Lahat naman tayo may paborito di ba? Mula sa mga subject, classmate, teachers, at minsan kahit notebook, meron tayong gustong-gustong sinusulatan. Nung tinuro na sa klase ang solar system. Syempre, bukas na bukas ang mata ko with matching nakanganga pa habang namamangha sa ganda ng mga planeta. May pula, may malaki, merong may ring… pero sa lahat ng iyon, ang naging paborito ko ay ang Pluto.
Maliit lang siya, malayo, halos hindi naaarawan. Nasa isip ko, kawawa naman siya. Siguro nalalamigan siya. Wala siyang makausap at ni hindi siya maabot ng tanaw. Kaya siguro naging paborito ko ito, sa loob-loob ko kasi, kailangan niya ng atensyon. Mula noon, naging paborito ko ang Pluto.
Hindi lang ako, kahit mga barkada ko. Pag planeta ang pag uusapan, si Pluto ang bida. Kasabay niyang sumikat si Pluto na aso. Siguro kaya naging malapit siya sa loob namin dahil sa asong si Pluto.
Kaya nagulat ako nang malaman kong hindi na kasama sa listahan ng mga planeta sa ating solar system si Pluto. Walo na lang ang planeta natin, dwarf planet daw si Pluto. Bakit ganun, kailan sila nagmeeting? Bakit hindi nila ako kinonsulta? Kahit ba mga scientist sila, kahit alam nila ang lahat, dapat lahat ng naging bahagi at nakakilala kay Pluto may say sa conference nila di ba?
Pakiramdam ko, para akong may kaibigan na inilayo o inagrabayado. Parang nabully naman siya masyado. Sabi nila, from the start daw hindi siya planeta, wala sa composition niya, nagkataon lang na naisama siya pero kailangang ituwid ang pagkakamali. E bakit hindi na lang iconsider na honorary member of our solar system. Ang dami ng nakaalam at ang iba nga ay namatay na, na ang alam nila ay bahagi si Pluto ng mga planeta natin. Hindi na maicocorrect yun.
History na daw si Pluto. Hindi na siya ituturo bilang bahagi ng solar system at darating ang araw o henerasyon na wala ng makababatid na minsan siyang naging bahagi ng ating Solar system.
Gayunman, dahil naging bahagi na ng buhay ko si Pluto, isusulat ko na si Pluto ay minsan naging bahagi ng ating solar system bilang isang Planeta at itinuring na pinakamaliit, maamo at waring pinakabatang planeta.
Ipapakilala ko siya sa lahat ng mga bata at sa henerasyong darating na ang bestfriend Pluto ko ay dating planeta.
Sana kayo rin ha?!
—
Salamat kay Jason De Guzman aka Jason Hamster para sa pagpayag sa hiling ko na idrowing ako ng Plutong nasa ibabaw ng Pluto. Gets nyo? hehehe
Salamat ulit ng marami. Maaaring puntahan ang tambayan ni Jason sa http://jasonhamster.wordpress.com/.
kawawa naman tlga pluto noh? bt kelangn na sipain cya mula s solar system, e pde naman cla magsiksikan nyan. tsk tsk.
Help naman po sa akingtwitter dilemma
ang laki laki naman ng universe di ba? hindi ba binigyan ng importance. lol
tsk! tsk! tsk! ganun na lang ba yun…sa isang iglap di na kasama…aba’y parang tuta na tinanggalan mo ng buto…..
oo nga nabuuly siya masyado hehehe
aba sobrang talented talaga ni pareng jason.
uu nga,dati kabisado ko pa yung acronym sa solar system:
MR VEM J SUN P
so ngayon wala ng P..
oo nga e, kuhang kuha ang drawing. may acronym pala yun. ngayon ko lang nalaman ah. alam ko lang roy g biv hehehe
MR VEN J SUN P
oi may jason o basahin mo ulit JSUN daw..
hahahah
oo nga bagong kaalaman iyon, Una sa kalendaryo lang: JASON – July, August September October November, ngayon naman pati planeta Jupiter,Saturn, Uranus Neptune lol
parang lalim naman ng intro mo kay pluto hehe, sadyang may pagka makata ka. neweys speaking of pluto may tshirt ako nyan noong grade1 ako at fav ko iyun. meron din ako si goofy. ewan ko lang kung nasaan na sila at napadpad na ako ng dubai.
guys ang maliit nakakapuwing tandaan nyo. hehe
ay baka naghabulan na ang dalawa at hindi nakabalik sa bahay nyo hala. hehehe
Nice! ang ganda naman nito!
Salamat sa pagdalaw sa bahay ko kahit inaamag na, hehehe.. pafollow naman sa twitter.. toinks!
