Nang dahil sa SM

Balik posting after makapaglaunch ng Saranggola blog awards.

magbaliktanaw tayo…

naaalala nyo ba nung panahon na patok na patok ang mga sari-sari store?

Noon: Kapag may bagong bukas, inaabangan ng lahat ang mga kung anu-anong nakasabit na paninda.

Ngayon sa SM : sinusuyod lahat ng mall sa loob

Noon:  unti-unti, nagkakaroon ng sariling pangalan o signbooard ang mga sari-sari store. Pagandahahan ng pangalan, may nakakatawa, may tungkol sa pangarap tulad ng saudi juice store para sa tindahan ng isang buko juice na ang ama ay nasa saudi, meron pang tindahan ni aling sharon variety store na fan ng megastar,

ngayon mas naeexcite tayo pagnakakita tayo ng SM signboard

Noon lahat nakatambay sa harap. kwentuhan, tsisimihan. Doon nabubuo ang bonding. Ang mga gang. Doon din nagkakaligawan.

Dahil sa SM, nagkaroon na ng tambayan pero hindi ng magkakapitbahay. Kanya-kanyang tambay, nagpapalamig, minsan mo na lang makasama ang mga kapitbahay at madalas, mga malayong kaibigan ang sinasama mo.

Kung bumili ka sa sari-sari store, isa-isa, pwede pang mangutang. Sasabihin mo lang, Mare o Pare pakilista muna. Halos buong sahog sa ulam mabibili mo kahit sa kalagitnaan ng pagluluto mo pwede kang tumakbo sa sari-sari store.

Ngayon, sa SM, kung gusto mong mangutang, credit card ang gagamitin mo. May kung anong nakakahalina sa SM. Para siyang kaharian na ang ganda gandang pasukin at tingnan,  yun nga lang, libre ang pasok pero lahat ng makikita mo ay maybayad.

Kung may bagong paninda ang kapitbahay mo, ipapabusisi niya sa iyo. Minsan papatikman ka pa niya.

Ngayon, nakataas noo kang hawak ang cart at kumukuha ng kailangan mo. May makasalubong kang kapitbahay, swerte na kung ngitian mo siya, pagkakataon mo nga namang magyabang. Ang madalas nyo pang pag-usapan ay kung ano na ang estado ng asawa mo o ng anak mo. Parang may kung anong yabang ang nakukuha sa cart na iyon.

Sa sari-sari store, nakakaimbento ka ng samu’t-saring katok ng barya. O kaya ng chant. naaalala mo pa ba ang tono ng tawag mo na “pah-bi—leeeeee—-” at sasagot ang tindera na pakanta rin na Ahh—no—– yoooooooonnnnnn!”

Subukan mong gawin sa SM yan. Kahit mukha na ngang probinsyenang nagmakeup ang cashier o sales lady e nag iingles ka!

Sa tindahan inaabot ka ng alas dose ng gabi.

Sa SM hanggang alas 9 lang.

Sa tindahan, marami kang mabibili sa P100

Sa SM, pang parking, ice cream lang yan

May malaking binago ang SM sa buhay natin. Sa kung paano tayo makiharap o makitungo sa mga kapitbahay natin. Unti-unti, tila nababawasan ang ating pakikisalamuha sa mga kapitbahay. Mas nilalaan natin ang oras sa mga malls. May pagbabago sa ugali, sa panlasa at sa gawi. Kahit sa paraan ng paggastos. Napapansin mo bang kada payday ay sale sa SM. Lahat ng kanto ng EDSA na may tulay ay napakalapit kung hindi man karugtong ng SM.

Naalala ko tulou ang pelikulang Wall-e ng walt disney. Ang konsepto ng overconsumerism at pagbabago sa pakikipagkapwa.  May katotohanan ang pelikulang iyon.

(SM - lang ang ginamit ko subalit patungkol ito sa lahat ng Mall)

—–

Siya nga pala, may bago akong tambayan. Paexchange link na lang. Ito ang Blue Room. Nasa www.bernardumali.blogspot.com. Tuloy pa rin naman ang pagbablog ko rito. Ang wordpress ay para sa aking mga imahinasyon at sa blogspot ko isusulat ang kwento ng aking personal na buhay, pagtingin sa mundo at interpretasyon sa mga bagay-bagay. Siya nga pala, simulan natin ang Paint the blogworld Yellow campaign. Puntahan ang blogspot account ko.

