Saranggola Blog Awards (UPDATED – AUG. 17, 2009)

“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”

UPDATES

August 17, 2009

Final na po : September 26,2009 ang ating kita-kita para ibigay ang mga awards, gaganapin ito sa Tivoli Garden Residences – Skylounge, Mandaluyong City. Lahat ng kalahok at mga sumuporta ay magsasama-sama para sa isang gabi ng kasiyahan at kulitan.

Narito ang mga premyo (may mga nabago, may nadagdag, sana ay wala ng mabawas hehehe)

Maikling Kwento Kwentong Pambata Tula Vlog
BLOGSIKAT Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD – 1gb flashdrive, T-shirt, Saranggola mug, imax movie ticker for 1, Saranggola sticker, Libro na gawa ng Panpilpipol,  blogsite badge, Rabay CD
Ikalawang karangalan blogsite badge, mouse pad blogsite badge, mouse pad blogsite badge, mouse pad Saranggola mug, T-shirt, blogsite badge, mouse pad
Ikatlong karangalan blogsite badge, mouse pad blogsite badge, mouse pad blogsite badge, mouse pad blogsite badge, mouse pad
BLOGGALING Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD starbucks book, 2gb flashdrive, imax movie ticker for 2, Saranggola sticker, Libro na gawa ng Panpilpipol, blogsite badge, Rabay CD
Ikalawang karangalan blogsite badge, mouse pad blogsite badge, mouse pad blogsite badge, mouse pad Saranggola mug, T-shirt, blogsite badge, mouse pad
Ikatlong karangalan blogsite badge, mouse pad blogsite badge, mouse pad blogsite badge, mouse pad blogsite badge, mouse pad

Sayang naman ang vlog category, wala pang sumasali, mas maraming premyo dahil nga mas mahirap ang paggawa ng vlog. May oras pa para gumawa ng entries. Hanggang August 31, 2009 na lang po ang patimpalak na ito.

Sali na!

salamat nga pala kila Azrael, Coy ng Videochops Maggie May Baybay, at syempre wordpress philippines para sa pagtulong sa pagpromote ng patimpalak na to.

———————————————————————————————————————————————————————————————–

Patimpalak

Paglikha ng Maikling Kwento, Maikling Kwentong Pambata, Tula at Vlog

  1. Maikling Kwento
    i.      Hinihikayat na hindi hihigit sa 1,000 salita. Masusukat natin ang bilang sa pamamagitan ng word count sa word office or sa baba ng new post page.  Tandaan na sa blog kapag mahaba, hindi masyadong binabasa.
    ii.      Paksa : saranggola o kwentong nabigyang buhay gamit ang saranggola, mga aral, ideya o kaisipan na makukuha sa paglikha, o pagpapalipad ng saranggola.
  2. Maikling Kwentong Pambata
    i.      Hinihikayat na hindi hihigit sa 500 salita.
    ii.      May paksang humihikayat sa paglalaro’t paglilibang. Syempre, hindi natin gustong ang mga bata ay nagvivideo games at nagbablog na rin di ba?
    iii.      Gumagamit ng salitang nakakapukaw o nagpapalipad ng imahinasyon
    iv.      Angkop sa mga batang sampung taong gulang pababa.
  3. Para sa Tula
    i.      isang tula
    ii.      pwedeng may sukat at tugma at maaari rin namang malaya.  Kung saan ka komportable.
    iii.      May temang may kinalaman o attribution sa saranggola. Halimbawa; paglaya, paglipad, pakikipagsapalaran, kulay, pangarap, paglikha
  4. Vlog (video blogging)
    i.      3 – 5 minutong vlog na nagpapakita o nagtuturo ng paggawa ng saranggola
    ii.      Kinakailangang Filipino ang midyum sa pagbibigay direksyon sa paglikha
    iii.      Huwag masyadong seryoso, dapat ay nakakatuwa, at maging malikhain.
    iv.      Ipakita sa vlog ang aktwal na paglikha ng saranggola; hindi pwedeng direksyon lang. Dapat ay ipapakita ang nabuong saranggola sa vlog.

