“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”
UPDATES
August 17, 2009
Final na po : September 26,2009 ang ating kita-kita para ibigay ang mga awards, gaganapin ito sa Tivoli Garden Residences – Skylounge, Mandaluyong City. Lahat ng kalahok at mga sumuporta ay magsasama-sama para sa isang gabi ng kasiyahan at kulitan.
Narito ang mga premyo (may mga nabago, may nadagdag, sana ay wala ng mabawas hehehe)
Maikling Kwento | Kwentong Pambata | Tula | Vlog | |
BLOGSIKAT | Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD | Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD | Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD | – 1gb flashdrive, T-shirt, Saranggola mug, imax movie ticker for 1, Saranggola sticker, Libro na gawa ng Panpilpipol, blogsite badge, Rabay CD |
Ikalawang karangalan | blogsite badge, mouse pad | blogsite badge, mouse pad | blogsite badge, mouse pad | Saranggola mug, T-shirt, blogsite badge, mouse pad |
Ikatlong karangalan | blogsite badge, mouse pad | blogsite badge, mouse pad | blogsite badge, mouse pad | blogsite badge, mouse pad |
BLOGGALING | Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD | Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD | Saranggola sticker, Saranggola mug, T-shirt, Libro na gawa ng Panpilpipol,- blogsite badge,- Rabay CD | starbucks book, 2gb flashdrive, imax movie ticker for 2, Saranggola sticker, Libro na gawa ng Panpilpipol, blogsite badge, Rabay CD |
Ikalawang karangalan | blogsite badge, mouse pad | blogsite badge, mouse pad | blogsite badge, mouse pad | Saranggola mug, T-shirt, blogsite badge, mouse pad |
Ikatlong karangalan | blogsite badge, mouse pad | blogsite badge, mouse pad | blogsite badge, mouse pad | blogsite badge, mouse pad |
Sayang naman ang vlog category, wala pang sumasali, mas maraming premyo dahil nga mas mahirap ang paggawa ng vlog. May oras pa para gumawa ng entries. Hanggang August 31, 2009 na lang po ang patimpalak na ito.
Sali na!
salamat nga pala kila Azrael, Coy ng Videochops Maggie May Baybay, at syempre wordpress philippines para sa pagtulong sa pagpromote ng patimpalak na to.
———————————————————————————————————————————————————————————————–
Patimpalak
Paglikha ng Maikling Kwento, Maikling Kwentong Pambata, Tula at Vlog
- Maikling Kwento
i. Hinihikayat na hindi hihigit sa 1,000 salita. Masusukat natin ang bilang sa pamamagitan ng word count sa word office or sa baba ng new post page. Tandaan na sa blog kapag mahaba, hindi masyadong binabasa.
ii. Paksa : saranggola o kwentong nabigyang buhay gamit ang saranggola, mga aral, ideya o kaisipan na makukuha sa paglikha, o pagpapalipad ng saranggola. - Maikling Kwentong Pambata
i. Hinihikayat na hindi hihigit sa 500 salita.
ii. May paksang humihikayat sa paglalaro’t paglilibang. Syempre, hindi natin gustong ang mga bata ay nagvivideo games at nagbablog na rin di ba?
iii. Gumagamit ng salitang nakakapukaw o nagpapalipad ng imahinasyon
iv. Angkop sa mga batang sampung taong gulang pababa. - Para sa Tula
i. isang tula
ii. pwedeng may sukat at tugma at maaari rin namang malaya. Kung saan ka komportable.
iii. May temang may kinalaman o attribution sa saranggola. Halimbawa; paglaya, paglipad, pakikipagsapalaran, kulay, pangarap, paglikha - Vlog (video blogging)
i. 3 – 5 minutong vlog na nagpapakita o nagtuturo ng paggawa ng saranggola
ii. Kinakailangang Filipino ang midyum sa pagbibigay direksyon sa paglikha
iii. Huwag masyadong seryoso, dapat ay nakakatuwa, at maging malikhain.
iv. Ipakita sa vlog ang aktwal na paglikha ng saranggola; hindi pwedeng direksyon lang. Dapat ay ipapakita ang nabuong saranggola sa vlog.
Paano sumali at mga dapat tandaan
- Bukas ito sa lahat ng bloggers; nasa Pilipinas man o nasa labas ng bansa.
- Bloggers : kung nagsusulat ka ng blog. Ikaw yun ano pa man ang trabaho mo, kurso o estado sa buhay!
- Kung sakaling ang mananalo ay nasa ibang bansa, ipapadala sa inyo ang mga premyo.
- Filipino lang ang midyum na gagamitin sa mga kategorya bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng buwan ng wika. Kung Ingles ang iyong blog, siguraduhing ang isusulat o iba-vlog mo ay nasa Filipino.
- Kung baguhang blogger, dapat ay nakasulat ng hindi bababa sa 3 entry bago mag Agosto, 2009.
- Lagyan ng pamagat.