Godbless!
nakasunod na rin ako sa yo sa twitter. 🙂
hey hey hahaha
ngayon ko lang ulit pinuntahan to..
syempre ang ganda rin ng pinagsamahan namin ni planetang pluto
pag nagdodrawing ako sya pinaka maliit.
pag nag momold ako ng clay sa solar system
sya pinakamaliit..
tapos buburahin na sya sa isipan natin>
di ako papayag…
hanggat di i-flash sakin ang ballpen ng men in black.
hahaha dahil hindi ako dati nanonood ng english movie dahil sa aking advocacy / campaign na support local film (ngayon na lang ako nanonood para in hehehe) ay sinaliksik ko pa kung ano ang ibig sbaihin ng ballpen na yun sa men in black. gets ko na. hindi naman siguro naiflash sa akin ang ballpen na yun… ilang balik na rin ako sa neurologist dahil sa kalimot na nararanasan ko.
oo, tama mabuti iyan.
mas magandang ipakilala pa rin natin siya kahit wala na siya sa SOLAR SYSTEM.
wala naman mawawala e.
ipapakilala ko rin siya sa iba.
makakaasa ka.
😀
yan marami na tayo!
hi po… salamat pala sa pagdaan sa aking tahanan… nwei, nakakalungkot nga namang isipin na may mga bagay na kailangan ng mawala sa sistema, pero ang mahalaga eh di ito kinakalimutan na minsan sa buhay natin may nakilala tayong pluto…
oo nga. atleast tayo nakilala natin si pluto. lol
hindi ko to alam hehe..
di ako nabisita dito..
si pluto ang cute kaya nya bakit nga ba pluto tawag sknya hehe..
sige iresearch ko kung bakit pluto name niya. lol
Naku narinig ko na nga ang balitang ito. Hindi nga raw planeta si Pluto. Nalungkot din ako dahil Grade 3 ako tinuro sa amin na kasama sya sa Solar System. Hahirap talaga mabura sa isipan yun.
Salamat at nipost mo ang tungkol dito. Naalala ko at na-emphasize sa aking utak. Mami-miss ko rin si Pluto gaya mo.
yup, marami tayong makakamiss kay pluto.
palagi ko yang pinapanood sa tv…yung mickey and friends..ha ha ha..naks naman.
wala naman tayung magagawa dun eh. Pag scientists na ang nagsabi na indi siya planeta…eh di OK pyn watever.ha ah ha
oo nga. ang magagawa natin ay mag ingay lol
Pluto may be a simple underestimated organic compund that rests in the black blanket of fears. No wonder people today will soon let pluto vanished in their unstable mind. Damn those scientists that will delete pluto beneath our savory thinking.
Goodbye Pluto!!!
nyahaahhaha oi bernard happy trip sa outing!!
salamat yup nasa cebu na ko. bukas bohol. 🙂
akala ko guest blogger mo din si jason weh.inpernes ang benta nia ngayon wah..hehe
ako ewan ko kung bakit pero saturn ang fav kong planet..buti cia di pa pinapaplanuhang alisin sa grupo..
parang ganun ang role ni jason. guest cartoonist hehehe. saturn? hmmm because of the ring? yup maganda kaso hindi ako fan, pakiramdam ko may star complex si saturn dahil sa ring niya hehehehe
ako rin parang natameme nung malaman ko ang news na ‘yan. kawawa naman si pluto,parang abang-aba na ever since na nalaman siya ng mga earthlings.
in fairness ha, may collaboration kayo ni tio jason sa tribute ninyo kay pluto. mabuhay sa iyong pakikibaka… suportahan taka. pero aaminin ko, maka-saturn ako hehehe. at beginning today next na sa kanya ay si pluto.
hehehe may kanya kanya talaga tayong manok. saturn ang manok mo sakin aso: si pluto hehehe. yup hindi kasi ako magaling magdrawing kaya nagrequest ako ng collaborative work kay jason.
wag kang mag-alala parekoi. marami pa rin namang scientist who contend that pluto should still be considered a planet, not a dwarf planet. may nabasa pa nga ko noon na ang pluto raw eh dating satellite ng neptune na nakawala sa orbit ng neptune kaya nagkaroon ng sariling orbit. hahaha. parang nosebleed ntiong pinagsasabi ko. pacenxa na.
ayos yan. nice info. yup ang mahalaga planet pa ri n siya para sa atin lol. ang kulet!
si jason na naman? baka magpabayad na yan sa susunod hahaha!
so far hindi pa naman siya nanghihingi ng bayad, pasalubong pa lang hehehe
galing nyong dalawa ha?
salamat, mas pinakinang yan ni jason hamster
ang galing talaga ng drawing ni Kuya slash crush Jason.. 🙂
salamat po sa pagdalaw sa aking basurahan.. 🙂
add po kita sa listahan ko.. 😉
hahaha alam ba niya na crush mo sya lol
interesting..sarap pag-aralan ang siyensya
oo nga ako rin gusto ko naman Gen Science, Bio at Chemistry. Physics lang talaga hindi tumimpla sa panlasa ko.
hi kua bernard.. naligaw ako sa website na to.. ayos ah.. sana magawa din ako ng ganyan.. w8.. kilala mo pba ko??? c hopie 2… ka batch nila karl sa SVO.. muzta??..