Paano sumali at mga dapat tandaan

  1. Bukas ito sa lahat ng bloggers; nasa Pilipinas man o nasa labas ng bansa.

    • Bloggers : kung nagsusulat ka ng blog. Ikaw yun ano pa man ang trabaho mo, kurso o estado sa buhay!
    • Kung sakaling ang mananalo ay nasa ibang bansa, ipapadala sa inyo ang mga premyo.
  2. Filipino lang ang midyum na gagamitin sa mga kategorya bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng buwan ng wika. Kung Ingles ang iyong blog, siguraduhing ang isusulat o iba-vlog  mo ay nasa Filipino.
  3. Kung baguhang blogger, dapat ay nakasulat ng hindi bababa sa 3 entry bago mag Agosto, 2009.
  4. Lagyan ng pamagat.
  5. Maaaring sumali sa apat na kategorya. Siguraduhin lang na isang entry lang sa bawat kategorya. Sa madaling salita, ang bawat blogger ay maaaring sumali at manalo sa apat na kategorya. Ganun din, magkakahiwalay na posting, huwag pagsamahin ang iba’t-ibang entry sa isang posting para hindi nakakalito.
  6. Gaya ng patimpalak ni Otep (pagaya ha otep 🙂 ), gamitin ang picture sa ibaba, ilagay sa inyong blogsite o sidebar at i-link  sa inyong post para madaling makita. Kung nais mong salihan lahat, gamitin lahat ng picture para madaling mahagilap ang inyong gawa.
  7. Kung gawa na ang entry mo at nakapost na, pumunta sa comment portion ng entry na ito at sabihing nakapost na para mapuntahan ko at macheck ang link mo. Icoconfirm ko sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong link sa aking Saranggola Blog list sa side bar ng aking blog. TINGNAN kung nasa listahan na kita para masigurong makakasama ka sa opisyal na listahan ng kalahok.
  8. Ang patimpalak na ito ay magsisimula ngayong ikaw 8 ng Hulyo at magtatapos sa 31 ng Agosto, 2009.
  9. Ang mananalo ay ipopost ko sa ika 15 ng Setyembre, 2009!
  10. Maaaring mailathala o maipublish ang mga mananalo. Sa ngayon ay pinag uusapan na ang detalyeng ito.
  11. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal, in English, judges decision is FINAL.
  12. Kung may nagawa na kayong kwento, tula o vlog na naipost nyo na bago pa man ang patimpalak na ito, maaari itong isali kung ang inyong nalikha ay hindi pa nailalathala maliban sa inyong blog at ito ay napost sa inyong blog mula noong ika 8 ng Pebrero taong 2009 hanggang sa kasalukuyan. Ang mga naipost na ninyong blog noong nakaraang taon o bago ang nasabing petsa ay hindi maaaring isali. (dagdag na alituntunin)

Hinihikayat na gawin ang mga sumusunod subalit hindi sapilitan:

Maganda na kaexchange link kita. In short, nasa blogroll ko ang blog address mo at nasa blogroll mo ang blog address ko. Kung wala kang blogroll (gaya ng ibang site) ay ilagay sa link. Kaya kung sasali, sabihin sa comment portion na isama kita sa link ko, gayundin isama mo ko sa link mo. Kailangan ito para madaling maipalaganap ang blog mo at blog ko.

Huwag kalimutang lagyan ng tag na : Saranggola Blog Awards ang bawat entry.

Ipost din ang picture na nasa ibaba at ilink sa https://bernardumali.wordpress.com/ para maraming makaalam at sumali sa patimpalak.

Ang mga Mananalo

Bloggers’ Choice / Blogsikat!

  1. ito yung magkakamit ng may pinakaraming comment
  2. hindi kasama sa bibilangin ang naulit na puna o comment at sariling comment
  3. tanging bago o unique comment lang ang bibilanganin.
  4. Ang mga puna na papasok hanggang sa ika 31 ng Agosto 11:59PM, oras sa Pilipinas lamang ang bibilangin.

Judges Choice / Blogaling!

  1. Ito yung mapipili ng mga hurado
  2. Hindi muna ipakikilala ang mga hurado
  3. May Palanca awardee, sikat na vlogger, artist, influential blogger,author ng aklat, Professor, at iba pa. Kasalukuyang kinokontak ang ilan sa kanila; ang iba naman ay tumugon na.
  4. Magkakaiba ng hurado sa iba’t-ibang kategorya; kami na lang ang magsusuma o magcocompute ng mga puntos na binigay ng hurado.

Blog Finalists

  1. Syempre kikilala rin tayo ng tigdalawang finalist na tatanggap ng special award.

Maaaring manalo sa lahat ng kategorya. Maaari ring ikaw na ang magkakamit ng Blogsikat, ikaw pa ang mapipili ng mga hurado para sa Bloggaling!.

Premyo

Blogsikat at Blogaling

  1. Ispesyal na badge na ilalagay sa inyong blogsite
  2. (cap o sombrero na may opisyal na saranggola logo) tshirt na
  3. mouse pad
  4. mga aklat na isinulat ng panpilpipol
  5. saranggola! (wala na to, idonate na lang natin sa mga bata)

Finalists

  1. ispesyal na badge
  2. mouse pad

SAYSAY NG PATIMPALAK / CAUSE

Bakit Saranggola Blog Awards?!

