Kung puro trabaho ang buwan ng Mayo, naging masaya naman ang buwan ng Hunyo. Ang buwan ng Hunyo ay sadyang buwan ng pagdiriwang para sa akin.
June 5 ang aking ika 3 taon sa trabaho. Sa madaling salita, ngayon lang ako nakatagal sa trabaho. Sabi ko sa sarili ko, ito na ang huling trabahong gagawin ko at sa susunod na taon, kung masusunod ang aking mga plano ay mag iiba na ako ulit ng career. Don’t get me wrong, actually wala akong masasabing masama sa trabaho ko lalo na sa mga kaopisina ko, sabi ko nga, sa ngayon ay ito ang ideal if not the best job para sa naghahanap ng isang matino at may maayos / katanggap-tanggap na kultura. Happy people ang mga tao dito pero dahil maikli lang ang buhay, kinakailangang sulitin kaya iniisip kong iba naman 🙂
June 11 – 13, bukod sa araw ng kalayaan ay tumambay naman ako kasa ma ng mga kaibigan. Update at kwentuhan doon sa malayong lugar na Quezon City.
June 20 naman ay syempre Fun Day ng company. Buong araw na saya at takbuhan samahan pa ng maraming protesta.
At syempre June 26 – 28, takbo naman sa Cebu at Bohol dahil birthday ko noong 27! Sa mga nagtatanong… hindi ko ikinakahiya na ako ay 29 na. 🙂 Sa mga bumati naman… maraming maraming salamat!
Sabi ko sa blog ko dati, Boracay pa lang ang nabibisita ko sa Visayas kaya gusto kong marating ang Cebu at Bohol kahit sa isang maikling panahon.
Nag day tour lang kami sa Cebu. Inikot namin ang ilan sa mga madaling bisitahin. Pito kaming nagpabook sa Cebu Pacific noong march 26 kaso noong aalis na, 4 na lang kami. Hindi na nakasama yung tatlo.
Paglapag na paglapag ng eroplano ay nagpunta kami sa Lapu-lapu Shrine. May nirent na kotse ang kaibigan namin kaya pagdating doon ay may sumundo na sa amin. Tapos namili na kami ng mga munting pasalubong. Naglunch kami sa Sto. Golden Cowrie at syempre tinikman ang pinagmamalaking lechon ng Cebu. Binisita rin namin ang Sto. Nino Church at Magellan’s Cross. Tapos bumili ng ticket papuntang Bohol para hindi na kami pipila the next day. Tapos nagpunta kami sa Fort San Pedro. Para siyang maliit na Intramuros at pumunta sa Mountain View para tanawin ang kalakhang Cebu.
Sa bahay kami ng kaibigan namin natulog.
Maagang gumising para naman sa byaheng Bohol.
Sa Bohol naman ay kumuha kami ng van para magdala sa amin sa mga kilalang lugar. Ang driver na rin ang nagmistulang tourist guide namin. Okay na sana kaso nadidistract kami sa paggamit niya ng F sa halip na P. like Fanglao, funta tayo sa manmade, at marami fa. Ganun din ay hobby nyang bumusina kahit walang sasakyan at walang tumatawid.
Inuna namin ang Baclayon Church, ang pinakamatandang simbahan doon. Tapos nag courtesy call sa tarsier. Photoop tapos takbo na at natunghayan ang napakaganda at very enchanting na manmade forest! Tapos akyat sa Carmen para pagmasdan ang Chocolate Hills. Tinanong ko si guide kung bakit nabuo ang mga chocolate hills at agad siyang sumagot na ebak daw iyon ng higante! Nyak! Nananghalian kami sa Loboc River, Masaya at nakakarelax ang cruise na iyon. Tapos namili na sa souvenir shop at naghanap ng matitirhan sa Panglao.
Medyo marami kaming naikot na resort pero pinili namin ang Alona Beach resort. Kumuha lang kami ng fan room at nagkasya kaming apat. Overnight lang naman.
Ang ganda ng beach line. Parang Boracay. Ang pinagkaiba lang ay hindi matao at hindi maingay! Mababaw rin ang tubig lalo na nung gabi na naglowtide. Layo ng lalakarin mo para masayaran ang paa mo ng tubig.
Kinaumagahan ay nag dolphin watching kami at tumuloy sa Balicasag Island para mag snorkeling.
11:30 ng tanghali ay sumakay na kami ng oceanjet pabalik sa cebu. Pagbalik sa Cebu ay dinaanan namin ang Taoist Temple at tumambay sa Ayala Mall. Syempre sayang ang oras kaya nood muna kami ng Transformer.
Natapos iyon ng 8:30 ng gabi kaya takbo kami sa airport. Para kaming contestant ng amazing race dahil flight namin pabalik ng Manila ng 10:20. Mag aalas dose ay nasa bahay na ako.
