Class Picture

Noong gumaradweyt ako ng college, hindi ko pinangarap magturo ng elementary. Una ay hindi ko ito forte, pang high school kasi ang tinapos ko pero dahil nga ayokong magturo ng Christian Living,  Filipino ang tinuro ko at sa elementary ako naassign.

Hindi ko rin inisip na magugustuhan ko ang experience na yun. Masarap pala sa piling ng mga bata.  Marami kang matututunan nang hindi sinasadya.

Diskarte ko noon, kahit hindi sila matuto sa subject ko. Ang mahalaga maging masaya sila. Kaya puro kulitan ang naging approach ko.  Pagtanda ng mga iyan, hindi nila maaalala kung saan nila natutunan ang gamit ng pangatnig, pangngalan, pantukoy, pandiwa o kaya pang-abay na pamanahon.  Ang mag-iiwan ng marka sa isip at puso nila ay kung sino ang gurong nakakakwentuhan nila ng madalas, nakalaro ng taguan, nagturo ng mga kantang nilagyan ng actions, nagpanalo sa kanila sa mga sayaw at nagbahagi ng sari-saring kwento. Hindi mahalaga kung hindi ka matutong magbasa, ikukuwento ko na lang sa’yo. Im sure, pag nagustuhan mo ang mga kwento sa libro, gagawa ka ng paraan para matutong magbasa. Simple lang. Huwag piliting mahinog para hindi mabugok.

Limang taon na rin ang nakalipas. Iyon ang huling taon ko sa pagtuturo. Bihira akong makapagbukas ng Friendster kaya hindi ko na nasusubaybayan kung kumusta na sila.  Highschool na ang mga iyon.

Sa t’wing iniisip ko kung ano na ang nangyari sa kanila, pinagmamasdan ko na lang ‘to, at gaya ng nasa class picture, sana manatili ang ngiti sa kanilang mga labi.

Ang mababait kong estudyante.

Grade 3 - St. Sealtiel

Advertisements

33 comments on “Class Picture

  1. lahat ng sinabi mo agree ako 10x pa. kasi ganun naman iyon e mas matuto ang bata kung hindi pinopors kumbaga alalay lang diba? at saka ang bata may certain instinct yan na tayong medyo may edad na(wag ka ng kumontra haha) e kung minsan e sadyang mamamangha sa mga learnings na yun.

    btw napaka cute ng class picture! 😀

  2. it’s so nice when u are recalling the past, nakatingin ka sa old photographs tapos tatawa ka na lang mag-isa, suddenly malulungkot ka…hikbi

    parang ako yun isa diyan ah SIR [ambisyoso sa edad lol]

  3. awww. ang cute naman ng picture! grabe ah! ako rin nagcatechist at hindi naman puro seryosohan ang ginawa namin.. may time din sa lokohan. may time din sa seryosohan. hakhak! apir!

  4. ang kukyut nila.. nung sinabing wacky lahat sila nag
    “NYEHHH!!! o kaya ACEHCHE” with matching taas dalawang kamay na nakatupi at isang paa.

    di ko akalaing teacher ka pala “Sir” Bernard. ehehe kala ko kasi ka edad ko lang kausap ko. hehehe

    pero pede naman tayong magturinangan na parang barkada lang diba? HAHAH

    • hehehe oo makukulit at cute talaga yang mga batang yan. bata pa lang alam mo ng magsusurvive, madiskarte e. nyak, magkakaedad lang tayo. 20 rin lang ako. hindi na umandar ang edad ko, hanggang 20 lang.

  5. wow cute naman ng class picture, mukhang close ka nga sa mga bata.

    hmmm kanya-kanya talaga ng approach sa pagdating sa pag-aaral at pagtuturo. ako, isa sa ayaw kong balikan ay ‘yong elementary life ko. may kinalamamn dun teacher ko. pero ang ginawa ko na lang ay gawin iyong motivation sa aking buhay.

    mabuhay po!

  6. ang cute ng pics! wla kameng ganyang pics nung elementary kame. lahat seryoso sa class picture! nice one! at tama ka, mas malapit sa puso ko yung teacher na “kinunsinti” ang pusong bata ko noon. at come to think of it, yun yung year na mas maraming naituro sa amin. good point! 🙂

    • salamat sa confirmation. oo , totoo yun na mas tumitimo sa puso ang mga gurong marunong makisalamuha at nakakaintindi.kaunti rin angaking mga class pix nung elementary, madalas kasi ay naiipit ko sa libro at kasamang naisasauli sa katapusan ng klase. hehehehe

  7. A teacher affects eternity; he can never tell where his influence stops.

    – Henry Brooks Adams

    Sigurado akong maaalala ka pa po ng mga yan. Kung ako nga naaalala ko pa mga pangalan ng mga titser ko since Kinder – mga nga apelido lang. ^_^

  8. Hai pouh!
    isa po aqng hi-skul student…
    ahmm, naranasan q rin po mg karon ng teacher na 2lad niyo na jolly at mgandang ksama… na aapreciate q pouh ang lhat ng gnagawa nnyong mga guro sa pg22ro sa mga students niu hndi lng sa lessonz kundi 2ngkul dn sa knilang buhay2x at kung paanu niu kmi napapasaya khit na msakit sa ulo ang mga leksyon..hehe^^ sigurado po aqng mananatili ka sa puso’t isip ng mga cute mong students dhil hndi mapapantayan ang kasiyahang hatid niyo sa knila. batid sa kanilangmga mukha ang kasiyahang bigay niu sa knila… slamat pouh!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s