Advertisements

27 comments on “Nang dahil sa SM

    • yup pabor nga yun sa atin. pero ayokong sundan ang mensahe na tayo ay mananatiling consumer 🙂 mangangarap ako na magkaroon ng sarili kong tindahan, kahit wala sa mall para hindi maapektuhan ang presyo. wahaahaha seryoso na masydo!

  1. naalala o may nadaanan ako dati

    Sari’s Sari Sari Store

    napaka redundant. hehehe

    nung college tambay kami sa SM Sta mesa.
    Arcade dito arcade doon
    videoke kahit sa may stage pa

    tapos bibili ng chichirya at kakainin sa foodcourt

  2. “pah-bi—leeeeee—-”
    Ahh—no—– yoooooooonnnnnn?”

    ~aylavhet..hehe

    masaya kc tumambay sa mall, maski buong araw. libre pa aircon. try mo un sa tapat ng tindahan, tingnan natin kung di ka malusaw LOL

  3. siguro pala din kasing Jollibee ang SM e…BAta pa lang bukambibig na..depends din naman sa kinalakhan un e..si Amihan mahilig sa Market Market..:-)

  4. haizzz speaking of SM tambayan ko yan nung collge ako sa baguio… walking distance lang kasi… ultimo pancit canton donako nabili,,,hihi…

    namiss ko ang SM…

  5. ang ganda naman nito! totoong totoo lahat ng sinabi! hayss`! yan nga ang kapalit ng kaunlaran.. pero paminsan minsan masarap balikan kung ano ang dati kung ano yung simple.. lahat nga yata ng sari sari store nuon may upuan sa harap ng tindahan.. dun kasi pedeng pag usapan ang lahat pede ding habang kumakain ng chicharon/kropek na isawsaw sa sukang maanghang!

    pero diba nga lahat kasi ng meron tayu ngayun ay para sa kaginhawahan.. pasa sa convenience natin…
    para lang ding blog… though makabago sya pero malawak ang nararating! ^^ TULAD NITO narating ang saudi! haha!

    saya ng entry mo!! ganda ng pagkakagawa! saludo ako sau parekoY!

  6. hay the best talaga ang SM, patunay lamang na nagbabago ang hilig ng bawat tao, katunayan din ito ng unti unting pagunlad unlad ng bansa, from sari sari store to jumbong bago… hehehehe

    • oo kahit ako natutuwa sa sm kaso ang nakakalungkot doon ay natatamaan ang mga malilit na tindahan.ang mga nagbabakasakaling magnegosyo. kahit maraming emplayado ang sm, hindi nito tinuturuan ang mga taong maging entrepreneur. wait, lumalabas na naman ang dugong kalye ko.

  7. uso pa din sari sari store sa akin kasi meron kame nyan! mas mura at masarap pang kausap ang nanay ko! pero ok din ang sm kasi pede din magpa erkon

  8. Minsan may bibili pa na bata.

    bata: pabili, pabili, pabili.
    tindero: ano yun?
    bata: may tansan? pahingi po!

    sige, dalawin ko pa yung isa mong blog! hehe. gandang gabi!

  9. “Siya nga pala, may bago akong tambayan. Paexchange link na lang. Ito ang Blue Room. Nasa _____www.bernardumali.blogspot.com._____ Tuloy pa rin naman ang..”

    kuya, yung link diyan sa phrase na yan mali! check mo! hehe.

  10. nostalgic trip! 😀 hehehe. pero buhay pa rin naman ang sari sari store sa mga liblib na lugar, bernard. dito sa maynila, medyo konti na lang ang nakikita ko. pero nandyan pa rin naman sila.

    naalala ko yung mga sari sari store na ayaw lumabas nung tindero/a at kahit gano kalakas ang “tao poooooooo” “may bibili poooooo” “me ice candy po ba kayoooooooo” e ayaw talaga! hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s