Pareho kaming nagtrabaho sa iisang istasyon. Production Assistant siya at ako naman ay isang assistant cameraman. Bagay kami. Parehong assistant. Akala ko magiging kami. Minsan, kinailangan ng extra sa pelikula, hinugot siya at laking gulat ko kung paano siya umarte, literal na umarte. Doon ko natuklasan na nais niyang maging artista.
Isang taon na napadalas ang pag eextra niya. Maganda ang registration niya sa tv. Unti-unti ay napansin siya; nakilala hindi sa pag-arte kundi sa tinatawag nilang classic na beauty. Iyon daw ang tumatagal.
Nagkaroon siya ng pagkakataong magkaroon ng supporting role at humaba na ang kanyang exposure. Ngayon, siya na ang minimake-up-an. Importante na siya sa pelikula. Habang nangyayari ang lahat ng iyon, ako naman ay nakikilala bilang cameraman. Mas nakikilala siya at ako naman patuloy na natatabunan, nasa likod ng kamera.
Minsan, may isang project kaming pinagtambalan. Ako ang napiling cameraman para sa pelikulang magtatanghal daw sa kanya bilang isang ganap na aktres. Kailangan siyang bihisan na mahirap, ipakita sa mukha niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng isang maralita. Isang dalagang inang hinamon ng pagkakataon upang mabuhay.
Hindi ako komportable, kaya kong palitawin iyon subalit hindi sa gaya niya. Ang totoo, madaling gawin iyon dahil hindi naman talaga siya maganda, nagagawa ko lang gawin iyon sa pamamagitan ng pagpili ng anggulo na babagay sa kanya.
May takot siya noong una, alam niyang matutuklasan ng lahat na kapos siya sa pag arte, at hindi ako nagkamali ng hinala.
Kung may karangalang nakuha ang pelikulang iyon, ito ay ang Best in Cinematography.
Ang pelikulang iyon ang nagpatamlay sa kanyang career. Minsan, nakita ko siyang umiiyak matapos kausapin ng producer.
Habang unti-unting nababawasan ang mga proyekto niya, siya namang pagdami ng aking mga pelikula. Ako naman ang nakikilala.
Hindi kami magpang-abot. Ito naman ang aking panahon.
Isang proyekto ang inalok sa akin. Hindi bilang cinematographer, sa pagkakataong ito, director. Nakakaexcite. Isang Special TV production. Akala ko nga station ID hindi pala. Sabi kasi kailangang may damdamin, makukuha ang emosyon ng manonood. Kailangan ko daw ipakita ang kapayapaan at kaligayahan sa kabila ng kabiguan. Parang advocacy ad, hindi rin daw. Ipapakita ko raw ang ang pagkahanap ng ganap na kaligayahan. Pagkakatagpo ng tunay na minamahal.
Kasal.
Ikakasal na ang dating production assistant na hinangaan ko at ako ang bubuo nito upang ipakita sa publiko.
Ngayon lang ako nabobo ng ganito. Sa isang iglap, tila nalimutan ko ang anggulo, ang sukat, ang liwanag, ang paghagip ng emosyon.
Maaari kong hindi palabasin ang nais niyang makita ng publiko, subalit hindi ko kayang isugal ang aking propesyon.
Sa pagkakataong ito, ako naman ang umiyak.
Sana, ang mga luhang iyon ay luha ng pagkabigo sa pag-ibig at hindi pagkabigo sa sarili.
Ang buhay namin, parang pelikula.
saklap naman istorya… oo nga ang buhay ay parang pelikula pero hindi sa lahat ng pagkakataon. dahil sa totoong buhay ay walang take two. next project lang.
mabuhay!
tumpak ka dyan. ang maganda sa pelikula pwedeng i edit. sa totoong buhay, walang take 2.
nakita nya kasi ang buhay na kailangan niyang harapin ng WALA kaya ganun na lang ang naramdamn niyang pagkalumo.
sa tingin ko instinct ito ng tao – dadating ang araw na sa kabila ng tinatamasa mong success ay ang panahon talaga ang mismong pipitik sa puso para magising sa katotohanang MALUNGKOT KA TALAGA.
saklap.
bernard naparamdam mo sa akin na malungkot talaga ang buhay ko…
(drama ko!seryoso mahusay ka kapatid!)
salamat dencios, pero hindi ko sinasadyang makasaling, baka nagkataon lang na emo ka ngayon kaya ganun ang epekto ng entry na to. bukas mawawala rin yan. be happy, eat chocolates! peace!
Pang-PALANCA to! Wehehehe. ^_^
lol masyado na bang madrama? lol
OO
pede sa cannes
canned sardines 😉
ai nawala yung comment ko?
ako pangarap kong maging PA sa HARRY POTTER.. eh patapos na TOINKS.. pangarap na nga lang.. hehehe
why not. think BIG!
ang sad naman nito…kabiguan..masakit
take it easy. lol. kwento lang, kathang isip hahaha
hehe, masyado akong nacarried away
kuya masyadong
tragic..
nako naman…
kasi
andyan na ang palay o
pede ng tukain
hehehe
teka kuya benard istorya mo ba to??
sa totoong buhay?
lol. hindi naman ako cameraman. though camera person ako. masaya ako sa harap ng camera toinkz! lol.
ang pangarap kong jackpot
ano yun?
palabas sa channel 5 ata o 13 o 4
o 9
nakalimutan ko na
tagal na nun ah.
tagahanga ka pala ni manoling morato at direktor carlo j caparas.
yeah ang buhay ay parang pelikula…but your life can both have happy and sad endings, its up to you to decide what you want.. .
you mean happiness is a choice? oo nga naman.
kala ko masaya, nakakalungkot pala… huhuhuhu
yes ang buhay hindi laging masaya.
kalungkot….bakit naman kasi hindi nagtapat..baka sakaling may pag asa..pag asa QC,hehehe
hahaha e natorpe siguro
Sana magkasingkulay ang drama
sa tunay na buhay ko
Ang tanging pag-asa ko
ay nasa tambalang ito!
tambalan? di ko gets lol
yay. ako rin.
baka ganyan din ang istorya ni jason. kung pwede maging kayo, pwedeng maging sila. sino nga ulit yown jason?
ito pa lang una kong nabasa…wla lang…anu nga ba yun??? ah ewan…bsta ang alam ko… hndi ganda ang basehan sa galing ng pag-arte….ARTE nga eh! hndi beauty contest ang sinalihan! ah ewan ko tlga! bahala na nga kayo! kc kung napansin anmg galing nya nuon eh di may talent nga su anong connection ng ganda????hay naku …ewan ko tlaga!
hahahaha. relaks.
padaan ulit
sige lang. mag-iawan ng barya ha. lol
waaah kuya blu…an ganda naman nito…ang buhay nga naman minsan mapagbiro…..
salamat. mey maemote ang.
ow!
parang pelikula nga ang buhay. hindi nga lang scripted. wala nga lang camera. pero higit sa lahat, dapat maganda ang cinematography ng buhay mo!
para pag pinanood ng marami, mata touch sila! yay. mais!
kaso kung parang blairwitch ang kuha? siguro pwede na rin kung horror naman ang dating ng buhay mo di ba? hahaha
hai..buhay nga nman..buti pa sa pelikula may take2, 3,4 o kahit ilan pag nagkamali ka..sa totoong buhay wala na…