Sa mga nagtatanong kung magkano ang gastos:
Cebu Pacific | 700 (roundtrip na yun, promo kasi) | 700 |
Terminal fee | 200 (X2) | 400 |
Terminal tag | 50 (X2) | 100 |
Van Cebu Tour | 3600 | 900 |
Fort Sn Pedro entrance | 20 | 20 |
Ticket to Bohol via ocean jet | 400 (x2) | 800 |
Van Bohol tour | 2700 (/4 pax) | 550 |
Boat for Dolphine watching and snorkeling | 1500 (/4pax) | 375 |
Loboc River Cruise | 300 | 300 |
Panglao Resort accommodation | 2000/4 | 500 |
TOTAL | P3345 |
Hindi kasama ang food at pagkarami-raming donation at wishing well kaya maghanda ng barya! Mas makakatipid kung marami kayo kaya pasyal na!
pwede nyong panoorin ang aming pictures :
sa mga hindi makaview ng youtube, narito ang pictures sa webshots:
http://community.webshots.com/album/573332989xzEpGg?vhost=community
o kaya naman ay itong slideshow:
di ka man lang nagsabi brthday mo
dikita tuloy nabati!!!! di ko kasi nabasa twitter mmo
heheheh
wow parang diary lang to ah
sarap basahin,
NAKS ANG DAMING PEKCHURS!!!!
pasalubong ko!
pahabol dami mo chiks. naka naman!!!! penge! hehehe joke
hehehe sige sino gusto mo dyan?
hahaha hindi lang nahalata pero yun ang message ng kwento kong Buknoy. Pagnagkita-kita tayo dalhin ko ang pasalubong ko. buhangin na naiwan sa bulsa ng shorts lol.
daya!! ano gagawin ko sabuhangin hehehehhe
hmmm pangkabuhayan! busan ng glue at gawing ashtray tapos tatakan natin na made in mt pinatubo hehehe
Happy Belated Bernard.
And it’s cheaper pala eh papano with accomo na say 5 days? Sobrang dami ng food nyo.
One of my destination sa local places sa Pinas is Cebu. My SIL lives in Cagayan de Oro, been meaning to visit Bora, pero laging bagsak ko sa Bicol.
thanks. budget conscious kasi kami, kung 5 days, depende sa pupuntahan nyo. mga 15K – 20K kung hindi kayo magtitipid. pero kung maghohotel kayo, kulang yun.
Maganda ang cagayan de oro tsaka mura cost of living. mas nakatipid ako dun kesa sa davao. Bora syempre maingay, masaya kaso hahanap ka talaga ng place kung gusto mo ng privacy. medyo maraming tao.
Bicol hindi ko napuntahan.
…. mga 15K – 20K kung hindi kayo magtitipid. pero kung maghohotel kayo, kulang yun.
Matipid ako, pero parang ang mahal nun ah? Basta ayoko ng may MALL sa area. The airfare was cheaper ha? Kung hindi promo, mga 1.5K siguro.
kung hindi promo sa eroplano nasa 2k. maiikot mo naman kasi ang bohol at cebu ng ilang araw lang. ang mahal dun yung transpo, food sa resort at resort mismo. Pero kung marami kayo, hindi naman aabot ng 15K yun. Another thing yung pasalubong hehehe, yun ang sumaid sa bulsa ko. Ingat lang sa mga souvenir shop, actually better na bumili sa mall, mas mura or sa palengke, sure yun kesa samga shop na pagdadalhan sa inyo. May cut kasi dun ang mga tour guide. Wag maniniwala sa mga discount coupon. May nabili kaming ube, P100, pero sa palengke 40 lang pala.
Thanks for the tip Bernard.
no prob.
ang saya naman… nakakainggit… huhuhu
makakapunta ka rin dun
belated happy birthday po. ang bohol talaga ang lugar na masarap balik-balikan…proud to be half-boholano…
oo nga kung may pagkakataon, babalik ako dunn. ganda ng place, quiet at kumpleto. happy people pa. salamat po sa pagbati! add ko po kayo sa link ko in a while.
this august makakabalik ako doon, pati sa cebu…
wow. maligayang pagbabalik! anong church po?
now i know the gastos. na enjoy koang kwento mo. ok na yan ako nga di pa nakarating ng cebu. hows the climate? mainit ba? mas masarap kasi mamasyal ng tama ang init e
medyo mainit tapos nung tanghali umuulan naman. expected na yun kasi pag birthday ko talagang laging umuulan hehehe.
happy bertdei blue!
ang saya-saya naman ng adbentyur ninyo…hahahahaha!
birthday treat to the max talaga!
hala bday mo po? belated po… 😉
salamat ng marami.
wow ang nice sana makapunta rin ako ng cebu hehe,,tapos bohol huwaaa..nainngit ako ..teka kuya blue bat di mo sinabi na bertdey mo pala hehe..
happy berdey hehe..
kapag nakapunta ko jan mag hahanda ako ng madaming madaming barya hehe..
hahaha salamt. hindi ko na sinabi para walang magpablow out hehehe
Ang gastos mararamdaman mo na lang after the trip anyway mukhang enjoy ever ka naman eh, nagutom ako dun sa pusit ha…teka 29 na rin ako eh walang nakakahiya sa edad na yan lol
hehehe oo nga kahit maliit lang ang ginastos, medyo nararamdaman ko rin, pambayad ng bills. lol
ooops bago ko makalimutan…happy birthday kuya [belated]
salamat sa pagbati.
uy, pwede pala kayong model sa pang turismo eh.. ganda nung video.. aliw aliw na ako sa inyo..haha
hmmm pang commercial model ba ang dating or fraustrated, pa-istar, at wannabe? kaso agang nalaos lol
like na like ko rin magpunta dun..la pa lang budget and time..ahehe
Yung Bohol, naenjoy ko talaga. worth pag ipunan.
super late na pagbati po…
happee BEERday!
pag late syang nagpapakain :))
Pumunta sana kayong Bantayan Island… hehe 🙂