- Maaaring sumali sa apat na kategorya. Siguraduhin lang na isang entry lang sa bawat kategorya. Sa madaling salita, ang bawat blogger ay maaaring sumali at manalo sa apat na kategorya. Ganun din, magkakahiwalay na posting, huwag pagsamahin ang iba’t-ibang entry sa isang posting para hindi nakakalito.
- Gaya ng patimpalak ni Otep (pagaya ha otep 🙂 ), gamitin ang picture sa ibaba, ilagay sa inyong blogsite o sidebar at i-link sa inyong post para madaling makita. Kung nais mong salihan lahat, gamitin lahat ng picture para madaling mahagilap ang inyong gawa.
- Kung gawa na ang entry mo at nakapost na, pumunta sa comment portion ng entry na ito at sabihing nakapost na para mapuntahan ko at macheck ang link mo. Icoconfirm ko sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong link sa aking Saranggola Blog list sa side bar ng aking blog. TINGNAN kung nasa listahan na kita para masigurong makakasama ka sa opisyal na listahan ng kalahok.
- Ang patimpalak na ito ay magsisimula ngayong ikaw 8 ng Hulyo at magtatapos sa 31 ng Agosto, 2009.
- Ang mananalo ay ipopost ko sa ika 15 ng Setyembre, 2009!
- Maaaring mailathala o maipublish ang mga mananalo. Sa ngayon ay pinag uusapan na ang detalyeng ito.
- Ang desisyon ng mga hurado ay pinal, in English, judges decision is FINAL.
- Kung may nagawa na kayong kwento, tula o vlog na naipost nyo na bago pa man ang patimpalak na ito, maaari itong isali kung ang inyong nalikha ay hindi pa nailalathala maliban sa inyong blog at ito ay napost sa inyong blog mula noong ika 8 ng Pebrero taong 2009 hanggang sa kasalukuyan. Ang mga naipost na ninyong blog noong nakaraang taon o bago ang nasabing petsa ay hindi maaaring isali. (dagdag na alituntunin)
Hinihikayat na gawin ang mga sumusunod subalit hindi sapilitan:
Maganda na kaexchange link kita. In short, nasa blogroll ko ang blog address mo at nasa blogroll mo ang blog address ko. Kung wala kang blogroll (gaya ng ibang site) ay ilagay sa link. Kaya kung sasali, sabihin sa comment portion na isama kita sa link ko, gayundin isama mo ko sa link mo. Kailangan ito para madaling maipalaganap ang blog mo at blog ko.
Huwag kalimutang lagyan ng tag na : Saranggola Blog Awards ang bawat entry.
Ipost din ang picture na nasa ibaba at ilink sa https://bernardumali.wordpress.com/ para maraming makaalam at sumali sa patimpalak.
Ang mga Mananalo
Bloggers’ Choice / Blogsikat!
- ito yung magkakamit ng may pinakaraming comment
- hindi kasama sa bibilangin ang naulit na puna o comment at sariling comment
- tanging bago o unique comment lang ang bibilanganin.
- Ang mga puna na papasok hanggang sa ika 31 ng Agosto 11:59PM, oras sa Pilipinas lamang ang bibilangin.
Judges Choice / Blogaling!
- Ito yung mapipili ng mga hurado
- Hindi muna ipakikilala ang mga hurado
- May Palanca awardee, sikat na vlogger, artist, influential blogger,author ng aklat, Professor, at iba pa. Kasalukuyang kinokontak ang ilan sa kanila; ang iba naman ay tumugon na.
- Magkakaiba ng hurado sa iba’t-ibang kategorya; kami na lang ang magsusuma o magcocompute ng mga puntos na binigay ng hurado.
Blog Finalists
- Syempre kikilala rin tayo ng tigdalawang finalist na tatanggap ng special award.
Maaaring manalo sa lahat ng kategorya. Maaari ring ikaw na ang magkakamit ng Blogsikat, ikaw pa ang mapipili ng mga hurado para sa Bloggaling!.
Premyo
Blogsikat at Blogaling
- Ispesyal na badge na ilalagay sa inyong blogsite
- (cap o sombrero na may opisyal na saranggola logo) tshirt na
- mouse pad
- mga aklat na isinulat ng panpilpipol
- saranggola! (wala na to, idonate na lang natin sa mga bata)
Finalists
- ispesyal na badge
- mouse pad
SAYSAY NG PATIMPALAK / CAUSE
Bakit Saranggola Blog Awards?!
Ang pagsulat ng blog ay gaya ng paglikha at pagpapalipad ng saraggola, kailangan mong buuin ang mga salita at pakawalan sa kalawakan ng blogosphere o blogosperyo. Maraming makakakita at makakabasa, nagmimistulang makulay ang kalawakan sa ating mga sinusulat.
Gayundin, ang bawat entry ninyo ay tutumbasin namin ng saranggola. Sa madaling salita, kung mayroong 50 entries, magkakaloob kami ng 50 saranggola sa mapipiling mga bata / organisasyong pambata sa kalakhang Maynila. Ito ay upang hikayatin ang mga batang maglaro, mangarap at bumuo ng kani-kanilang saranggola.
