong papunta sa tutunguhin mo subalit biglang lumiko? Anong nangyari?

5. Ano ang ibig sabihin ng pamagat. Bigyan ng mas angkop na pamagat ang kwento.

Maaaring sundan ang nakaraang kwento : Alternate Route: Women Crossing

o kaya ay sundan ang buong kwento sa Love Signs

Advertisements

16 comments on “Winding Road

  1. sagot sa no.1
    …sa aking palagay dapat tinuloy nya….
    The competition is within us, between our set of goals, our vision…
    ergo…life is still in that light is, a competition..whether it is within oneself…pero di pa rin maitatwa ang isang realidad that we compete with one another…yung inner drive na yan…inherent na sa ating caharacter…
    siguro hindi naman problema ang competition eh, kundi kung pano natin tatanggapin ang result…at pano natin pagyayamanin ang mga aral that we derived from such an experience…in this stage called life…
    so dapat lang talaga itinuloy nga ang pagsali…

  2. sagot sa no. 5
    ..ang landasin naman talaga ng buhay ay parang winding road…hindi tuwid …minsan pa nga may sanga-sanga ito…anfd along the winding road we make decsions…maybe some wrong ddecisions…some good….and remeber we will never be alone in this journey in life….somewhere along the …may darating ….at may lilisan din….
    sa aking palagay…tama lang ang title…swak ika nga!

  3. 1. Tama ba ang desisyon ni Ning na umatras sa pageant? Ipaliwanag ang iyong sagot.

    Mali. Dapat syang lumaban para mapatunayan nya na hindi sya inferior sa iba. Ipakita nya kung paano sya maging isang unique na indibidwal.

    Kung hindi ngayon, kailan pa? bukas? walang katapusan ang bukas. Kailangan nya lang magtiwala sa sarili at labanan ang kanyang inferiority complex.

  4. kumain muna ako bag oko binasa ito at yung naunang post.hehe

    dun ako number 1.

    naisip ko lang kung hindi nya itinuloy, yun tlaga ang kapalaran niya. pinili nya yun. hindi nya tinuloy kasi wala sya inner drive na sabi ni kuya blu. wala na tayo magagawa. pero sabe oportunity knocks once so malamang kung naituloy nya yun, pedeng manalo siya. sayang naman bukod sa experience na pede nyang makuha

  5. sagot:

    1. dapat tinuloy nya, yun na yung advantage nya sa mga kalaban ang medyo maliit sa kanyng mga kapwa kontestant..madali siyang mapapansin. Sa kagandahan naman tuyak naman ako na maganda siya at kung matatalo siya pwede pa namang sumali ulit di ba? 😉

  6. poor ako sa q & a…. bsta masasabi ko lang 2 thumbs up ako sa speech ni girl…. akala ko pa naman sila ni guy ang magkakatuluyan….
    sobrang na in love ako sa mga characters!!! as in!!! true story ba to?!!??! haaaaaaaaaaaaay..pls… kelan po ba kayo mag ba blog ulet!!!!! hahahah…demanding lang!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s