Ang pagsulat ng blog ay gaya ng paglikha at pagpapalipad ng saraggola, kailangan mong buuin ang mga salita at pakawalan sa kalawakan ng blogosphere o blogosperyo. Maraming  makakakita at makakabasa, nagmimistulang makulay ang kalawakan sa ating mga sinusulat.

Gayundin, ang bawat entry ninyo ay tutumbasin namin ng saranggola. Sa madaling salita, kung mayroong 50 entries, magkakaloob kami ng 50 saranggola sa mapipiling mga bata / organisasyong pambata sa kalakhang Maynila. Ito ay upang hikayatin ang mga batang maglaro, mangarap at bumuo ng kani-kanilang saranggola.

Marami na ang nagpakita ng interes, may mga magbibigay ng saranggola at ang iba naman ay nagsabing bilang partisipasyon ay magtuturo sila sa mga bata kung paano lumikha ng saranggola.

Sa mga interesadong magbigay ng premyo, maging bahagi ng cause na ito, o kung may katanungan, mangyari lamang na lumiham o mag YM message sa akin bernardumali@yahoo.com para sa detalye.

PAALALA:

Huwag kalimutang ilagay ang mga picture sa ibaba sa inyong side bar at ilink sa inyong entry para madaling mahagilap.

vlogtulanew maikling-kuwentonew kuwentong-pambata

Tumulong na ipalaganap ang patimpalak na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng picture at paglink sa aking blog

new saranggola

small saranggola 2

ang mga logo / picture ay nilikha ni Fritz Keben Geremia.

ako mismo commitment

———————————————————————————————–

Salamat sa mga sumusunod

Fritz Keben Geremia at Wyndee Mixto – creative partners; mga kabasagang bungo at coffeebean buddies.

Saranggola sponsors

melissa queyquep, cathy yulo, Maggie May Baybay, Prof. Nonet Marte, Prof Elvie Asuan, Elmer Tejero, Eimman Evarola, Beverly Siy, Princess Nice Flores at marami pang madadagdag……

batang radyosonshine

———————————————————————————————————-

Advertisements

246 comments on “Saranggola Blog Awards (UPDATED – AUG. 17, 2009)

      • hello po sir! hehe..thanx po for replying..ok na po poem ko, di ko pa lang naipopost, consult muna ako sa mga advisers ko, hehe..joke lang po..kala ko di ako welcome dito..mejo nabadtrip nako kahapon xe partida, maysakit pako tapos pagopen ko site mo to ask some questions, aun nga, wala kapa pong reply..hehe..(haba ng sumbong e)

  1. wow,..nice hehe..

    hmmm..saya ah hehe…

    iisip lang muna ako kung sasali ba ko ahha..

    kasi alam mo na lahat na lang daw kasi ng contest sinalihan ko haha..

    well pero susuportahan kita dito kuya.,.

  2. sa dinadami dami ng contest dito sa blogosphere, to na siguro ang kauna unahang contest na sasali ako…indi dahil sa tamad ako, pero pumipili din ako ng topic na gusto kong gawin…he he he…

    kaya congwatulasyons to me….sasali ako sa pacontest for the pers taym.

  3. Pingback: Ang Bulador « flaming views of a lunatic

  4. abangan mo ang pag bangon ko….nyahahaha… nakakatuwa. ang galing, isa ka talagang guro sa FILIPINO.

    (teka, habang tinitipa ko ang mga salita dito, may biglaang dumating na masamang balita, si Rajah Andresan isang Rajah sa dakong Mindanao kung saan minimina ang aming negosyo, pinatay daw (tribal war)… nakikiramay po kami sa kanyang pamilya at nasasakupan.

    basta lilikha na ako mamayang gabi.

  5. bernard pogi, nakagawa na ako ng entry ko, TULA ito, hindi ko nga lang alam kung pano kunin yung link ng picture ng tula…

    sana magustuhan mo ang ginawa ko at sana may mapulot na aral ang mga batang naging inspirasyon ko sa pagbuo nito…

    more power sa blog mo….

  6. Naku bernard gusto ko sanang sumali…kya lang ako’y bagong salta lamang dito… naging new outlet ko lang ang pagblogs… mas nanaisin kong basahin nlang ang mga nilathala ng lahat .. isang tulong kase ang ibang lathala sa pagkakatesismo sa mga pslit at kabataan bilang baghuhubog… masusing pagsasala lang ang aking nagagawa dito sa blogs… na kung minsan isang diary nalamang para sa akin… natutuwa ako sa mga sumusuporta.. GBU sa inyong lahat!!!!

  7. Pingback: Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya | Ax Realm

  8. kuya bernard, baka po madisqualify ako, kasi di ko nabilang yung words… aun.. ok lang po atleast may entry.
    Masyado ako nainspire magkwento eh kaya napahaba.
    Aun…
    Tinatamad na ako mag edit eh.. pag may time na lang po. hehehe

  9. ikaw pala bernard ang may pakana ng mga saranggola posts. hehehe.

    saludo ako sa yo! gusto ko rin sanang magjoin pero di ako mahusay sa pilipino e. hehehe. goolak sa mga mananalo!