Marami na ang nagpakita ng interes, may mga magbibigay ng saranggola at ang iba naman ay nagsabing bilang partisipasyon ay magtuturo sila sa mga bata kung paano lumikha ng saranggola.
Sa mga interesadong magbigay ng premyo, maging bahagi ng cause na ito, o kung may katanungan, mangyari lamang na lumiham o mag YM message sa akin bernardumali@yahoo.com para sa detalye.
PAALALA:
Huwag kalimutang ilagay ang mga picture sa ibaba sa inyong side bar at ilink sa inyong entry para madaling mahagilap.
Tumulong na ipalaganap ang patimpalak na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng picture at paglink sa aking blog
ang mga logo / picture ay nilikha ni Fritz Keben Geremia.
—
———————————————————————————————–
Salamat sa mga sumusunod
Fritz Keben Geremia at Wyndee Mixto – creative partners; mga kabasagang bungo at coffeebean buddies.
Saranggola sponsors
melissa queyquep, cathy yulo, Maggie May Baybay, Prof. Nonet Marte, Prof Elvie Asuan, Elmer Tejero, Eimman Evarola, Beverly Siy, Princess Nice Flores at marami pang madadagdag……
———————————————————————————————————-
uy sabi ko na nga ba mauuna ako haha! noice bernard!
oo nga expected ko na na kung hindi si jason e ikaw ang mauuna.
sayang naman kua bernard ngaun lang ako namulat sa mga ganitong kaganapan. at di ako nakasali. hehehe.
mainit-init pa..
bantay sarado ah. musta naman ang pagpupuyat para kay MJ.
ayun puyat,napa-wow ako kay john mayer, uber!
may word limit ba yung tula?
sasali ako
walang papalag
Go! Go! Go!
wow bongga! mag-iisip na po!
yeAH!!! yung saranggola!!!
di pa ko nakakapagpalipad nyan!!!
like ko rin sumali..hehe..gagawin ko ang lahat para dito..hehe..got your link from shynyrd..
hey joyce. hihintayin ko post mo. salamat sa pag daan at pagpost ng contest na to.
hello po sir! hehe..thanx po for replying..ok na po poem ko, di ko pa lang naipopost, consult muna ako sa mga advisers ko, hehe..joke lang po..kala ko di ako welcome dito..mejo nabadtrip nako kahapon xe partida, maysakit pako tapos pagopen ko site mo to ask some questions, aun nga, wala kapa pong reply..hehe..(haba ng sumbong e)
oo nga nakita ko pics mo nasa makati med ka. anong nangyari? wag nang tampo, medyo hindi ako makapag update kahapon 12:30 AM na natapos event namin. hintay ko post mo
si shea ung naconfine sa makati med..hehe..bcbchan ka po pala..napost ko na po ung nilikha kong tula..isa po siyang tugma..
Wow! special mention ako Nyahahahaha
sasali ako 🙂
kaso.. para exciting, lakihan pa ang pa premyo 🙂
Nyahahahahahhaa 🙂
hahaha sige, dadami din ang prizes hindi lang napafinalize pa.
gusto ko sanang sumali…
hahaha sige i aaadd kita kaso wla yng link mo. ano ba yung link mo ulit.”
kaso hinanap ko pangalan ko sa blogroll… wala…
haha! demanding… jowknezz!
sana magkatym ako gawin lahat ng yan…
join na. open sa lahat ng blogger to
wow,..nice hehe..
hmmm..saya ah hehe…
iisip lang muna ako kung sasali ba ko ahha..
kasi alam mo na lahat na lang daw kasi ng contest sinalihan ko haha..
well pero susuportahan kita dito kuya.,.
Hi Blue! pwede bang isali yung nagawa ko nitong nakaraang buwan ng mayo ata?
ang ganda nito..sana maraming sumali!
Pwede hanggang anim na buwan, o mga blog na naipost mula noong Pebrero 8, 2009.
sige isasali ko yung gawa ko, lagyan ko lang ng konting drawing. May mga comment na yun dati..okey lang? kung hindi mabibilang walang problema.
Matalo..manalo, at bilang suporta sa iyong kontes 🙂
Goodluck!
Abangan ko ha. lahat lang comment dated July 8 ang mabibilang natin.
okey blue! kahit walang mag-commnet..hahaha 😉
repost ko!
salamat sandi. nakaakpressure kasi ganda ng mga drawing at napakacreative ni jason hahahaha. Yung tula naman ni tsi hanep, lilipad ka talaga. kakatuwa.
sali din po ako…
salamat nga pala sa pagdaan…
yahoo. sige magparami pa tayo! Mas maraming kasali, mas maraming saranggola ang maipamimigya natin!
ui si joyz sali din daw. replayan mo naman siya, nagtatampo na siya. lagot ka. hehehe
oi la pa po ako sa blogroll mo…
ayan naglagay na po ako ng link.
tnx…
na add na rin kita! hintay ko na lang post mo.
MERON NA PO AKO POST…
sa dinadami dami ng contest dito sa blogosphere, to na siguro ang kauna unahang contest na sasali ako…indi dahil sa tamad ako, pero pumipili din ako ng topic na gusto kong gawin…he he he…
kaya congwatulasyons to me….sasali ako sa pacontest for the pers taym.
yahoo. sige abangan ko at kulitin kita from time to time para sumali ka rin. Naks si Maldito sasali 🙂
di ako makasali kasi masyadong competitive. hahaha. kung di lang ako busy baka nakisala na din ako dito. hay. (at least may new project kame)
goodluck sa lahat. aabanagn ko itong mga entry. for sure magaganda 😀
uy sali na. go na. matagal pa naman ang deadline.
ayos to, mahalungkat nga yung mga gamit sa pagvideo ng makagawa ng isa
sige abangan ko entry mo.
Bern bern may entry na ko!!!!
yipeeeeee
Post mo na.
ok na add ko na sa list ng entry
Ser may entry na ko paki-tsek kung sumunod sa rules lol
http://tsiremo.wordpress.com/2009/07/09/saranggola/
ok na nadd ko na list.
Pingback: Ang Bulador « flaming views of a lunatic
abangan mo ang pag bangon ko….nyahahaha… nakakatuwa. ang galing, isa ka talagang guro sa FILIPINO.
(teka, habang tinitipa ko ang mga salita dito, may biglaang dumating na masamang balita, si Rajah Andresan isang Rajah sa dakong Mindanao kung saan minimina ang aming negosyo, pinatay daw (tribal war)… nakikiramay po kami sa kanyang pamilya at nasasakupan.
basta lilikha na ako mamayang gabi.
abangan ko gawa mo. naku kakakalungkot naman, nakikiramay din ako. anong tribe?
isang tribo sa Diwalwal kung saan matatagpuan ang malaking deposito ng mga ginto, maraming tribo doon, marami sa mga pinuno ay kaibigan ng aming kumpanya. nakakalungkot na gaya ng Pilipinas, hindi rin sila magkakasundo.
malungkot na balita vin, ang aking pakikiramay..
oo nga, nakakalungkot. kaya nung inalok ako ng trabaho para sa isang mining company bilang community organizer sa zamboanga e tinanggihan ko na. medyo malalim angusapin niyan lalo na kung ancestral domain ang pag uusapan. tsk. tsk. tsk.
ano ba naman yan kuya, HINDI naman nakakamotivate yung mga papremyo mo.
naku wala pa kasing budget, nilalaan natin sa cause pero may iba na nag commit para sa prizes, madadagdagan pa naman kailangan lang ng confirmation.
sasali din ako! waaah.
OA naman ako. yay. hamster anong isusulat mo?
sige, kabugin mo ang pipino at pechay hahaha. siguro sa’yo kamatis at mayonnaise!
naisip ko nga si kamatis!
pero pwede ring maging bida si talong at ampalaya!
hoy anong kaguluhan tO!
hehe. kwentuhan lang ng artic mo. ganda kase eh. hehe.
si vetsin at si paminta [durog]
kornik
waaah! gusto ko nito! makikisali ako! sana nga magawa ko! awooo!
wag ng patumpik-tumpik. kaya mo yan!
makikilahok naman..aking entry iyong abangan…
coolness. sige hintayin ko.
My entry na ko sa tula..
bernard pogi, nakagawa na ako ng entry ko, TULA ito, hindi ko nga lang alam kung pano kunin yung link ng picture ng tula…
sana magustuhan mo ang ginawa ko at sana may mapulot na aral ang mga batang naging inspirasyon ko sa pagbuo nito…
more power sa blog mo….
salamat sa pagpadala. hindi pala ako nakapagcomment agad lol.
may entry na po ako MAIKLI KWENTO PAMBATA
hey naadd ko na.
Naku bernard gusto ko sanang sumali…kya lang ako’y bagong salta lamang dito… naging new outlet ko lang ang pagblogs… mas nanaisin kong basahin nlang ang mga nilathala ng lahat .. isang tulong kase ang ibang lathala sa pagkakatesismo sa mga pslit at kabataan bilang baghuhubog… masusing pagsasala lang ang aking nagagawa dito sa blogs… na kung minsan isang diary nalamang para sa akin… natutuwa ako sa mga sumusuporta.. GBU sa inyong lahat!!!!
salamat! may time pa naman. pwede pa hanggang august 31. baka lang may maisip ka.
maraming salamat po.. mas maganda siguro kung comics style or illustrated pix. di ko kaya e ala ko gift sa art, ideas lang.hehehe
ok lang na walang pix. maganda naman story mo.
hehe. pasensya. di yata ako makakasali sa patimpalak na ito. di kasi ako marunong magsulat. haiz…
but i will link you in my blog na lang. ok ba yun?
ok lang. matagal pa naman ang itatakbo ng contest baka magbago pa isip mo hehehe
hello po..im arelady done with my short story. Just posted it on my blog…here’s the link..http://joyceagojo.wordpress.com/2009/07/11/mga-pusong-bilanggo/
Mga Pusong Bilanggo, kaya mo bang palayain?
Subukan ang iyong galing..ang aking salaysay ay iyo nang basahin!