  10. dali na sali na din kayo lahat para marami akong mabasa..ahaha

    tapos meet tayo lahat sa awards night

    nga pala, may theme na po ba para don?

    waaah, di ko pa rin nasusulat ung kwentong pambata ko, feeling ko kasi malalim pa rin ung pag-atake ko sa kwento

    di ako sanay magsulat ng story para sa mga bata

    bata pa ko pero ayoko na sa mga bata

    haha

  11. Pingback: darkbrew » Blog Archive » Ang Bulador

  12. magandang umaga!!! napadaan lang ako
    para bumati ng magandang umaga sayo

    pareng bernard at sa lahat ng naririto..

    pakibisita naman ang aking entry!!!

    CLICK MY NAME AND THEN THE SARANGGOLA SIDE BAR!

    Thanks!

  13. Pingback: I’m Yours – EPISODE 9 – Kite Fish « RLLQPH

  14. Pingback: Entering The Blogging Awards Season | VIDEO CHOPS

  15. Hmmmm. Interesting. Matagal-tagal na rin akong hindi nag-ba-Blog (sigh heavygat na mga projects). Late na ‘ata ako para sa kompetisyong ito. Pero pipilitin ko pa ring sumali sa kabila ng mga patong-patong na proyekto sa iskul, hilig ko ang mag-sulat kaya pipilitin ko . . .

    ^_^

    • hi! salamat sa paglahok, syanga pala paalala ko lang na Kung baguhang blogger, dapat ay nakasulat ng hindi bababa sa 3 entry bago mag Agosto, 2009. Sana makapagpost ka pa at irepost mo na lang ulit to o kung may dati ka ng blog, pakibigay na lang ang link.

  16. Dear Mr. Bernard Umali,

    Ang aking maikling kwento na “Santino” ay tungkol sa isang batang nawalan ng ina, ngunit isang araw, habang nagpapalipad siya ng saranggola kasama ang kanyang ama, may natutunan siyang aral na hindi niya malilimutan. Ang bida ay kamukha ni Nash Aguas at ang tatay niya ay kamukha ni Christopher De Leon.

    Naka-poste na po ito, at nakakapit na rin po ang inyong pook sapot.

    Marami pong salamat.

    Jonathan Aquino
    2Rivers
    http://jonathan2rivers.blogspot.com/

  17. Pingback: PAGMAMAHAL AT ANG SARANGOLA NI PEPE « Libre Lang Mangarap! :)

  18. Nais ko lang pong sabihin (baka kasi kailangang sabihin ko): ang aking pong kwentong pambata na pinamagatang Santino ay nailathala sa Bagong Tinta segment ng diyaryong PM. Kaya lang pinalitan ng titulo at ginawang Pagdating ng Araw. Lumabas po ito ng Agosto 2. Wala lang. Maraming salamat po.

  19. gleng naman ng pa-contest na to. i like the idea.
    i consider all participants winners. lahat kayo magaling….walang popularity contest to ha.

  20. Hi Mr. Blue!

    Salamat sa paalala to promote my blog more.

    Di talaga karamihan ang close friends ko hehe.

    Ayus na sa akin at least me mga taong sincere na nagbigay ng kanilang panahon at me bonus pang taos
    pusong papuri dun sa tula.

    Nagustuhan ko lang talaga ang tema ng pa-contest na sinimulan mo, at naging inspirado gawin ang nasabing tula.

    At sa gulat ko, nandun pa rin pala ang “liyab ng damdamin” na nananatili sa akin bilang isang manunulat dala ng interes sa literatura.

    May the best entries win na lang! 😉

  21. thanks po sa reminder.. bahala na po humusga ang mga mambabasa. nais ko lang naman ibahagi ang aking nalalaman kahit di manalo, masaya na kong naging bahagi ng iyong patimpalak..

  22. ay malapit na palang matapos ang pa-contest na ito.

    hindi na siguro ako makakagawa ng entry..taga palakpak nalang ako at mag congrats sa mga mananalo. hehe

    ayos! proud pinoy din ang site mo. mabuhay ka kaibigan.

  23. uhm,,,, hi po sa inyo uhmm,, may tanong lang po ako meron po kasi akong wordpress kaso naman po di ko po alam kung panu gamitin yun may mga na i-save na po akong maikling kwento ang gusto ko po sana ay maraming makabasa ng mga isinulat ko at kung anu ang masasabi nila ito po yung account ko sa wordpress sors88.wordpress.com

    thank you po
    ingat po kau lagi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s