GO! GO! GO! Gals and Guys!
added na po
tnx thnx! still conceptualizing my short story for kids..
entry ko po sa maikling kwento
confirm na. na add ko na rin.
yipeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!
MAY ENTRY NA AKO: auilone blu meaning saranggolang blu……..
yahooooooooooooooo! mukhang talagang pinaghandaan ah.
sori….AQUILONE BLU
ok na kuya add ko na. short stories and vlog naman sa susunod ha 🙂
hello! prompote ko lang entry ko heheheh
🙂 salamat bernard a.k.a. Piolo
eto po oh iclick nyo at magcomments kayo!!!
enjoy!!!
jason, the best ka! isa ka sa mga alamat!
alamat ng kalokohan. lol
Pingback: Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya | Ax Realm
hi kuya! hehe. eto na po ang entry ko: http://axrealm.com/2009/07/bakit-mas-mahaba-ang-kay-kuya/
isang maikling kwento! salamat! hehe.
na add ko na!
hehe..! yay.
nagvote na ko. excited ako ma- meet mga bloggers..
http://shynyrd.wordpress.com/2009/07/12/si-tom-payatot-at-sara-saranggola/
ETO NA PO ENTRY KO. HEHEHE
CROSS FINGER NA AKO!
ah, sige, visit ko yan. mamaya na po ha, kelangan na pumasok sa opis. hehe.
na add ko na
kuya bernard, baka po madisqualify ako, kasi di ko nabilang yung words… aun.. ok lang po atleast may entry.
Masyado ako nainspire magkwento eh kaya napahaba.
Aun…
Tinatamad na ako mag edit eh.. pag may time na lang po. hehehe
sige mahaba-haba pa naman ang oras. wag lang magbabago ng ideya pag inedit mo.
kuya na edit ko na. pero mahaba pa rin eh.. paano yan? pag iniklian ko pa la na yung sense ng story. aun…
k lang basta may entry hehehe
kahit special mention ok na. hehee
ang dami ko nang nabasang entry… ang gaganda parang ayaw ko nang sumali hehehe… ang gagaling su,ulat kabog!
uy, wag kang kabahan. atleast nga may edge ka kasi ngayon ka lang gagawa at may ideaka na sa iba di ba and besides for fun and para sa cause to. kaya sali na!
ikaw pala bernard ang may pakana ng mga saranggola posts. hehehe.
saludo ako sa yo! gusto ko rin sanang magjoin pero di ako mahusay sa pilipino e. hehehe. goolak sa mga mananalo!
hahahaha di ko maimagine na sasali ka. baka matrauma ang mga batang magbabasa lalo na pagkwentong pambata ang sinalihan mo. lol
ang cute ng bago mong header image hehehe 🙂
uy salamat hehehe match lang sa bago kng pakontes sali ka.
dali na sali na din kayo lahat para marami akong mabasa..ahaha
tapos meet tayo lahat sa awards night
nga pala, may theme na po ba para don?
waaah, di ko pa rin nasusulat ung kwentong pambata ko, feeling ko kasi malalim pa rin ung pag-atake ko sa kwento
di ako sanay magsulat ng story para sa mga bata
bata pa ko pero ayoko na sa mga bata
haha
GEB yess! May star of the night ba? hahaha!
Cool.
why not lol.
night ba gaganapin? yay.
nais kong magpasa ng entry para sa Maikling Kwento (na actually eh naging Mahaba-habang kwento yata).
Nailagay na rin kita sa link ng site ko.
http://siyetehan.blogspot.com/2009/07/2010.html
Salamat.
Pingback: darkbrew » Blog Archive » Ang Bulador
Hello. Sumali rin ako sa iyong timpalak maikling-kuwento.
http://vindlewar.wordpress.com/bugtong/
Pasok ba ang ganitong akda sa inyong timpalak? Haha.
na add ko na. grabe dumugo ilong ko. lol
Yey salamat. 🙂 (mukha kasi siyang alanganin sa tema) pero yun lang, gusto ko lang namang mamahagi ng “novelty,” kung maituturing mang novelty yon. haha.
magandang umaga!!! napadaan lang ako
para bumati ng magandang umaga sayo
pareng bernard at sa lahat ng naririto..
pakibisita naman ang aking entry!!!
CLICK MY NAME AND THEN THE SARANGGOLA SIDE BAR!
Thanks!
magpromote talaga lol.
Pingback: I’m Yours – EPISODE 9 – Kite Fish « RLLQPH
pareng bernard, ito na ang aking ipinangakong entry sa iyo.
honestly, sumobra siya ng 100 words sa limit. pero gusto ko pa rin i-share kahit alam kong disqualified na ito.
http://rllqph.wordpress.com/2009/07/17/im-yours-episode-9-%E2%80%93-kite-fish/
sama mo pa rin ako sa eb night ha? ^^
add na. oo naman, syempre kita kita tayo.
eto na po ang aking entry sa maikling kwentong pambata http://joyceagojo.paidtoblog.com/articles/ang-papagayo/. pasensya na po kung medyo natagalan.
added! medyo late reply. lol
Nakakahilo. @-)
nakakahilo ba? hehehe sige lang basahin mo na lang ulit. sali ka rin
may bago po akong entry sa kategoryang TULA
ETO PO
http://shynyrd.wordpress.com/2009/07/17/ikaw-ang-gabay-ako-ang-saranggola/
cool shyn. add ko na.
entries ko ito sa saringgola blog awards…
Maikling Kwento
http://ceriden.net/?p=407
paki-view na lang!!!
Salamat
entries ko ito sa saringgola blog awards…
Maikling Kwento
http://ceriden.net/?p=407
paki-view na lang!!!
na add ko na! nice one!
salamat!!
visit ninyo naman ang blog ko!!
http://ceriden.net
magandang umaga kuya
bernbern
hahahaa
hoohooho
parompote uulit
ahohohhoho
ahohohohoh
hehe. spammer ka! yay.
hm, sa’yo ang boto ko hams basta kwentong pambata!
balita ko nga may sabwatan kayo lol
talagang promote kung promote lol.
ay sus! pwede bang saranggola yung pechay? bakit di mo na lang gawing kite yung mga girly magazines mo? wait…hiniram ba ni ax?
wow!!! ok ito ah
at isa pang wow! dinalaw ako ng bigating blogger. uy, sali ka ha!
o naman..sali kami hehheehe
wow..bigatin pala ko hahaha. tnx tnx
promote ko ito sa blog ko
Isang maagndang araw sa iyo Blue!
nilathala ko na muli ang aking kuwentong saranggola.. Goodluck sa iyong patimpalak at sa lahat ng sumali.
eto ang link:
http://sandijmartin.wordpress.com/2009/04/15/ang-saranggola/
kuya salamat. add ko na ha.
parang adik lang talaga ung hamster o..ahaha
si hamster? oo natural na adik yan lol. peace!
second emotion!
Eto ang aking entry sa iyong pakontest. Sensya na, na-tripan lang hehe
Di ko alam kung papaano ako mananalo eh hindi naman ako nagpapakoment. Tsk! Di ko din lam kung saang kategorya, di naman kasi ito tula o video blog. Lalong hindi pambata, kaya sa Maikling Kwento na lang.
Saranggolang Mababa ang Lipad
hala! parental guidance lol
hindi naman po… masyado! 😀
ang daming taoooooo….! haha cge try ko sumali matagal pa naman pala ang dedlayn 😀
cge kukulitin kita.
1st time here… aheheh!
galing nyu naman….
bibong2
aehh!
salamat. hintayin ko entry mo.
uy mga sir pwede pa po ba sumali. nakakatuwa naman add ko po kayo sa blogroll ko. makagawa na ng entry. Kudos po!
yup open sa’ting lahat nanagbablog. may oras ka pa!
nakapost na po ako.. under TULA category.
Cheers!
added na
Pingback: Entering The Blogging Awards Season | VIDEO CHOPS
Hello Bernard! I featured your awards on my blog – http://videochops.com/2009/07/entering-the-blogging-awards-season/ Great job!
uy salamat ng marami. maganda exposure yan! add kita sa link.
Hmmmm. Interesting. Matagal-tagal na rin akong hindi nag-ba-Blog (sigh heavygat na mga projects). Late na ‘ata ako para sa kompetisyong ito. Pero pipilitin ko pa ring sumali sa kabila ng mga patong-patong na proyekto sa iskul, hilig ko ang mag-sulat kaya pipilitin ko . . .
^_^
asahan ko yan ha. maligayang pagbabalik!
gusto ko tong contest na to. ang ganda ng adhikain! more power sa blog at sa contest!
kaya sali ka na rin!
padaan lang..
padaan ulit
wla lang
huhuhuhuhu…..
tol bernard bakit dimo pinansin ung entry ko anyway paste ko ulit ang ang link…..
eto un oh http://alaehvhoi.wordpress.com/2009/07/21/14/
pansinin mo nmn ako
mamatz
hi! salamat sa paglahok, syanga pala paalala ko lang na Kung baguhang blogger, dapat ay nakasulat ng hindi bababa sa 3 entry bago mag Agosto, 2009. Sana makapagpost ka pa at irepost mo na lang ulit to o kung may dati ka ng blog, pakibigay na lang ang link.
Dear Mr. Bernard Umali,
Ang aking maikling kwento na “Santino” ay tungkol sa isang batang nawalan ng ina, ngunit isang araw, habang nagpapalipad siya ng saranggola kasama ang kanyang ama, may natutunan siyang aral na hindi niya malilimutan. Ang bida ay kamukha ni Nash Aguas at ang tatay niya ay kamukha ni Christopher De Leon.
Naka-poste na po ito, at nakakapit na rin po ang inyong pook sapot.
Marami pong salamat.
Jonathan Aquino
2Rivers
http://jonathan2rivers.blogspot.com/
napakaseryoso. na add na kita. basta post ka pa ng mga blog ha.
Nag-iwan na po ako ng puna pero nawala. Nasaan na yon?
aba, meron palang kaguluhan dito ha. makikiusyoso muna ako 😀
hahaha atwe kengkay sali ka na
makisali na rin po…
eto po ang aking entry sa maikling kwento
http:/lipadlaya.wordpress.com/2009/07/26/tag-araw/
okay kasali ka na!promote mo na ang blog mo sa mga kaibigan mo.
Nais ko lang pong magpasalamat sa opisyal na pagtanggap ninyo sa aking munting akda. Salamat at pagpalain po kayo ni “Bro”!
walang anuman! salamat din sa paglahok!
Kamusta!
palitan ko lang ang link ng aking entry..at nag email ako sa yahoo mail mo.
salamat!
http://angtangingyaman.com/2009/07/19/ang-saranggola/
naedit ko na yung link. thanks!
sir…
sali uli ako sa kwentong pambata.
Eto po.
http://lipadlaya.wordpress.com/2009/07/27/bakit-ka-lumil…ora-saranggola/
salamat nga pala ulit.
salamt ulit! kasama na siya sa listahan
this is a very good initiative! thanks for putting me in your links bernard! ilalagay din kita sa linnks ko. maraming salamat…
salamat din at ingat palagi Fr.!
kuya blue eto na yung entry ko sa Maikling Kwento
http://dakarinderiafiles.wordpress.com/2009/07/27/si-maam/
ayun….antagal ko bago nakapagbuo ng kwento.:)
hi jazz, naadd ko na!
may awards night pwede bang guest na lang ako kuya ehhe..
gud luck sa mga sumali hehe..
kamusta kuya ngayon lang ulit napadaan dito hehe..
sali ka na.
parang nagcomment na ko dito pero nawala.para lang.ewan.nangangain ba ng comment to?
btw,masyado nang late ang mga dates ng awards night.wala na ko ulit sa pinas nyan.wahhhhhhhh
magkikita kita naman tayo before awarding
ang gagaling ng ngpost…hayzzz…goodluck makikibasa na lang ako..
pero teka, abot pa ko db? try ko maya maya..baka may maisip ako..
kaya pa precious.
try ko mag add ng entry blue, hehe
sige na asahan ko yan ha.
hehe sige me draft na ako blue, inform kita agad pag naka post na 🙂
sinabi ko na jojoin ako.pero hanggang ngayun indi ko pa matapos tapos ang draft dahil sa sobrang busy…loser ako? i know..hu hu hu
hahaha may time pa naman maldito. isang buwan pa.
muli akong nagbalik dito…patingin-tingin lang…
sali ka na father!
sa susunod na lang siguro…hehe 🙂
Pingback: PAGMAMAHAL AT ANG SARANGOLA NI PEPE « Libre Lang Mangarap! :)
na add ok na. hanep 1 entry in 2 contests hahaha
wow dami na sumali ah ehhe..
sasama na lang ako sa eb pwede ba kuya bernard taga palakpak na lang ako ehhe..
pm mo nga po pala ako kuya sa ym ko..may ask lang ako..
lovely_damnhype@yahoo.com
hm, hindi ko pa alam kung makakasama ako! yay.
Hello Mr. Blue!
Sali ako sa pa-contest mo. nai-upload ko na yung entry ko.
This is the link : http://kuntilbutil.wordpress.com/2009/08/09/tula-ng-isang-saranggola/
Thanks!
Nais ko lang pong sabihin (baka kasi kailangang sabihin ko): ang aking pong kwentong pambata na pinamagatang Santino ay nailathala sa Bagong Tinta segment ng diyaryong PM. Kaya lang pinalitan ng titulo at ginawang Pagdating ng Araw. Lumabas po ito ng Agosto 2. Wala lang. Maraming salamat po.
Pasali po ha!
hmmmmmmmmmmm
nangangamoy papremyo !!
NAKO!!
di ko papaplampasin eto!!!!
naligaw lang po ako.. 😀
im so heksayte, and i just cant hide et…
una sa lahat paumanhin po..ngayon lang ulit ako nakadalaw dito..
pangalawa, ang bongga pala ng pakontest na ito..seryosohanang laban..
heheheheh magandang hapon kuya bernard!!
ang dami pala talaga price 🙂
dami nga!
gleng naman ng pa-contest na to. i like the idea.
i consider all participants winners. lahat kayo magaling….walang popularity contest to ha.
Yeah visit my entry here ayiyi.. ^_^
http://www.tsiremo.com/2009/07/saranggola/
Hi Mr. Blue!
Salamat sa paalala to promote my blog more.
Di talaga karamihan ang close friends ko hehe.
Ayus na sa akin at least me mga taong sincere na nagbigay ng kanilang panahon at me bonus pang taos
pusong papuri dun sa tula.
Nagustuhan ko lang talaga ang tema ng pa-contest na sinimulan mo, at naging inspirado gawin ang nasabing tula.
At sa gulat ko, nandun pa rin pala ang “liyab ng damdamin” na nananatili sa akin bilang isang manunulat dala ng interes sa literatura.
May the best entries win na lang! 😉
thanks po sa reminder.. bahala na po humusga ang mga mambabasa. nais ko lang naman ibahagi ang aking nalalaman kahit di manalo, masaya na kong naging bahagi ng iyong patimpalak..
ei kuya bernard…pa link naman!
kakatapos ko lng sa entry ko sa maikling kwento..
now ko lng nagawa…now ko lng din natapos..di baleng wlang natrabaho..natapos ko naman…
haahaha….paki check naman kung ok siya…kung pasok sa banga…salamat!
http://multipurposelyin2sumthin.paidtoblog.com/articles/maniwala-ka-lang/
pa link naman!
kakatapos ko lng sa entry ko sa maikling kwento..
now ko lng nagawa…now ko lng din natapos..di baleng wlang natrabaho..natapos ko naman…
haahaha….paki check naman kung ok siya…kung pasok sa banga…salamat!
http://multipurposelyin2sumthin.paidtoblog.com/articles/maniwala-ka-lang/
ei kuya berns! pa link ulet! meron nakong entry sa tula!
nyahahahaha….hay pinoy, hilig sa rush! hehehe
http://multipurposelyin2sumthin.paidtoblog.com/articles/akala-ko/
TSALAMAT! Mwaaahugs! ^,^
…ei kuya berns! pa link ulet! meron nakong entry sa tula!
nyahahahaha….hay pinoy, hilig sa rush! hehehe
http://multipurposelyin2sumthin.paidtoblog.com/articles/akala-ko/
TSALAMAT! Mwaaahugs! ^,^
ay malapit na palang matapos ang pa-contest na ito.
hindi na siguro ako makakagawa ng entry..taga palakpak nalang ako at mag congrats sa mga mananalo. hehe
ayos! proud pinoy din ang site mo. mabuhay ka kaibigan.
elo po!! pasali po ako sa blog roll.. hehe eto po entry ko sa mailing kwento.
http://mariaespievidal.wordpress.com/2009/08/26/muntik-na-maabot-ang-langit/
bakit ba ngayon ko lang nabasa ito? nakakaasar! hayz! kung hindi lang naipost yung contest na ito sa PBS, hindi ko malalaman..
anyways, may tanong ako, may nagawa na akong blog na Saranggola last year, pwede bang yun na lang ang isali ko rito?
http://fjordz-hiraya.blogspot.com/2008/04/saranggola.html
yan po yung link. sana makahabol pa ako,.. hehehe
sayang, dapat february 2009 post onwards. Sama na rin kita para mashare mo rin yan sa iba.
aw ganun po ba? anyways sige po ayos lang kung isasama niyo pa rin yung post ko kahit hindi na sa awards hehehe.. super thanks! apir!
http://shynyrd.wordpress.com/2009/07/27/countdown-timer/
padaan..
im so late to join pero sali narin me…hehehe
tula po ang entry ko. nandito po siya
http://ampingsblog.wordpress.com/2009/07/27/saranggolang-wasak/
aba!!!!!!!!!!!!!!!
kala ko awards night na bukas haha
oisst…PASALUBONG AH!
asan na?!
Please add me sa blogroll nyo po… May entry po ako ng tula. Please follow na lang po itong link:
http://princessnins.blog.friendster.com/the-saranggola-blog-awards-entry/
hmmm… ang tagal pa ng awards night hahhaahhah
hmmm kuya bernard waiting for your new post hhahaha
😀
NYT!
ei, kita kita tayo sa awarding!
Maraming-maraming Salamat sa lahat ng sumali! Hintayin sa September 15 ang listahan ng mga nanalo!
pakisked nyo na rin : sept 26, 7PM – awarding natin.
hi bernard!
uy padaan naman. sayang di ako nakaabot sa kontest mo, patataubin ko sana silang lahat, joke, hehehe.next time na lang ulit.hehe
hi… napadaan lang
excited na talaga ko
sa next EB!!!
hhhaaha
syempre
sana manalo ko
AYEEE
😀
hahahahaha
magandang umaga kuya bernard!!!!
kuya….
baka hindi ako makapunta sa awards night…. dahil may importante pupuntahan sa mismong araw na iyon….
regards na lang…
salamat
puede bang dumalo dyan sa awards night ng Saranggola Contest? hehehe…
sayang di ako makadalo….may shooting ako sa Rome …hehehehe…..ang saya nyan….
i wannna go… hehe… mangungulit lang… pero parang may appointment din ako nyan eh…
nwei, paparamdam nalang po if ever… 😉
congrats sa mga winners…
uhm,,,, hi po sa inyo uhmm,, may tanong lang po ako meron po kasi akong wordpress kaso naman po di ko po alam kung panu gamitin yun may mga na i-save na po akong maikling kwento ang gusto ko po sana ay maraming makabasa ng mga isinulat ko at kung anu ang masasabi nila ito po yung account ko sa wordpress sors88.wordpress.com
thank you po
ingat po kau lagi
Yes! Saranggola Blog Awards uli! Eto lang ang pakontes na sinasalihan ko. Syet, mukhang dami sasali this year. Congrats bernard! 🙂
Congratulations to all awardees. Keep up the great job. Congratulations also to the event organizers for a job greatly done.
Pingback: Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya – Akso Rojas